"Sino kayo? Pakawalan niyo ako dito! Mga walang hiya kayo! Kilala niyo ba ako, huh?!" pagpupumiglas at pilit hinihila nito ang mga kamay mula sa pagkakatali.
Nakapiring ang mga mata nito ng itim na tela habang nakatali sa upuan ang mga paa nito't kamay. Wala itong narinig at tahimik lamang ang paligid. Hindi nito alam kung nasaan ito at kung sino ang gumawa nito rito. Ang huling naalala nito'y nasa pagtitipon ito sa kaarawan ng kaibigang Mayor ng Taguig nang biglang may dalawang lalakeng malalaki ang katawan ang biglang lumapit dito pagkalabas ng gusali at binusalan ang bibig nito't may pinaamoy na pampatulog.
"Pakawalan niyo ako dito!" buong lakas na sigaw nito.
Nakarinig ito ng tunog ng pagsadsad na para bang bumukas na metal, kasunod ay ang yabag ng mga paa papalapit sa puwesto nito.
"Remove his blindfold," utos ng isang mapanganib na boses.
Naramdaman nito na may lumapit sa puwesto at tinanggal ang telang nakatakip sa mata nito. Hindi masyadong maliwanag ang ibinibigay ng dilaw na ilaw sa kinaroonan nito ngayon. Inilibot nito ang paningin sa mga taong nasa harapan at ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata nito nang makilala ang isa roon.
"H-Hugo," bulalas nito, kinakabahan. Kilala nito ang lalake. Kilalang-kilala, lalo na sa black market. Isa ito sa kinatatakutan roon kapag ito ang magiging katransaksiyon mo. Tuso ito't hindi marunong sa salitang awa.
"It's good to see you again, Senator Montalba," anito, may mapaglarong ngisi sa mga labi.
"I'll pay you, Hugo, just give me another chance to raise enough money," natataranta't puno ng takot na pakiusap.
Lumapit si Hugo rito't ipinatong ang mga kamay sa balikat ng senador. Yumuko ito upang magpantay ang tingin sa isa't isa. "You know me so well, senator. Chances are not for me. Maniningil ako sa ibang paraan, hmm?" Tinapik-tapik ni Hugo ang pisngi nito. "Sa ngayon, pinsan ko muna ang bahala sa'yo. Kung mapatay ka man niya, mas mabuti, pero kung hindi, I have the chance to do that myself."
Nakatingin lamang si Rouge sa ginagawa ng pinsan niya sa matanda. Kahit kaunting awa para rito, wala siyang maramdaman. Galit. Nagpupuyos na galit pagkakita pa lang rito ang agad naramdaman niya. Tumayo siya mula sa kanyang kinuupuan sa sulok at lumapit sa puwesto ng dalawa. Saktong pagtayo't pag-alis sa harapan ng pinsan niya rito, nagtama ang kanilang paningin ng senador.
Surprised, that's what he saw on his fucking face. He doesn't know what his relationship with Hugo is, so he can't blame him for being surprised. Mas lumapit pa siya rito hanggag sa gahibla na lang ang layo nila sa isa't isa.
"R-Rouge, anak." Tumiim ang kanyang bagang sa sinabi nito. Narinig nila ang pagak na pagtawa ni Hugo sa kanilang likuran.
"Kung makatawag ng anak, akala mo sperm niya. Samantalang 'yung mga anak niya mismo, hindi man lang matawag-tawag ng 'anak'. Ampota!" nanunuya nitong parinig.
"Help me, Rouge," pakiusap nito.
He squatted in front of him with his elbows resting on his legs. "Why did you lie right in front of my face, senator? Why did you fool me?" mariin aniya.
Ginipit niya ito't ginusto ang paglapit nito para matulungan ito dahil sa inakala niya. Ngunit ang ginawa nitong panggagamit at pananakot kay Imari para magpanggap at palitan ang kapatid nito ang siyang hindi niya kayang palampasin. Hindi niya matanggap na harapang niloloko at pinagmukha siya nitong tanga. Ginamit nito ang mga kahinaan ng anak nito para sa sarili.
"I-I didn't, Rouge." Tangina! Sa isang iglap lumapat ang kamao niya sa pagmumukha nito, na ikinatumba ng upuan nito.
Mukhang hindi pa pala nakaabot rito ang nangayri sa kanila ng mga anak nito. Wala talaga itong pag-asa. Dumaing 'to na mas gusto niyang marinig.
BINABASA MO ANG
I'm The Substitute Wife [COMPLETED]
General FictionWhen your happiness only refers to one thing, acceptance. What can you do to get the acceptance you want? How far can you fight? Handa ka bang tanggapin ang magiging kapalit para sa nais mong makuha? What if you become a substitute wife? Tatanggapin...