I was feeling really good right now as I walked in the hallway of the hospital while humming this love song stuck in my head. Kanina kasi ay pinapakinggan ni Riley sa kotse ang kanta ni Ed Sheeran na Perfect at nakuha ng kantang yon ang attention ko.
I'm not really fond of music but this song really got me. I have faith in what I see, now I know I have met an angel in person. And she looks perfect tonight. Right. I met Riley that night and she looks like an angel with a dirty mouth. I never thought that I'll fall in love with her but I guess God has His own plans for everyone and that includes me.
"Mukhang masaya ka." Napalingon ako nang sabayan ako ni Jam sa paglalakad. Nginitian ko naman siya.
"Yeah. I'm really happy." I chuckled.
"Why? Did something good happen?" She asked and smiled at me.
"Yes. At alam kong araw-araw akong magiging masaya."
"Since you're in a good mood today, why don't we eat dinner later? My treat don't worry." Pagaaya nito pero agad akong umiling.
"I can't. I need to see my girlfriend after work." I answered and her expression changed from smiling to shocked.
"G-Girlfriend?" Nanlalaking matang tanong nito. Ngumiti naman ako at tumango, "May girlfriend ka na Mico? Sino? Pa'no?"
"You already met my girl in the resort. My beautiful Riley." I proudly said. Hindi naman siya umimik at bahagyang napayuko.
"A-Ahm, I need to go." Anito at bago pa ko makasagot ay nagmamadali na siyang umalis. Nagtaka naman ako. May problema ba si Jam?
Nagpatuloy naman ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa nurse station. Binati ko naman sila at nginitian bago ako dumiretso sa isang ward ng confined patients ko para i-check sila.
"Good morning!" I greeted happily at my first patient. Tipid namang ngumiti ang mga to sakin, "Kamusta ang pakiramdam mo nanay?"
"Maayos na ako hijo. Hindi pa ba ko pwede umuwi?" Tanong nito.
"Che-check po natin ang last lab results niyo tsaka ko magde-decide kung pwede na ba kayo i-discharge, okay po ba?"
"Nababagot na kasi ako dito." Napa-iling ito bago ngumiti sakin, "Kung di ka lang gwapo doc eh. Ikaw lang ang nagpapasaya sakin."
"Si nanay talaga oh." Natawa ako, "Sige ho, baka bukas ay pwede na kayo makalabas."
"Salamat sa Diyos. Di bale hijo lagi ako dadalaw dito para makita ka."
"Sige po." Sagot ko at nagpaalam na para i-check ang next patient na nasa kabilang ward naman. Bago ako makalapit ay narinig kong umiiyak ang matandang babae na asawa ng pasyente ko.
"Pa'no tayo lalabas nito sa ospital Raul? Wala tayong pera. Wala tayong iba-bayad dito."
"Nasaan ba sila Gerald? Ang mga anak ko? Bakit hindi nila tayo tinutulungan?"
"May mga sarili na silang pamilya. Ayaw na nila tayong tulungan."
"Eto na ba ang karma ko sa ginawa ko noon sa anak mo?"
Katahimikan ang bumalot sa kanila kaya naman lumapit ako at ngumiti sa kanila, "Kamusta ho?"
"Maayos naman na ako." Saad ng matandang lalake.
"Normal naman na ho ang lab results niyo. Mas okay po kung titigilan na natin ang pagi-inom ng alak dahil nakakasama to sa puso niyo, tatay. May mga bara na kasi sa arteries ng puso niyo kaya kayo minsan nakakaramdam ng pagsakit ng dibdib."
BINABASA MO ANG
TRADING INNOCENCE ✔️
General FictionMontenegro Series 2nd Generation Book 3 Love can make you do anything. Even if it means trading your innocence. Original story by greeeeeen Published 2018