NABITIWAN ni Imari ang hawak dahil sa panghihina't panginginig ng kanyang mga kamay. Napakaraming taon niyang hinintay ang sandaling 'to. Ang sandaling makaharap niya ang nag-iisang taong inaasahan niyang tatanggapin siya't mamahalin. Ang taong simula bata pa lamang siya'y hinihintay niya sa tarangkahan ng bahay ng kanyang abuelo't abuela baka sakaling pumunta ito't dalawin siya. Ang taong nagparamdam sa kanya ng hindi pagtanggap.
"Papá," nasambit ni Imari kasabay ng pagtulo ng kanyang mga luha.
Gusto niyang lapitan ito't sugurin ng yakap. Gusto niyang maramdaman ang yapos nito, ngunit natatakot siya. Gustuhin man ng utak, puso niya na lapitan ito, ayaw naman makisabay ng katawan at mga paa niya.
"Amari, what are you doing here?" boses ni Rouge na hindi niya maintindihan kung galit ba o ano dahil ang buong atensyon niya't nararamdaman ay nasa isang tao na ngayo'y nakatayo na sa kinauupuan nito.
'Di maalis-alis ang tingin ni Imari sa kanyang ama. Tila napako na ang mga mata niya sa kabuuan nito, ninamnam ang pagkakataon na nasilayan niya 'to. Nakita niya ang hawak na parihabang papel nito na agad isinuksok sa suot na coat. Nabalik ang kanyang paningin sa mukha nito nang magpaalam ito kay Rouge at naglakad palapit sa kanya.
"Papá," tawag niya rito nang ilang gahibla na lang ang pagitan nila. Hindi ito nakatingin sa kanya at deretso lamang ang tingin.
Hahawakan sana ni Imari ito pagkadaan nito nang may maagap na kamay ang humila sa kanya palayo rito. "Rouge, ang Papá ko," naluluha niyang sabi nang tingalain ito.
"C'mon, Amari. Sit down first." No! Gusto niyang kausapin ang ama niya.
"I want to talk to him, Rouge." Inalis niya ang kamay nito na nasa kanyang braso, ngunit mas diniinan nito ang paghawak doon. Nakalabas na ang kanyang ama.
"Sit down, Amari--"
"Let me to talk to my father, Rouge," pamimilit pa rin niya. Bumuhos ang sakit na naramdaman niya sa ilang taon na pagkimkim niyon para lang makausap ang kanyang ama.
"I said sit down!" bulyaw nito, pero hindi siya nagpatinag.
Nagtagis ang bagang ni Imari sa kaharap. Ano ba ang karapatan nito sa kanya? Ang nais lang naman niya ay makausap ang ama niya. Ang dami niyang tanong na gustong marinig ang kasagutan mula dito.
"No! You have no right to dictate to me. I want to talk to my father and there's nothing you can do about it. So please, let me go, Rouge!" nanggigigil niyang pinalis ang kamay nito.
"I am your husband, Amari! So everything about you I have the right. And when I say no, no!"
"Rouge, please! Papá!" malakas niyang tawag sa ama. "Papá, please!" umiiyak niyang pakiusap. "Rouge, please. I have to follow my father." Hindi nagbago ang matigas nitong anyo. Kahit pa siguro umiyak siya ang dugo sa harapan nito, hindi pa rin siya kaaawaan nito. "I hate you, Rouge! I hate you!" Pinaghahampas niya ng malakas ang dibdib nito.
"I know, Amari. That's what you always tell me." Hinayaan lang siya nito't tinanggap ang kanyang ginagawa.
She wanted to make him feel what she was feeling at this moment. The pain. The pain that she had since childhood was already there in her heart. She wanted to make him feel that over and over again so that he would know how much pain she went through.
"You don't understand me, Rouge! And you will never understand me!" nanggigigil niyang bulyaw sa pagmumukha nito. Nagagalit siya ng sobra dito.
"I just want to keep you away from him, Amari. Ayaw kong saktan ka niya muli." Hinawakan nito ang mga kamay niya, pumipigil.
Umiling-iling siya sa sinabi nito. Does he think she is not hurt now? Sobra-sobrang sakit ang nararamdaman niya kesa sa naiisip nito.
"You are not in my situation so you don't know how I feel," panunumbat niya.
BINABASA MO ANG
I'm The Substitute Wife [COMPLETED]
General FictionWhen your happiness only refers to one thing, acceptance. What can you do to get the acceptance you want? How far can you fight? Handa ka bang tanggapin ang magiging kapalit para sa nais mong makuha? What if you become a substitute wife? Tatanggapin...