Kabanata 20

11.1K 189 11
                                    

NALAMAN nina Imari ang nangyari sa kanilang ama sa Pilipinas dahil iyon ang ibinalita ng tauhan ng kanilang abuelo. Nakuhanan ang kanilang ama ng mga ibedensya gaya ng shabu, cocaine at mga ilegal na iba't ibang uri ng baril, at dokumento ng mga taong puwersahang pinapadala nito sa Malaysia for sexual exploitation. Masama ba silang anak kung ang naramdaman nila nang malaman nila ang balita sa kanilang ama'y kasiyahan at kaginhawaan? Hindi pa rin pala talaga natutulog ang Diyos para sa kagaya ng kanilang ama. They don't care if their name is tarnished because of their father's evilness, what matters to them and her sister is that he pays for what he did. Bring justice to the innocent people who suffered because of its illegal activities. To anyone who dared to oppose their father and reveal his evilness, she was grateful for him or her.

Sinong mag-aakala na ang senador na binoto at pinagkatiwalaan ng sambayanang Filipino ay isa palang kampon ni Satanas. Ang siya dapat nagpoprotekta sa mamamayan nito'y siya pa mismo ang sumisira. Ang siyang gumagawa at nagpapasa ng mga batas ay siya pala mismo ang unang lumalabag. Ang akala niya'y hanggang sa kanila lamang ni Amari ang kasamaan nito, ngunit hindi niya lubos maisip na pati ang ibang inosenteng tao ay magagawan nito ng kasamaan. Na ang akala niya'y mabuting mamumuno ito dahil sa kagustuhan nitong maglingkod, pero ang lahat ay balatkayo pala.

"Hi, Ma. How are you?" bati ni Imari rito sabay lagay ng pumpon ng puting mga rosas na siyang paborito nito. Bukod sa kanyang dala ay may binili rin sila na naka-paso.

Hindi siya madalas dumadalaw rito. Tanging ang kanyang abuelo't abuela lang ang bumisita dito kada-Linggo. Inaaya siyang sumama, ngunit tumatanggi siya dahil hindi niya kaya. Nasasaktan siya kapag nakikita ang pangalan nito na nasa puntod. Nasasaktan siya dahil may parte sa puso niya na sinisisi ang sarili dahil mas pinili sila nito.

"M-Mamà..." ramdaman ni Imari ang panginginig sa boses ni Amari nang bigkasin nito ang salitang iyon. Naisipan niyang dalawin ang kanilang ina dahil nais niyang kausapin ito at magkuwento sa mga nangyari sa kanila ng kapatid. Nais niyang magsabi ng nararamdaman niya ngayon. Nagpaalam siya sa kanyang abuela kanina at narinig pala siya ni Amari, kaya sumama ito, na lihim niyang ikinasaya dahil sa wakas nagkaroon na ito ng lakas ng loob para dalawin ang kanilang ina sa kauna-unahang pagkakataon. "Hi, ma. It's me Amari." Napatingin si Imari dito habang kausap nito ang kanilang ina. "Did I surprise you, ma? I'm sorry because I just visited you after a long time. I'm sorry because I just can't bear to see you here." Tumingala ito.

Hindi gaya ng maaliwalas na panahon ang nararamdaman nila ni Amari. Masyadong mabigat, masakit.

"Why did you do that, ma? Why didn't you listen to daddy and to the doctor? Why did you still choose us even though daddy was against your decision?" Amari's right.

Their mother has a heart disease and cannot get pregnant, that's the story her grandparents told her why she and Amari are in this situation. What their father feared happened when he found out about their mother's pregnancy. Their father immediately opposed it and wanted to abort them. Even their abuelo and abuela also wanted their mother to do that at first, but their mother wholeheartedly refused and continued the pregnancy with them. Kagustuhan nito na mabuntis kahit hindi puwede at ayaw ng kanilang ama. Ipinagpatuloy nito iyon sa kabila ng mga komplikasyon na nakuha hanggang sa ipinanganak sila via caesarean section. While their mother was still in the operating room, their father was asked to choose who he wanted to save because their lives were in danger with every passing second.

Their father chose their mother but their mother did not want to let them go and begged the doctors to let them live and give them a chance to see the world. They were given a chance to live, but that was also the beginning of their father's anger and hatred towards them when their mother died at the same time.

Every time she visits their mother's grave, that's what she always asks her...why. Kung hindi sana sila nito itinuloy, hindi sana ito nawala. Hindi sana nagkagun ang ama nila at isinisisi sa kanila ang pagkawala nito. Magkasama pa sana ang mga 'to hanggang ngayon at may sasaway sana sa kanilang ama sa mga ginagawa nitong hindi tama. Probably, their lives would not have been like this. But for everything their mother did, for her sacrifice despite her health and taking care of them for eight months, for choosing them instead of her life, she was still thankful.

I'm The Substitute Wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon