NAPALIS ang ngiti ni Imari nang bumukas ang entradang pinto at pumasok roon ang lalakeng ayaw na sana niyang makita. Pero, alam niyang imposible dahil pag-aari nito ang tinitirhan niya't uuwi at uuwi ito. Iniwas niya ang tingin rito nang magtama ang kanilang mga mata. Naroon na naman ang galit na nararamdaman niya rito.
"Good morning, Rouge," bati ni Eiren saka siya binalingan at hinawakan sa kamay, nagpapaalam.
"Good morning. Thank you, Eiren," dinig niyang bati rito.
Umalis si Eiren sa kanyang tabi saka
lumabas ng bahay. Dinig niya ang paang papalapit sa kanyang puwesto kaya agad siyang tumayo para bumalik sa kanyang silid."I-Imari.." akmang hahawakan siya nito na agad niya inilayo ang sarili dito. Imari, huh? Ngayon alam na nito. Ngayon na nagawa nito ang bagay na 'yun sa kanya, doon pa nito nalaman. Iba din naman talaga 'to. Napakahayop! "Baby, I'm sorry," dinig niya pagsinghot nito.
Nagtatagis ang bagang na binalingan niya 'to. Pilit pinapatatag ni Imari ang sarili para pigilan na hindi mapaiyak. "Sorry? Why is it easy for you to say that word, but it's so hard for you to listen? Nu'ng nagmakaawa ako, pinakinggan mo ba ako? Huh!" Malakas na sinampal niya ito. Hindi pa nakontento si Imari at sinundan iyon sa kabilang pisngi. Nanginginig ang kanyang kamay sa galit at gusto niyang saktan ng paulit-ulit ito upang iparamdam kung gaano kasakit ang ginawa nito. Dinuro-duro niya ang dibdib nito. "Sorry, sorry, sorry! Kaya bang ibalik ng salitang 'yan ang kinuha mo sa'kin!" Tumulo na ang luhang pinipigilan niya. "Your sorry can't do anything! Wala! Ilang milyon at ulit ka man lumuhod sa harapan ko, hindi maibabalik niyon ang lahat sa akin! Hindi!" nagagalit niyang sigaw. Nakadungo lang 'to at yumuyugyog ang balikat, sanhi na umiiyak.
Umatras si Imari at pumihit patalikod para bumalik sa kanyang silid. Napahinto siya sa paghakbang nang marinig ang sinabi nito.
"Mahal kita, Imari. Mahal na mahal," nanatiling nakadungo nitong sabi.
Mas lalo siyang nagalit at binalikan ito saka sinampal ulit. "Baliw ka na, Rouge! Si Amari ang mahal mo at hindi ako!"
"He's right."
Napatingin si Imari sa nakabukas na pinto at sa taong nakatayo roon. "A-Ate Amari..." mas lalong napaiyak siya nang makita sa kanyang harapan ang kanyang kapatid.
Lumapit ito, sakto lamang sa pagitan nila. May lungkot sa mga mata nitong nakatingin sa kanya. "How are you, Imari?" Hindi siya sumagot at inilang hakbang ang pagitan nila saka ito niyakap.
"I'm sorry, Ate Amari," mahigpit niyang pagyakap habang lumuluha. "Si Papá, I thought that what I had long dreamed of getting from him would happen. I'm sorry because I listened to his threat." humagulhol siya na tila sa pamamagitan niyon maipaparamdam niya rito ang nararamdaman niya.
"Hush, enough now. Hindi ka na niya matatakot pa, Imari. I won't let him use you again. If I had to expose all his dirt in public, I would do it just to stop him. Especially now that you are with me and Grandpa is there to help me," mariin anito sabay hagod sa kanyang likod.
Humiwalay siya rito at ginagap ang mga kamay nito. "Let's go home, ate. Iuwi mo na ako, please," pagsusumamo niya rito.
She wants to see her grandparents now. She wants to go back to her old life. The quiet, happy and peaceful life she has. Her life that is full of love and respect for her by the people around her. Not like where she was now, full of pain and disappointment. It doesn't matter to her anymore if her father doesn't accept her, the important thing is that her grandparents are there for her.
Tumango-tango ang kanyang kapatid habang pinapahiran ang luha sa kanyang mga mata. "We will, Imari. Aalis tayo ngayon din."
"You can't take her away from me, Amari," naalarmang saad ni Rouge saka siya hinawakan sa kanyang isang kamay. "You can't leave me Imari. Please, baby. I'm sorry. Please give a chance. Aayusin natin 'to. Magsisimula tayo uli. I can fix this, just let me," pagmamakaawa nito, hawak ang kanyang kamay ng dalawang kamay nito saka dinala sa mga labi nito't hinalikan.
BINABASA MO ANG
I'm The Substitute Wife [COMPLETED]
General FictionWhen your happiness only refers to one thing, acceptance. What can you do to get the acceptance you want? How far can you fight? Handa ka bang tanggapin ang magiging kapalit para sa nais mong makuha? What if you become a substitute wife? Tatanggapin...