Chapter Thirty Five

891 24 0
                                    


 "White."

"No. I want the beige."

"No! White nga eh."

"Mico," She sighed exasperatedly, "Hindi na ko virgin para mag-suot ng puting wedding gown. I've sinned a lot and wearing a white dress in our wedding is so, hmm, what do you call it? Inappropriate?"

"It's not about your past shits baby. Wearing a white dress in a wedding is a must. Saan ka nakakita ng ikakasal kulay beige ang damit?"

"Meron nga black pa eh."

"Really?" tanong ko. Tinawanan naman niya ko at naupo sa kandungan ko. Napatingin naman ako sa designer na kaharap namin dahil pinapanood niya kami, "May tao sa harap, Riley."

"So?" Tumaas ang kilay niya kaya wala 'kong nagawa, "I want the beige wedding dress, hunny. Hindi naman na uso ang mga white dress na yan ngayon. Para sa mga virgin lang yun."

"I don't think so. Bakit sa ibang bansa naman? They treat sex as past time and they wear white dress in their wedding. Bakit sa'yo hindi puwede kung para sa iba puwede?"

Tinawanan naman niya ko kaya napa-simangot ako, "Marriage is not a must in other countries specially in America. Tignan mo madami dun ang nagpapakasal pero hindi nagwo-work out. Kaya hindi necessity ang pagpapakasal dun."

"Geez, bakit ba eto na ang pinaguusapan natin?" Mahina akong natawa. Ngumiti naman siya at tumayo muli saka niya binalikan ang mga beige colored wedding gowns na tinitignan niya. I sighed and gave up. Kung anong gusto n'ya yun ang susundin ko.

We are almost done in preparing for our wedding. Two months ago nang mag-propose si Riley sa'kin ng kasal at isang buwan na lang ay mabibigay ko na ang apilido ko sa pangalan niya. I'm so excited and nervous at the same time. I remember telling myself that love is not for me but here I am, watching my soon-to-be-wife pick her most beautiful dress for our wedding.

"How 'bout this?" She asked and showed me a beautiful lacy dress. See through and gitna nito kaya naman napa-iling ako.

"Can you choose a much more simple dress?" Tanong ko. Balak ba niyang ipakita ang kaluluwa niya sa lahat ng tao sa simbahan? Kanina pinagpipilitan niya sakin ang isang backless na dress tapos see through din ang gitna.

"Simple naman 'to." Aniya at muling bumalik sa pagpili ng damit.

"Mom wants you to wear her wedding dress. Yun din ang ginamit nila Cameron sa kasal nila. Bakit hindi na lang 'yon ang suotin mo?" Saad ko. Tinignan naman niya ko at napa-buntong hininga.

"I want to, Mico. But white is not for me, okay?"

"Baby—"

"Nasabi ko naman na 'yon sa mommy mo at naiintindihan n'ya ko. End of discussion."

"Fine." Pagsuko ko. Ngumiti naman siya at pinakita sakin ang simpleng beige mermaid style dress, "That's good."

"Hay salamat at may nagustuhan ka din." Anito at umikot ang mata bago niya sinundan ang designer para sukatin ang dress. Pamahiin nila na bawal daw sukatin ang wedding gown bago ang kasal pero hindi naniniwala si Riley dun.

Nang matapos kami sa wedding gown ay umuwi na kami ni Riley. I'm already planning to build a house for Riley and I and she doensn't know anything about it. Gusto 'kong yun ang magiging wedding gift ko para sa kanya kaya naman hindi ko pinapaalam kahit kanino ang tungkol dito lalo na sa mga makulit 'kong pinsan.

"Mico..."

"Yeah?" Tinignan ko siya.

"Gusto mo na bang magkaron tayo ng baby?"

TRADING INNOCENCE ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon