Our hospital's fifth anniversary party is coming up. Ito din ang kauna-unahang anniversary na dadaluhan ko. Nagkakataon kasi na pag anniversary ng hospital noon ay naka-duty ako.
"Well, well, malapit nang maging head department ang doctor Mico namin." Naka-ngising saad ni Rex. Napa-ngiti naman ako.
"I can't believe this. Hindi ko inaasahan na mapapansin ng director ng hospital ang kasipagan ko." Saad ko.
"Congrats, Mico. Why don't we celebrate?" Jam asked.
"We can celebrate in our hospital's anniversary. Sa weekend naman na yun." Naka-ngiting sagot ko. Hindi naman agad siya umimik.
"Isa-sama mo ba si Riley?" Tanong ni Rex. Agad naman akong tumango, "Sana pumayag si Niña na maging date ko."
"Si Niña pa din hinahabol mo?" Sagot ko.
"Yeah, I love her." Seryosong sagot niya at yumuko, "Kahit na may asawa siya."
I tapped his shoulder. Iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig sa isang tao. Kahit ako ay hindi ko inaasahan na mapapa-ibig ako ni Riley. I mean, she ain't my type and she annoys the shit out of me. Pero tignan mo ngayon. Halos hindi na ko mahiwalay sa kanya dahil sa pagmamahal ko. I can't even think of leaving or hurting her in the future. Siya lang ang nagpa-baliw sakin ng ganito.
"But Mico, outsiders are not allowed in the party, right?" Singit ni Jam kaya napa-lingon kami sa kanya, "Hindi naman nagta-trabaho ang girlfriend mo sa ospital so bakit mo siya sasama?"
"Ha? Hindi mo ba narinig ang announcement kanina na pwede magsama ng outsiders?" Nagtatakang tanong ko. Umiwas naman siya ng tingin at napa-buntong hininga.
"Iwan ko na kayo. Tapos na ang break ko eh." Paalam niya at agad kami iniwan ni Rex.
"I think you should tell her that you don't like her Mico. Umaasa pa yan si Jam na magkakaron ng kayo." Saad ni Rex.
"She knows that I only see her as my friend, man. Bakit ko pa ipapa-mukha sa kanya na wala siyang mapapala sakin kung alam naman niya 'yon? Alam niyang may girlfriend ako kaya bakit pa siya nag aantay sa wala?"
"Hay nako, Mikael. Hindi mo naiintindihan ang mga babae." Naiiling nitong sagot, "Palibhasa kasi hindi mo naranasan mag-habol sa taong alam mong hindi ka mamahalin."
"Ang point ko lang naman eh kung hindi ka naman mamahalin kahit anong habol mo, bakit ka pa magtitiis masaktan 'di ba?"
"Because love makes you stupid. Kahit na ikaw pa ang pinaka-matalinong tao sa buong mundo, pagdating sa pag-ibig magiging tanga ka." Aniya at tumayo sa kinauupuan niya, "You'll only understand me if you experience that, Mico. Kasi pag nagmamahal ka, kahit gaano pa kasakit, kahit gaano ka pa mag-mukhang gago, titiisin mo para sa taong mahal mo."
"O-Okay..." Tanging nasagot ko. Ngumiti lang to sakin bago niya ko iniwan. Napa-buntong hininga naman ako.
Nang matapos ang shift ko sa gabi ay naka-receive ako ng text mula kay kuya Zephyr at inaaya niya ko sa isang club. Tatanggihan ko sana ang alok niya pero sinabi niyang kailangan niya ng makakasama kaya naman pumayag din ako. Bago ako dumiretso sa Club X ay nagpaalam muna ko kay Riley na gagabihin ako.
"Hey Mico!" Kinawayan ako ni kuya Zephyr nang makita ko siya sa VIP lounge ng club. Agad naman akong lumapit dito. Naguumpisa na pala siyang uminom, "Order anything you want. It's on me."
"I'm fine with juice." I answered. Napa-iling naman to sakin kaya ngumiti ako, "Ano palang problema, kuya?"
"Nothing. Gusto ko lang ng makakasama." Saad niya pero kita ko sa mukha niya ang lungkot.
BINABASA MO ANG
TRADING INNOCENCE ✔️
Ficción GeneralMontenegro Series 2nd Generation Book 3 Love can make you do anything. Even if it means trading your innocence. Original story by greeeeeen Published 2018