Kabanata 28

9.4K 172 8
                                    

"What happened, Joric?" bungad ng isang magandang babae pagkabukas pa lamang ng pinto ng sasakyan sa backseat. Namukhaan niya 'to. This is the same woman who helped Rouge when they met at the downtown café. Natigilan 'to sandali pagkakita sa kanya, ngunit ibinalik rin ang paningin sa lalakeng na nasa kanyang tabi na namimilipit sa sakit. "Take him to his room," pag-utos nito kina Joric.

Joric and Oscar helped get Rouge out of the car while supporting his on both sides. The woman followed them while she was left outside. Nang makita sila kanina ni Joric at Oscar, hindi na sana siya sasama sa mga 'to ngunit ayaw siyang bitiwan ni Rouge at nakiusap na samahan 'to. Imari couldn't stop looking around the entire house in front of her. This is a private mansion here in Paris that is on top of the hill. Imari turned to the entrance door that opened and saw Joric coming out of it.

"Ma'am, hinahanap ka po ni Sir Rouge," anito't iginiya siya papasok ng bahay.

Umakyat siya sa ilang baitang ng hagdan saka sumunod rito. Nahihiya siya, lalo pa't alam niyang nandito rin ang kapatid nitong si Reagan na may galit sa kanila ni Amari. As soon as she entered, Imari was immediately amazed by the luxury and modern interior design that was mostly white, even the furniture. Pansin din niya ang katahimikan sa buong kabahayan kahit nu'ng nasa labas pa lamang siya. Wala din siya nakikitang kahit isang katulong man lang.

Natigil si Imari sa kalagitnaan ng kanyang paghakbang sa hagdan nang makita ang isa sa malaking naipinta niya sa canvas, ang Eiffel Tower kung saan maulan ang tema na iyon at tanging white and black lamang ang kulay ng paligid. It matched the white wall in the middle of the staircase and on both sides of the floor was the large modern abstract sculpture. Ito ba ang bumili ng mga painting niya o isa sa pamilya nito?

"This way, ma'am," pagturo ni Joric sa kaliwang bahagi ng hagdanan hanggang sa huminto sila sa dulong pintuan. Kumatok muna 'to bago binuksan. Sinenyasan siya nito na pumasok, na siyang ginawa niya. Tumambad kay Imari ang kulay puti din nitong silid at malaking kama sa gitna. Kulay abo naman ang carpet nito at maging ang sofa set.

"How many times do I have to tell you to always bring your medicine, Rouge?" pangaral ng babae dito na ngayo'y may itinuturok sa braso nito. Mukhang ito ata ang pinatawagan ni Rouge kanina kay Joric na imbes na dalhin nila ito sa ospital. Imbes na makinig ito sa babae ay nakatingin lang ito sa kanya. Sinundan ng babae ang tinitingnan nito at lumingon sa kanyang puwesto. Hindi nakaligtas kay Imari ang mapanuring tingin nito, mula sa kanyang mukha pababa sa kanyang suot. "Next time be careful, Rouge, especially now that you often have headaches. Huwag mo kasing ipilit kung hindi kaya," may pakahulugan nitong sabi o baka siya lang ang may ibang pakahulugan niyon.

"Just don't let Reagan know this, Kiva. Sorry if I bothered you again. You can leave now. Thank you," tanging sabi nito.

Aalma pa sana si Kiva, ngunit mas pinili na lamang nitong iligpit ang mga gamit saka tumayo. Nagpaalam ito kay Rouge saka tumalikod. Papalapit ito sa kanyang puwesto hanggang sa tumigil ito sa kanyang harapan.

"Tha--" magpapasalamat sana si Imari rito nang inunahan siya nito.

"Next time take him to the hospital no matter how stubborn he is. That's why his head hurts," mariin nitong sabi, pabulong saka nagpatuloy sa paglalakad palabas. Naiwang nakatanga si Imari doon dahil sa sinabi nito.

"Miss Romano," tawag ni Rouge sa kanya. Lumapit siya rito't tumayo kung saan nakapuwesto iyong Kiva kanina.

"How are you feeling?" tanong niya habang nakamasid sa mukha nito.

"My headache has lessened a bit and I am sleepy. Please, stay here first," pakiusap nito, napapapikit.

"Do you want to change your clothes so you can sleep comfortably?" Hindi na nakasagot ito sa kanya't tuluyan ng nakatulog.

I'm The Substitute Wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon