"Mom! Dad!" I shouted in panic.
"Parents mo?"
"Anak." Humalik si mommy sa pisngi ko bago niya hinarap si Riley. Shit eto na! "Omg! Daughter-in-law ko!"
"Mommy!" Pinigilan ko tong yumakap kay Riley. Tatawa tawa naman si daddy sa tabi ko.
"Mico, bakit hindi mo sinabing ikakasal ka na?"
"Mom, hindi ako ikakasal!" Nanlaki ang mata ko. Napapatingin na din samin ang ibang mga naka-pila.
"Soon pa po." Gatong naman nung isa kaya sinamaan ko to ng tingin.
"I like you na! Kelan pala ang apo ko?"
"Ay naku mommy, pakipot pa tong anak niyo!"
"Edryl tinawag niya kong mommy! Edryl! May babaeng anak na ko!" Tili ni mommy na halos matumba na. Napatakip ako sa mukha ko dahil sa hiya. Ano ba to? Bakit ngayon pa oh?
"Riley!" Gigil kong bulong at hinila si Riley palayo kila mommy, "Can you please behave for a while? Naghi-hysterical si mommy pag may kasama akong babae!"
"Ha?" Tinignan niya ko.
"Wag mo nang gatungan mga sinasabi niya okay? We'll talk later." Saad ko tsaka binalikan si mommy na umiinom ng tubig.
"Mico, girlfriend mo ba siya?" Tanong ni dad at sumulyap kay Riley.
"Dad, can we talk about it later? Pinagtitinginan na kasi tayo."
"No! Sabihin mo na sakin ngayon!" Pilit naman ni mommy sakin. Umiling naman ako.
"Not until you calm down, mom." I said. Tumango tango naman to.
"Kanina pa namin kayo sinusundan. Di na nga makapagpigil tong mommy mo na lapitan kayo." Natatawang saad ni dad.
"Anak, excited na ko sa apo ko. Kailan pala kayo ikakasal?"
"Mom, di po ako ikakasal."
"Ha? Bakit?"
"Mamaya na po tayo magusap." Sagot ko tsaka binalikan si Riley dahil kami na ang magbabayad.
"Ang ganda ng mommy mo." Saad ni Riley pagbalik ko.
"I know." I smiled proudly.
"Kaya pala ang pogi mo. Kamukha mo mommy mo. Ang gwapo din ng daddy mo." Sunod-sunod niyang sabi kaya tinignan ko siya. Ngiting-ngiti ito pero parang malungkot ang mata niya.
"Are you okay?"
"T-Treasure your family Mico. Ang swerte mo sa kanila." Saad niya at tinakpan ang mukha niya. Nakita kong may luhang tumulo sa mata niya kaya nanlaki ang mata ko.
"H-Hey." Bulong ko at niyakap siya. Rinig ko naman ang mahinang pag-hikbi niya.
"I'm sorry." She said between her sobs. Pinunasan niya ang luha niya habang nakaharap sakin, "Nagiging emotional lang talaga ko pag pamilya ang pinaguusapan."
"Can we talk about it?" I asked. Umiling ito bago ako nginitian.
"Maybe someday."
Hindi na muling umimik si Riley hanggang sa matapos kami mag-bayad. Inantay naman namin sila mommy at nang matapos sila agad lumapit si mommy kay Riley at niyakap to. Napansin ko ang gulat sa mukha ni Riley bago dahan-dahan na yumakap pabalik kay mommy.
"What's your name hija?" Mom asked.
"Riley po."
"Riley. Riley, call me mommy, okay? Anak na din kita dahil girlfriend ka ng anak ko."
![](https://img.wattpad.com/cover/340329165-288-k380549.jpg)
BINABASA MO ANG
TRADING INNOCENCE ✔️
Fiksi UmumMontenegro Series 2nd Generation Book 3 Love can make you do anything. Even if it means trading your innocence. Original story by greeeeeen Published 2018