Chapter Thirty Four

953 21 1
                                    


I can't believe that Riley proposed to me. Gulat at saya pa din ang nararamdaman ko sa tuwing naalala ko ang nangyari kagabi. Ako dapat ang gumagawa n'on pero aarte pa ba ako? She really never failed to amazed me. Every bit of her being makes me adore her even more.

"Hooray! Ikakasal na si kuya Mico! Pa'no ba 'yan uncle Ed at tita Mika? Hindi ko na muna kayo mabibigyan ng apo ha?" Pangungulit ni Jupiter na kinatawa ko.

"Anong apo ang sinasabi mo Jupiter?" Singit ni tita Fatima na kinatahimik nung isa.

"I can't believe this, hon! Ikakasal na ang panganay natin." Naiiyak na saad ni mommy kaya naman naupo ako sa tabi niya at inakbayan siya.

"I'm sorry it took long for me to get married mom. Pero eto na oh." Sagot ko at pinakita ang daliri kong may engagement ring. I chuckled and turn my gaze to Riley when I remembered the words she told me before. Ako nga siguro talaga ang babae sa'ming dalawa.

"Riley, gusto ko na ng apo." Ani mommy.

"Mom—"

"Of course mommy. Magdadagdag po kami ni Mico ng madami pang Montenegro."

"Wow! Akin puti!" Sabat ni Jupiter.

"Batik-batik akin." Sagot din ni Sandro. Napatingin ako kay Regan dahil alam 'kong makikisali din siya sa kalokohan ng dalawa pero nginisian lang niya ko. Naisipan ko namang lapitan siya.

"Let's talk, kid." I said.

"What?" Tanong nito. Natawa naman ako at ginulo ang buhok niyang magulo na.

"I want you to be my best man, Regan." I said as I smile genuinely at him. Salubong ang kilay niya 'kong tinignan bago niya inalis ang sigarilyong walang sindi sa labi niya.

"Why would I be your fucking best man?" Anito sa himig na naiinis. Tinabihan ko naman siya ng upo at napa-buntong hininga.

"If it weren't for you, I wouldn't meet Riley. Kung 'di mo ko sinet up noong birthday ko, siguro puro trabaho pa din ang iniisip ko ngayon. Hindi mo siguro pansin pero malaki ang naging parte mo sa buhay namin ni Riley. Because of you I found the woman for—"

"Cut the crap, doc. Ayaw ko maging best man okay? Ba't 'di na lang si Jupiter ayain mo tutal gusto naman niya ng attensyon sa buhay."

"Ikaw din ang gusto ni Riley maging best man ko." Saad ko pero umiling lang 'to bago tumayo.

"I'll think about it."

"Bakit mo pa pagiisipan? I'm asking you nicely, Regan." I said and sighed. Nilingon naman niya ko at pinakita ang middle finger niya sa'kin.

"Eto ka Mico." Sagot niya bago tumuluyang lumakad palayo. Napa-iling na lang ako. Agad naman pumalit si Jupiter sa inupuan ni Regan at inakbayan ako.

"Kuya Mico, nalalabi na lang ang single days mo sa mundong 'to. Baka naman pwede mo ko pagbigyan sa request ko. Tatanggihan mo ba 'tong handsome planet in planet earth mong pinsan?"

"Ha?" Naguguluhang tanong ko.

"Sabi ko ang gwapo ko, 'di ba?" Sagot nito at nag pogi sign pa.

"Ano bang gusto mo?"

"Boys night out!" Sigaw niya na kinalingon ng lahat, "Pumayag na si kuya Mico! Yes!"

"Wala 'kong sinabi!" Mabilis 'kong tanggi pero naghihiyaw na siya sa salas.

"Why don't you go?" Riley asked. Naupo ito sa tabi ko kaya hinawakan ko ang kamay niya, "Sige na, sumama ka na."

TRADING INNOCENCE ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon