Two months after our wedding, nalaman namin na buntis na pala si Riley. I couldn't contain how much happiness I felt when Riley told me that we're having a baby. Lalong lalo na nang malaman ni mommy na magkaka-apo na siya sa'kin. Nahimatay pa nga 'to eh.
Sabi nila dad mahihirapan daw ako sa paglilihi ni Riley dahil may mga pagkain daw na gusto ang buntis na unusual. Pero hindi naman mapili si Riley sa pagkain at tingin ko magandang bagay yun.
Food is not a problem but...
"Mico, can you get Regan and Jupiter for me?" Riley asked nicely. At oo, tao ang pinaglilihian niya.
"Hunny, busy sila—"
"Kukunin mo o hindi?" Warning niya kaya napalunok ako. She's looking at me with daggers and I chuckled nervously before nodding.
"O-Okay."
"Thanks! I love you so much, doctor." She answered and went back to the food she's eating. Napa-buntong hininga naman ako bago lumabas ng bahay.
I sighed before walking across the street. The house I'm building for Riley and my soon to be family is not yet finished. Kaya naman hindi pa kami nakakalipat at nananatili pa din kami sa bahay nila mommy which is very fine with my parents. Ang alam nila mommy ay wala pa kaming nahahanap na bahay.
"Hey Mico." Kuya Zephyr greeted. Buhat nito ang bunsong anak, "Napadalaw ka?"
"Nandyan ba si Jupiter?" Tanong ko.
"Oh, I think he's with Sandro right now. Try mo sa bahay nila uncle Xyrus or nila dad."
"Sige kuya." Sagot ko at lumakad papunta kila uncle Xyrus. Pagpasok ko ay saktong nandun si Regan kaya nagliwanag ang mukha ko.
"Regan—"
"I'm not available." Putol niya sa sinasabi ko.
"Hinahanap ka ni Riley." Saad ko. Bored na tingin naman ang tinapon niya sa'kin bago binalik ang mata sa kung anong binabasa niya, "Please? She wants to see you or else she will hate me for the rest of the day!"
"Not my problem."
"Regan, please?"
"Oy, nandito ka pala kuya Mico. Ano meron?" Napalingon ako nang saktong pumasok si Jupiter kasama si Sandro. Agad ko naman siyang nilapitan at inakbayan.
"There's a chick in our house right now. Kaibigan ni Riley." Pambubuyo ko na agad niyang kina-ngiti.
"Pakilala mo ko."
"Sure. Ayain mo muna si Regan sumama." Bulong ko pa.
"Okay." Ngumisi ito at lumapit kay Regan saka pilit hinila, "Tara na kasi!"
"What the hell is your problem? Let me go!"
"Tara na!" Tuwang-tuwang sagot ni Jupiter kaya napa-ngiti ako. Nang mahila niya palabas si Regan ay tumulong din ako hanggang sa makauwi sa bahay nila mommy.
"Oh my gosh!" Rinig 'kong tili ni Riley at mabilis na yumakap kay Regan. Agad ko naman siyang hinila palayo pero talagang mahigpit ang pagkakayakap niya.
"Baby—"
"Ang bango bango mo naman Regan. Wow, ang pogi mo Jupiter!" Saad niya at hinimas-himas ang mukha nung dalawa. Halata namang iritang-irita si Regan samantalang tuwang-tuwa naman si Jupiter sa pagpuri ng asawa ko sa kanya.
"Riley." I pulled her away from Regan.
"Uuwi na ko." Paalam ni Regan pero mabilis siyang hinawakan ni Riley sa braso, "Stop!"
BINABASA MO ANG
TRADING INNOCENCE ✔️
Aktuelle LiteraturMontenegro Series 2nd Generation Book 3 Love can make you do anything. Even if it means trading your innocence. Original story by greeeeeen Published 2018