"Where is she?" kausap ni Rouge kay Joric sa kabilang linya pagkatapos mismo ng kanyang meeting.
"Narito po sa loob ng kotse niya, sir, underground car park," sagot nito na agad niyang binabaan.
He held his cellphone tightly as if it was going to break. Kung hindi pa nagpadala ng mensahe si Oscar sa kanya kanina na narito ang babaeng iyon at pumasok pa mismo sa kanyang opisina kung saan natutulog si Imari sa silid ay hindi pa niya malalaman. Anong lakas ng loob meron ito para sumugod ng ganun? Agad niya pinaakyat si Joric sa kanyang opisina upang ilabas ito at paghintayin sa lobby dahil nais niya rin harapin 'to.
Rouge looked at her wristwatch, it was eleven o'clock. Their meeting lasted three hours because of the problems they discussed and resolved. Bumukas ang elevator pagkarating sa underground car park at agad siyang lumabas. Hinanap ng mga mata niya ang sasakyan na ginagamit nito 'pag narito sa Pilipinas. Agad niya nakita iyon dahil sa labas niyon ay si Joric na nakasandig at nakahalukipkip.
"Sir.." Napatayo ng maayos si Joric pagkakita sa kanya saka tumabi upang bigyan siya ng daan.
He opened the back of the passenger seat and saw her there. Rouge's jaw tightened as she looked at him. Tiningnan muna niya ang driver nito at mabilis naman nito nakuha saka lumabas at iniwan muna silang dalawa sa loob.
"Why are you here?" tanong niya pagkaupo sa tabi nito, itinuon niya ang paningin sa harapan.
"Rouge, look at me, please," she said softly which only added to the annoyance he felt for her.
"Answer me, Kiva." Hindi niya sinunod ang sinabi nito. Huwag lang sana ipilit nito kung anuman ang nais nito dahil baka hindi siya makapagpigil at makalimutan niya na anak ito ng kaibigan ng mga magulang niya.
He looked at his watch again, he was getting impatient. He wants to see and hug the woman he loves again now. Alam niyang natutulog pa 'to dahil habang nasa meeting siya kanina ay pinapanood niya ang CCTV record sa kanyang silid roon na naka-konekta sa kanyang laptop. Pinaalalahanan din niya si Oscar bago siya bumaba na tawagan siya oras na magising ito.
"Ganun na lang ba talaga iyon, Rouge? After what she did to you, her family, is it really that easy for you to accept her again? Rou--"
"Don't touch me, Kiva," mariin aniya, tiim bagang binalingan ito. "We have already talked about this matter. I thought everything was clear to you?" Napayuko 'to, nilalaro ang dalawang kamay na nakapatong sa mga hita nito. He has clarified everything to her. They had already talked about it, so he thought that everything was over and was fine.
"Akala ko kaya ko. Akala ko matatanggap ko. Akala ko kaya kung makahanap ng iba pero, Rouge..." Umiling-iling ito habang may mga luha ng tumulo sa mga mata nito.
"You knew from the beginning that I didn't love you, Kiva-"
"But I love you, Rouge. You know that. Umasa ako sa napakaraming taon. Iyong mga gusto mo sa isang babae ginawa ko. You like women who are smart, have sense to talk to, are not flirtatious, and above all have a good heart for others. Sa ilang taon ay nagpakadalubhasa ako sa larangan na pinili ko. I also did many medical missions in any country. You're the only man I've loved since we were kids. Do you know how happy I was when our parents arranged for us to get married? I was beyond happy, Rouge. Kaligayahan na walang katumbas dahil sa wakas maipapakasal ako sa lalaking mahal ko. You are my happiness, but you are also my weakness.
"Masakit at nakakadurog iyong malaman ko na ikinasal ka sa iba. Iyong nakikita kita kung gaano ka kasaya at kakontento sa piling niya kahit kumokontra sa inyo ang mga tao sa paligid ninyo. Akala ko iyon na. Akala ko iyon na ang pinakamasakit na mararanasan ko, pero hindi pa pala. You were fooled. You begged and endured everything. You had an accident and lost your memory. But in the end, it's still her. Ano ang meron siya na wala ako, Rouge? Kaya ko naman ibigay sa iyo ang lahat. Kaya kong pagsilbihan ka ng higit pa. Kaya kong gawin para sa iyo, pero bakit hindi ako?" Pinagsusuntok siya nito sa kanyang dibdib habang umiiyak. Tinanggap niya iyon at hinayaan ito. "Bakit? Bakit siya pa?!"
BINABASA MO ANG
I'm The Substitute Wife [COMPLETED]
General FictionWhen your happiness only refers to one thing, acceptance. What can you do to get the acceptance you want? How far can you fight? Handa ka bang tanggapin ang magiging kapalit para sa nais mong makuha? What if you become a substitute wife? Tatanggapin...