Chapter Eleven

1.3K 26 0
                                    


 SINAMAHAN ako ni Regan hanggang sa whore house. May tinawagan ito at ilang saglit lang ay may dumating na babae galing sa elevator.

"Boss—"

"Samahan mo siya sa baba." Sagot nito, "He wants to talk to Riley and after that kick him out of here. You understand?"

"Yes, boss." Sagot ng babae at tinignan ako. Sumunod naman ako sa kanya at sumakay kami ng elevator pababa sa basement two.

Pagdating doon ay wala pa ding pagbabago. Madami pa ding lalake at mga babae sa paligid. Lumapit kami ng kasama ko sa glass room na nasa gitna ng lugar at agad hinanap ng mata ko si Riley.

"Where is she?" I whispered. Hindi ko kasi to makita.

"Sandali lang Sir." Ani ng babae at umalis. Hinanap ko si Riley ngunit hindi ko talaga siya makita. Sila Pamela lang ang nakaupo sa loob ng glass room. Kumaway kaway naman ako kay Pamela ngunit parang hindi niya ko nakikita.

"It's a one way mirror." Saad ng isang boses na kinalingon ko, "You can see them but they can't see you. That's why they have no choice but to be with the person who picked them. Whether it's an old man or ugly bastard."

"I see." Sagot ko.

"Sino bang babae ang gusto mo sa kanila?" Tanong nito at nilingon ang babae sa glass room.

"Oh no. I'm not here to pick some girls. Gusto ko lang sana kausapin ang—"

"Honey, let's go na?" Singit ng isang boses kaya napalingon kami pareho doon. Natigilan ako nang makita si Riley na lumapit sa lalakeng kausap ko.

"Hey..." The man greeted and gave Riley a kiss on the lips. I automatically clenched my fists with what I saw. I never felt this anger before. What is this?

"Riley." Tawag ko sa attensyon niya. Lumingon ito at nakita kong nanlaki ang mata niya.

"You know him, baby?" Tanong ng lalake. Umiwas naman ng tingin si Riley sakin.

"No." Sagot nito at tila may kutsilyong tumusok sa puso ko dahil ang sakit.

"Riley what are you saying—"

"Tara na." Anito at hinila ang lalake palayo sakin. Naiwan naman akong naka-tanga habang pinagmamasdan silang lumakad palayo.

"Sir, may nag-bayad na po pala kay Riley." Saad ng babaeng kasama ko kanina. Hindi ko naman siya pinansin at mabilis na sinundan si Riley. Bago pa man sila makapasok ng elevator ay hinila ko ang braso ni Riley para humarap siya sakin.

"Ouch! Ano ba?" Reklamo nito at tinignan ako.

"Let's talk Riley." Mariin kong tugon pero hindi siya sumagot at nanatiling nakatingin sakin.

"May problema ba pre?"

"Can I talk to her?" I asked the guy. Tinignan naman nito si Riley bago binalik ang tingin sakin.

"Aalis na kami." Singit ni Riley pero hindi ko siya pinakawalan, "Ano ba? !"

"Riley please..."

"Pre nasasaktan ata siya. Ano bang kailangan mo?" Tinulak ako ng lalake kaya nabitawan ko si Riley. Nagsi-lapitan naman ang mga bouncer samin.

Hindi naman ako umimik at nanatili ang tingin ko kay Riley. What am I doing here anyway? Masaya na dapat ako dahil bumalik na si Riley dito diba? But I couldn't even take seeing her with another guy and touching her like what I saw earlier.

Sabi niya ako lang diba? She told me that! But why is she with other guy now? Ayaw niya na ba sakin? Bakit?

Right, because I wanted her out of my life even though I can't live with the silence without her. Tahimik na kasi yung buhay ko eh. Gumulo lang nang dumating siya sakin. And now I can't even see my day without having her around me!

TRADING INNOCENCE ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon