Kabanata 14

8.3K 167 13
                                    

"So you mean, he knows?" pangungumpirma ni Eiren.

Nagpasalamat si Imari na binisita siya nito dahil tatlong buwan din hindi ito nakabisita matapos nu'ng huli. Kasama nito ngayon ang dalawang kapatid na sina Ethan at Ellena.

"I don't know, Eiren. I'm not sure," kinakabahan niyang sagot.

Kahapon pa siya ganito matapos sabihin ni Rouge ang patungkol sa nangyaring exhibition niya sa Paris noong nakaraang taon. Buong gabi din siya hindi nakatulog at tuliro dahil sa mga naiisip na maaaring mangyari. Hindi siya nakasagot nang oras na 'yun at mas piniling ibahin ang kanilang usapan dahil sa kaba't takot. Pakiramdam niya na kahit paghinga niya'y malalaman na nito kung sino siya. Nakakapanghina.

"E, paano niya nalaman ang tungkol sa nangyaring 'yung sa'yo sa Paris kung wala siyang alam?"

"My God, Eiren. Can you lower your voice," pananaway niya dahil sa lakas niyon.

Linggo, kaya nasa opisina lang dito sa bahay si Rouge at naroon din ang kaibigan nitong si Yura. May pag-uusapan raw ang mga 'to, kaya rin nakabisita si Eiren sa kanya.

"What if he already knows? Na may kapatid pala ang asawa niya and worst, kambal pa." Mas lalo lamang natatakot si Imari sa sinabi nito.

"You're not helping, Eiren." Pinagkiskis niya ang mga kamay dahil sa panlalamig niyon.

Kung alam man nito ang tungkol sa kanya, 'di sana hinanap na nito ang totoong asawa? 'Di sana hindi nito sinasabi sa kanya ang totoong nararamdaman nito at hintayin na sa asawa nito mismo sabihin iyon? She needs to call her abuelo. Kailangan niya malaman ang tungkol sa kapatid niya.

"What do you want me to say? Mas mabuti na rin iyon para naman makapaghanda ka kung sakali sa mga posibleng mangyari, 'di ba?" Hinawakan nito ang kanyang kamay. "Bakit kaya hindi mo sabihin sa kanya ang totoo, Imari? 'Yun lang ang tanging paraan para makalaya kana sa kanya at hanapin niya ang kapatid mo."

Umiling-iling siya. "No. Not for now while our abuelo hasn't found her yet. Not now that she hasn't been seen because our father might find her and use her again. When my father finds out that I am still doing what he orders, he will be reassured and will not do anything to her. Our father hurts my sister when she disobeys him and I don't want her to experience that again. For so many years, Eiren, that's what my sister has been experiencing. I don't know if that's the only thing our father is doing to her because maybe he did something worse to my sister that's why she left. I want to protect her from him. I want my sister to experience being free from him, Eiren."

"But Rouge can protect her, Imari. You know what he can do, right?"

"Yes, but the power and position my father has, it's not impossible for him to get what he wants, Eiren." Kaya nitong paikutin ang lahat sa kamay nito. Ilang milyong Pilipino nga ang nauto nito para maluklok ito sa position nito, sila pa kayang dalawa ng kapatid niya na dalawa lang sila?

"Excuse me, Ate Imari," pagsingit sa kanila ni Ellena. "Can I burrow it for a moment. Babasahin ko lang," pakita nito sa libro na natapos na niyang basahin. Nakalimutan niyang ibalik iyon sa opisina ni Rouge.

"Sure, you can borrow it," nakangiti niyang sagot.

"Thank you po." She was about to turn her back on them when she called her.

"Ellena."

"Po?"

"Can I borrow your phone for a moment too?" Desidido na siya. Nais niyang kausapin ang abuelo niya para malaman kung ano na ang nangyayari sa kapatid niya o kung nahanap na ba.

"Imari." Hinawakan siya ni Eiren sa braso. Alam nito na hindi siya puwede gumamit niyon. Kaya nga rin kinukuha ni Yura ang phone nito 'pag dumadalaw sa kanya dahil iyon daw ang utos ni Rouge sa nobyo nito.

I'm The Substitute Wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon