Kabanata 8

8.6K 162 3
                                    

NILALARO ni Rouge ang phone na hawak habang nakikinig sa kaibigang si Zero na nagpapaliwanag sa kanilang harapan, sa conference room ng kompanya nito. May ari ng malalaking finance company at mga banko ang kaibigan nilang 'to, kaya ito ang inatasan nilang magpaliwanag para sa agenda ng pagtitipon nilang lima ngayon. Malawak ang kaalaman ng kaibigan nila sa stock exchange kung saan dito sila kumukuha ng ideya kung anong magandang securities exchange ang bibilhin nila. Para naman sa kanya, mas gusto niyang bumibili ng shares of stock, pareho sila ni Valentin. Habang sina Yura at Luca naman ay mas gusto ang bonds, kung saan nagpapahiram ang mga 'to. Mas gusto ng dalawa ang nanggigipit ng mga kapwa nila negosyante.

"Bud, 'di ba hawak mo na ang industrial company ng father-in-law mo? It's under your name, right?" pagkuha ni Yura sa kanyang atensyon.

"No. I named it under my wife's name. So, she is now the owner of her father's company."

"Does she know? How about her father?"

"No, they don't know yet." May plano siya kung kailan niya ibibigay ang mga dokumento kay Amari. Ang alam ng Montalba na iyon ay sa kanya nakapangalan ang kompanya nito matapos sila maikasal ni Amari. Hindi niya sinabi rito ang tungkol sa planong niyang pagpangalan sa anak nito.

"I see."

"Why?" Hindi ito magtatanong kung wala lang rito. Hindi tipo nito ang mang-usisa kung walnag dahilan.

"Because I saw your father-in-law talking with my father in a private room of a Chinese Restaurant."

Natigil sa paglalaro ng kanyang phone si Rouge, kunot noo'ng binalingan ito. "Did your father tell you anything about what they were talking about?"

What are you planning again, Montalba?

Kumibit balikat 'to. "Perhaps it's about money. That's all your father-in-law wants, right?"

"Kulang pa ba ang ibinibigay mo sa kanya at naghahanap na naman ng ibang mahuhothot?" sabat ni Zero habang nakasandig ang pang-upo sa mesa't nakahalukipkip. Tapos na ito sa pagsasalita.

"Baka tinitipid mo, bro?" Luca, tumatawa.

Putanginang senador! Nagtagis ang kanyang bagang. Kulang na lang madurog ang kanyang cellphone dahil sa mariin niyang paghawak roon.

"Itutumba ko na ba? Sabihin mo lang, lalo pa't nangangati itong kamay ko sa biyenan mong 'yun," saad muli ni Luca.

"Calm down, Rouge. He's still your wife's father," pagtapik sa kanyang balikat ni Valentin, nagpapakalma. Sa kanilang Lima, ito ang mahinahon sa lahat ng bagay at dinadaan sa maayos na paraan. Dati kasing gobernador, kaya dapat naayon ang lahat sa mabuting paraan.

"Tsk! Wife my foot," asik ni Luca, nakangisi.

Mukhang kailangan ata niyang bisitahin ang Montalba na 'yun. Matapos silang maikasal ng anak nito, hindi na rin sila nagkita pa uli. At ang huling kausap niya rito sa phone ay nu'ng malamang umalis si Amari para ipaalam rito.

Sa madilim na loob ng abandonadong gusali, maalikabok at may sira-sirang parte niyon, matiyagang naghihintay si Rouge. Nakatayo siya habang tanaw sa ibabang parte niyon ang mga nagliliitang ilaw mula sa lungsod na tila bituin sa kalupaan. Malayang ibinubuga niya ang usok ng kanyang sigarilyo.

"Nandito na siya, sir," pagbigay impormasyon ng kanyang tauhan na kakapasok lang.

"Rouge...anak," malakas na loob anito.

When did he become his father? Even if he is the father of the woman he married, he still won't consider him his father. Never!

"How are you, senator?" Ibinuga muna niya ang huling usok saka itinapon ang sigarilyo't inapakan.

I'm The Substitute Wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon