"Masakit pa?" Tanong ni Riley matapos niyang malagyan ng gauze bandage ang kamao ko. Umiling naman ako at sumandal sa kinauupuan ko, "Galit ka pa ba?"
"Nope. I'm okay." I said and gave a smile.
"Sayang di ko nakita." Singit ni Jupiter na kakarating lang para maki-chismis, "First time pa naman manuntok ni kuya Mico. Hindi mo man lang kinuhaan ng video, Regan."
"Sira ulo ka talaga." Komento ni uncle Xyrus, "Mico, ang galing mo manuntok kanina. Buti di ka nagmana kay Ed." Aniya pa at tumawa, "Bigla ko tuloy naalaala noong nakipagaway tong si Edryl. K.O. siya! Knocked out!"
"Past is past!" Singit naman ni dad, "But Mico, I still didn't like the way you reacted earlier. Pwede naman madaan sa maayos na usapan ang isang bagay bakit ka pa nakipagaway?"
"Rhyme yon. Pansinin niyo." Bulong ni Jupiter.
"Dad, I just want to let all my anger out. Lahat ng galit ko sa kanya kinimkim ko ng ilang taon. The words he told me felt like a trigger and the bomb inside me exploded." I answered, "And it wasn't enough. He still deserves more than punches."
"So, are you going to hire me to kill that son of a bitch?" Ani Regan na kinatingin namin sa kanya, "Damn, man. You entertained me a little a while ago. Hindi ka na boring. Si Cameron kaya kailan hindi magiging loser?"
"Regan, I think we need to talk." Uncle Xyrus said before pulling Regan away.
"Nabalitaan niyo bang kakalabas lang ng kulungan ni Regan?" Bulong na naman ni Jupiter, "He almost killed a guy in club X last week. Araw araw lumalala yung pagkaluwag ng turnilyo niya."
"Ang chismoso mo." Sagot ko at napailing.
"Malakas radar ko eh." Aniya pa, "Pero kuya Mico sa isang araw na beerday mo. Ano, gusto mo ba ulit matali sa kama?"
"What?" I asked. Sabay naman silang tumawa ni Riley, "What's funny, Riley?"
"Di mo ba naaalala?" Tanong niya. Napaisip naman ako saglit at nang maalala ko ang birthday ko noon ay napa-ngiti ako.
"You're naughty." I chuckled and wrapped my arm around her, "But why not? You can tie me all you want babe."
"Sus. Galing mo na gumanyan ha. Parang noon lang patakbo takbo ka pa mula sakin." Sagot niya na muli kong kinatawa. Oh, how I love reminiscing memories with her.
"I changed because of you. You introduced me to pleasure and I couldn't stop giving in to you anymore." I whispered and she giggled.
"Mico, about us..." Umpisa niya kaya umiwas ako ng tingin. I don't think she's ready for us again. Madaming nangyari nitong mga nakaraang araw at alam kong masyado nang nastress si Riley. Kaya ayaw ko munang mas guluhin pa ang isip niya ng tungkol sa relasyon naming dalawa.
"Baby, next time." I whispered and gently kissed her forehead. Tumitig naman siya sakin bago bumuntong hininga.
Kinabukasan napagpasyahan kong dalawin ang puntod ni Rayleigh. Naglapag ako ng basket ng puting rosas bago ako naupo sa tabi ng puntod niya. Hindi ko alam kung bakit ako nandito pero tila may umusig sa isip ko na dalawang siya.
"Hey, Rayleigh. Kamusta? I know you're happy wherever you are. No more pain and just pure happiness, right?" I said and smiled. Ilang saglit akong tumitig sa pangalan niya bago napayuko, "Rayleigh, I know you told me to make your mom happy. Do you think she's ready opening herself again? Alam kong kakawala mo pa lang at alam kong masakit pa din para sa kanya ang pagkawala mo. Pero dapat ko na bang buksan muli ang tungkol sa'ming dalawa?"
BINABASA MO ANG
TRADING INNOCENCE ✔️
General FictionMontenegro Series 2nd Generation Book 3 Love can make you do anything. Even if it means trading your innocence. Original story by greeeeeen Published 2018