I don't know how I managed to sleep that night after what I saw. Hindi ko maalis sa isip ko ang nakita ko at para tong sirang plaka na paulit-ulit na rumerehistro sa utak ko. It was frustrating and annoying and fucking painful. I can't even think of anything aside from that...that awful scene.
Bumuntong hininga ako tsaka ko kinuha ang bag ko at lumabas ng cottage room. Dumiretso ako sa restaurant kung nasaan silang lahat. Pagpasok ko dun ay agad kong nakita si Riley na katabi si Gary. Ni hindi din siya umuwi sa room namin at ayoko nang isipin pa kung saan siya natulog.
"Oh, doc Mico kain na!" Saad ni doctora Santos. Umiling naman ako at pilit na ngumiti.
"Babalik na po ko ng Manila." Saad ko na kinagulat nilang lahat. Mabilis naman lumapit si Rex sakin.
"Man, what happened?"
"Mico, are you alright?" Jam asked. Hindi naman ako sumagot. Inakbayan ako ni Rex at hinila ako palabas ng restaurant.
"Ano nangyari?" Tanong nito. Muli, hindi ako nakasagot. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Walang gustong lumabas na salita sa bibig ko dahil ang sakit ng dibdib ko.
"I'm having a heart attack." I answered and clenched my chest, "Kailangan ko pumuntang hospital."
"H-Heart attack? Fuck! Are you alright Mico? May sakit ka ba?!" Nagpapanic na tanong nito. Sunod-sunod naman akong umiling.
"I-I just need to get away from here." Bulong ko at nag-simulang lumakad palayo.
"Is it because of Gary and Riley?" Tanong nito kaya natigilan ako. Hindi ako nakasagot at binaba ko ang tingin ko sa lupa.
"N-No..." Mahinang sagot ko.
"May gusto ka ba kay Riley?" Muli niyang tanong. Umiling naman ako. Pano ako magkakagusto sa kanya? Pano ko malalaman kung gusto ko na ba siya? I don't fucking understand anything about like and love. I don't know! I just want to get away from here!
"Aalis na ko." Saad ko at mabilis na lumakad palayo. Nakasunod pa din si Rex sakin. Pagliko ko papuntang lobby ay napatigil ako sa paglalakad nang makita si Riley na nakatingin sakin.
"Mico..."
"Uuwi na ko Riley. You can enjoy your stay here." I said and gave my most fake smile.
"Sasabay na ko sayo." Sagot niya pero umiling ako.
"Sabayan mo na lang si Gary." Bulong ko. Hindi ko na to inantay pang sumagot at nilagpasan ko siya.
"Mico, wait!" Habol ni Rex sakin. Pasakay na sana ko ng van na maghahatid sakin sa airport nang pigilan ako ni Rex, "Man, calm down! Ano bang nangyari?"
"Kailangan ko lang lumayo dito. This place is suffocating me okay?" I answered. Tinignan lang ako nito kaya sumakay na ko ng van at sinara ang pinto. Tinignan ko si Riley na nakatayo di kalayuan kay Rex bago ako bumuntong hininga at pumikit.
Pagdating sa Maynila ay dumiretso agad ako sa penthouse. Nag-kulong lang ako sa kwarto buong araw at natulog. Pag gising ko ay hapon pa lang kaya naligo ako at nagbihis tsaka dumiretso sa parking lot.
Nag-drive ako papunta sa bahay nila uncle Saturn para dumalaw. Nabalitaan ko din na nakauwi na pala si kuya Zephyr galing America at mananatili na sila dito sa Pilipinas. Pagdating dun ay saktong nandoon din sila mom at dad. Agad naman akong niyakap ni mommy nang makita niya ko. Humalik ako sa noo nito bago kami sabay na lumapit sa mga pinsan ko.
"Son, I thought you're on vacation?" Tanong ni dad.
"Hindi po ko tumuloy." Pagsisinungaling ko at umiwas ng tingin.
BINABASA MO ANG
TRADING INNOCENCE ✔️
Fiksi UmumMontenegro Series 2nd Generation Book 3 Love can make you do anything. Even if it means trading your innocence. Original story by greeeeeen Published 2018