Kabanata 6

9K 173 5
                                    

NATAGPUAN na lamang ni Imari ang sarili na ikinukuwento kay Eiren ang katotohanan patungkol sa kanya. Sa pagkakataong 'to, iyon lang ang tanging paraan para maibsan ang bigat na kanyang nararamdaman. Kailangan niya ng isang tao na nakakaalam kung ano ang tunay niyang saloobin. Hindi niya kayang magtagal dito kung siya lang mag-isa dahil ngayon pa lang, gusto na niyang sumuko. At si Eiren, sa kanya niya nakikita iyon. Iyong taong alam niyang mapagkakatiwalaan kahit sa sandaling oras pa lamang sila nagkakilala. Bukod sa kaibigan niya na nakakaalam ng pagkatao niya, naramdaman niya kay Eiren ang gaan ng pakiramdam at kagustuhan na magsabi rito. Iyong pakiramdam na alam niyang pakikinggan siya nito ng walang panghuhusga.

"Napakawalang puso ng ama mo, Imari. Anak ka rin naman niya, sperm niya ang bumuo sa inyo ng kapatid mo pero sorry sa sasabihin ko, uh. Isang napakalaking putangina 'yang ama ninyo!" nanggigil nitong sabi matapos niya maikuwento rito ang lahat. Inisang lagok pa nito ang champagne na hawak saka tinawag muli ang waiter sa 'di kalayuan nila na nag-aalok ng inumin sa ibang bisita na madadaanan.

Iwan niya lang kung masasabi pa nito sa harapan ng kanyang ama ang mga pinagsasabi nito, na isa sa mga senador ng bansa nito. Hindi na niya sinabi pa ang tungkol sa posisyon ng kanyang ama. Bahala na lang ito na malaman ng kusa nang hindi galing sa kanya.

"So, ibig mo ding sabihin, walang alam si Rouge na may kambal ang asawa niya?" 'di makapaniwala pa rin nitong tanong. She bit her lip and shook her head. Nasa parte sila ng hardin na walang masyadong tao, na walang mga matang nakasunod sa kanya at nang-uuri. Hindi muna sila bumalik sa mesa kung nasaan sina Rouge at nobyo nito. "Oh my God! Paano kapag nalaman niya ang totoo? Ano ang gagawin mo?"

Ano nga ba? Can she do anything? She didn't think about what would happen when he found out the truth. At ngayon niya napagtanto ang lahat. Handa nga ba niyang harapin ang galit nito? Paano kung kamuhian siya nito dahil sa panloloko niya dito? Na gaya ng sabi ng kapatid nito, ginawa lang niyang tanga 'to?

Her father told her that it was only temporary while he was still looking for Amari. So she hopes that before Rouge finds out the whole truth, her sister will be found and brought back to him.

"Maybe I'll just accept whatever happens," aniya sabay inom ng kanyang champagne.

Eiren shook her head at what she said. "Madaling sabihin, Imari, pero 'pag nasa ganung sitwasyon kana....iyan ang magiging kalaban mo at hindi 'yan," pagturo nito sa kanyang kaliwang dibdib at sentido.

"I don't love him," agap niya nang maintindihan ang sinabi nito.

"Of course you don't. Alam mo bang scam 'yan, beh. Ganyan din ang sinabi ko kay Yura noon, but look at me now?" pagak nitong tawa't napapailing. Uminom uli ito sa panibagong champagne na kinuha nito.

Hindi naman talaga niya ito mahal at lalong hindi puwedeng mahalin. Isa pa, nandito lang naman siya dahil napagkamalan siya nito't utos na rin ng kanyang ama.

"He's my sister's husband, Eiren, maybe you forgot."

"Ang tanong, mahal kaya ng kapatid mo si Rouge?"

"It doesn't matter anymore, Eiren, as long as Rouge love my sister."

"How sure you are?" nakangisi nitong tanong. "From what I saw earlier, the way Rouge was looking at you, as if he didn't want you out of his sight, na para bang mawala na kaming lahat, 'wag lang ikaw."

"Beacuse he thinks I'm his wife. Stupida."

"Aray ko naman maka stupida ka, uh. Stupida ka rin! Ang bobobo mo, Imari, alam mo ba 'yun?" Tss! Kahit sino naman talaga ay 'yun ang iisipin sa kanya 'pag nalaman ang ginawa niya. Sino ba kasing tanga ang gustuhing ipasok ang sarili sa ganitong sitwasyon? Tss! Siya lang ata. Siya lang nagpapakatanga para sa gusto niyang mangyaring pagtanggap sa kanya ng kanyang ama at para sa kapatid niya.

I'm The Substitute Wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon