Kabanata 10

8.7K 163 5
                                    

HINDI man sigurado, ngunit susubukan pa rin ni Imari. Nakahanda na ang kanyang dadalhin at kailangan na lang niya magpaalam. Marahang niyang binuksan ang pinto saka dumungaw. Inangat niya ang kanyang paningin sa dalawang katawan na nakapuwesto sa gilid ng pintuan.

Hilaw siyang ngumiti nang nakatuon ang dalawang pares na mga mata sa kanya. "Uhmm..." kinakabahan aniya. Tumuwid siya ng tayo at lakas loob na hinarap ang mga 'to.

"Ano po ang kailangan niyo, ma'am?" tanong sa kanya ni Joric.

"Uhm, kasi.."

"Hindi po puwede kung anuman 'yang pinaplano mo, Ma'am Amari," agad na sabat ni Oscar, hindi pa man niya natatapos ang sasabihin.

"I just want to bring lunch to your boss. Pleasee!" pinaglapat pa niya ang mga palad, nakikiusap.

It's been more than two months since Rouge mistook her and replaced her sister as his wife. In recent months, she could say that her relationship with Rouge has been good. Mas nakilala pa niya ito at mas naging malapit pa sila sa isa't isa. Rouge is sweet and clingy. Those are the things she notices and what he often does every time he comes home from work is to hug her and sniff her neck. He is also thoughtful. Lagi nitong tinatawagan sina Joric upang tanungin kung kumain ba siya sa tamang oras at kung ano ang ginagawa niya. Maaga na rin itong umuuwi para lang magkasabay silang maghapunan.

For two months, she also sends lunch to Rouge at his office. Si Oscar ang gumagawa niyon habang naiiwan si Joric sa kanya para magbantay. Kaya naman ngayon, gusto niyang siya naman ang maghatid ng tanghalian nito. Nabuburo na talaga siya dito sa loob. Sa dalawang buwan din, natapos na rin niya kahapon lang ang isang malaking portrait na ginawa niya. Nasa kwarto niya iyon at itinago ng mabuti matapos patuyuin.

"Ma'am Amari, kilala niyo naman si Sir Rouge 'pag nagalit. Baka tanggalan kami nu'n ng trabaho oras na payagan ka naming lumabas," patuloy sa pagtanggi ni Oscar.

Nilingon niya si Joric na nasa kanang gilid niya. Agad nito iniwas ang paningin at nagkunwaring nagtitipa sa cellphone nito. "Please, Joric," ungot niya sabay yugyog sa malaki at matigas nitong braso na puno ng tattoo.

She doesn't care if she looks childish in what she's doing. What's important is that she gets out and gets to Rouge's office. Ngayon nga lang siya nakiusap, ayaw pa siyang payagan.

"Who are you texting with, Joric? Nililigawan mo ba?" Kahit wala siyang alam sa love life ng mga 'to, magbabakasakali pa rin siya, baka lumusot. "You want me to help you with her, huh? Sige na payagan mo na ako at tutulungan kita sa kanya. Mabait naman ako, e. Promise!" Itinaas pa niya ang kanyang kamay, nanunumpa.

"Mabait raw," bulong nang nasa kanilang likuran.

Imari raised an eyebrow at Oscar when she looked back at him. Kontrabida talaga ang damulag na ito. "May girlfriend ka ba, Oscar, o nililigawan? Gusto mo tulungan din kitang ilakad sa kanya, huh? Magaling ako sa mga gusto at hindi gusto ng mga babae. Ano?" pilit na ngiti niya rito.

"No, thank you, ma'am. Mas mabuti ng wala akong nobya kesa mawalan ako ng trabaho. Sakit sa ulo lang kayong mga babae." At nilahat pa nga sila. Ang hirap nitong utuin!

Ipinaskil ni muli ni Imari ang matamis na ngiti pagpihit paharap kay Joric. Ito na lang ang pag-asa niya. Mukhang mas mabait naman ito kumpara kay Oscar.

"Joric, ano? Sige na, please! Please, Joric, promise ko sayo kung magalit man si Rouge ako ang magpapaliwanag sa kanya. Kung tatanggalin ka man niya, magmakaawa akong huwag niyang gawin iyon. Promise, Joric, hindi kita lolokohin, matapat ako. Promise!" deretso niyang sabi habang nanunumpang nakatingin sa mga mata nito.

"Huwag kang magpaniwala sa mga salita niyan, pre. Sa ating dalawa, ikaw ang mas nakakakilala kay Ma'am Amira," sulsol ng demonyo sa kanilang likuran.

Gustong magalit ni Imari dito, ngunit alam niyang ginagawa lang din nito ang trabaho. "Alam mo, Oscar, hindi lahat kagaya mo. At saka n-nagbago na ako. Hindi na ako katulad ng dati. Hindi na ako tatakas uli. Alam ko naman kasi na mahahanap rin ako ng boss ninyo. Hindi ko rin naman kabisado ang lugar niyo dito," bulong niya sa huling salita sa kanyang sarili. "Sige naman na, oh. Kasama ko naman kayong pupunta roon, e. Gusto ko lang talaga subukan na maghatid ng tanghalian sa asawa ko." Imari felt all the hairs on her body rise up when she said the last sentence. Even though she and Rouge have been living together under the same roof for more than two months, she is still not used to being called him her husband.

I'm The Substitute Wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon