WALA sa hulog at nakatanga lamang si Imari habang naghahalo ng watercolor sa kanyang palette. Hindi maalis-alis sa utak niya ang nangyari kagabi. Matapos umalis ni Rouge sa kanilang harapan na parang wala lang, siya naman ang nawalan ng gana at agad nag-aya kay Rafael na umuwi matapos nilang kumain. Ramdam ni Imari ang pag-aalala ni Rafael sa kanya kagabi habang nagbibiyahe sila pauwi dahil sa pananamlay at pananahimik niya. Hindi ito nagtanong sa kung ano ang dahilan ng biglaan niyang pagkaganun na ikinapapasalamat niya. Rafael knows how to keep shut and when is the right time to ask.
Ang daming tanong sa utak ni Imari na nagpapagulo sa kanya. At sa nangyaring iyon, hindi na naman siya nakatulog ng maayos kagabi. Ganun ba kagalit ito para magkunwari na hindi siya kilala? 'Di ba dapat siya ang gumawa nu'n? Sa kanilang dalawa, siya ang nasaktan at nagawan nito ng mali pero sa ipinapakita nito, parang balewala rito ang lahat. Na balewala lang siya dito.
"Miss," tawag ng isang batang babae kay Imari. Hinihintay ng mga ito ang sasabihin nito sa kung ano ang susunod na gagawin. "Miss Imari!" 'Di napigilang niyugyog na nito si Imari.
"U-Uhh?" wala sa sariling pagbaling niya sa bata.
"We are waiting for what you have to say next, miss," anito.
"Oh, right. I'm sorry, kids," hinging paumanhin ni Imari rito saka tumingin sa iba na nasa unahan. Sa harapan ng mga ito ay ang mga materyales na gagamitin sa pagpipinta.
It's a shame that she's dumbfounded in front of the kids. Imari put those thoughts out of her mind and focused more on teaching the children and what they should do. Isa-isa niyang sinusuri ang mga watercolour paper ng mga 'to na may naguhit na at kung paano ang tamang posisyon ng mga kamay sa paghawak ng paint brush na hindi masyadong mariin sa parte na hindi kailangang diinan sa pagkulay. Mga bagong batch ang tinuturuan niya ngayon at sa kapasidad ng mga 'to ay iyong madali lang muna ang pinaguhit niya. Kailangan makaguhit ng mga 'to ng kahit anong prutas na gusto o gulay.
"Where are you going?" tanong ni Valeria nang malabasan siya nito mula sa silid kung saan nagtuturo sa ibang batch ng mga bata.
"I just need some fresh air." Tapos na siya sa mga tinuturuan niya, kaya lalabas na muna siya. Nais niyang lumanghap ng sariwang hangin dahil pakiramdam niya gustong sumabog ng utak niya sa mga naiisip.
"Take care then. I will follow you after this." Tumango siya't nagpaalam na rin sa receptionist niya saka lumabas.
Pagkababa, agad dumeretso si Imari sa nakaparada niyang kotse at sumakay. Ilang minuto lang ay narating niya ang kabilang parte ng downtown. Ipinarada niya ang kanyang kotse sa parking space ng isang gusali, 'di kalayuan sa café na pagtatambayan niya. Isang open space café iyon na napapalibutan ng iba't ibang uri ng mga halaman at bulaklak na parang isang mini-garden sa gitna ng mga nakahelirang gusali sa downtown.
"Bonjour, madame!" bungad na bati sa kanya ng staff na agad din naman niya ginantihan. She noticed the way other customers were looking at her, which she ignored and went straight to the counter.
"One cortado, please," she ordered her favorite coffee. Imari immediately paid for it after the cashier confirmed and looked for a place to sit.
Pinili niya ang pandalawahang mesa na malapit sa mga nakahelirang bulaklak at umupo roon. Habang naghihintay, itinali ni Imari ang kanyang mahabang buhok gamit ang bandana na kulay puti kung saan nakapinta roon ang mukha ng kanyang ina na napapalibutan ng puting mga rosas na paborito nito.
"Your order is here, miss," paglagay ng waiter sa mesa.
"Merci," pasalamat niya. She took out the book she had put in her handbag earlier. Whenever she goes out, she always has a book with her to pass the time while waiting or having coffee.
BINABASA MO ANG
I'm The Substitute Wife [COMPLETED]
General FictionWhen your happiness only refers to one thing, acceptance. What can you do to get the acceptance you want? How far can you fight? Handa ka bang tanggapin ang magiging kapalit para sa nais mong makuha? What if you become a substitute wife? Tatanggapin...