Chapter 1

576 23 0
                                    

"Kuya pahiram remote lipat natin sa SpongeBob hehe"

"Ayoko nga, kabaduy baduy naman non, mas maganda ang dragon ball"

"Kuya em-em timo oh ayaw magpahiram ng remote"

Tiningnan ko ang dalawa kong kapatid na nag aaway sa remote ng tv. Bakas sa mukha nila ang kainosentehan at walang alam kung gaano kahirap ang resposinibilidad habang tumatanda.

Nakita kong binatukan ni inay ang dalawa para patigilin at walang nagawa ang kapatid kong lalaki kundi ibigay sa bunso namin ang remote.

Swerte na siguro kaming magkakapatid kung makakakain kami nang tatlong beses sa isang araw. Sa hirap ng buhay ngayon, isama pa ang mataas na bilihin at isama pa ang ama kong walang permanenteng trabaho, ewan ko nalang kung pano pa kami nakakaraos nito.

Oo masaya ang pamilya namin pero di sapat ang saya na ito para punan ang kumakalam naming sikmura. Di naman kasya ang kinikita ng aking ina sa paglalabada, minsan tinutulungan ko na ang aking ina sa paglalabada niya, ako ang nag iigib ng tubig na gagamitin nya para di sya lalong mahirapan. Ang aking itay naman ay
sumasama minsan sa tiyuhin ko para gumawa ng bahay.

Natigil ako sa pagmumuni nang tawagin ako ng aking ama.

"Mark, hinahanap ka ni aling susan, magpapaigib ata ng tubig"

"Sige tay, punta na po ako" sagot ko. Ako nga pala si Mark Manalo, sa edad kong labinlima, ramdam ko na agad ang hirap ng buhay. Mahigit isang taon na rin simula nung tumigil ako sa pag aaral dahil hindi kaya ng mga magulang ko. Pero yung dalawang kong kapatid ay nag-aaral ngayon, si Jayson ay grade 7 sa edad na labindalawa at si Irish ay grade 4 sa edad na
sampu'.

Sa loob nang mahigit isang taon na aking pag tigil sa pag aaral ay wala akong ibang inatupag kundi maghanap nang mapapagkakitaan. Minsan naglalako ako ng banana cue o kaya balot sa gabi. Minsan naman ay ipinag iigib ko ng tubig ang aming kapitbahay kapalit ng barya. Lahat ng kinikita ko ay ibinibigay ko sa aking magulang pandagdag gastos at nagtatabi rin ako sa aking alkansya para sa pagaaral ko ngayong grade 10 sa darating na pasukan

Habang naglalakad ako ay naalala ko si Nikko, apo ni Aling Susan. Hindi ko alam bakit naging ganoon ang ugali ng lalaking yon. Nang makarating ako sa bahay nila Aling Susan ay napansing kong sarado ang pinto ng bahay nito.

"Tao po!! Aling Susaan?!!" sigaw ko sa tapat ng kanilang bahay.

"Wala!!" rinig kong sigaw ni Nikko sa loob.

Kinatok ko nang malakas ang pinto dahil pakiramdam ko wala siyang balak na pagbuksan ako.

"Ano?!!" inis niyang tanong pagka bukas ng pinto.

"Boss pinag iigib ako ni Aling Susan, nasaan ang mga timba?"

"Nandoon sa cr, kunin mo nalang"

Habang tinatahak ko ang cr ay pinagmamasdan ko ang loob ng kanilang bahay. Napaka aliwalas at linis, maraming silang kasangkapan at kagamitan. Hindi ko maiwasang ikumpara ang estado ng buhay nila sa buhay namin. May isa kaming tv kaso nag aagawan talaga kaming magkakapatid sa remote kaya minsan nababatukan kami ng aming magulang.

"Boss, pasabi nalang kay Aling Susan pag dumating na nag iigib ako" tumango nalang ito bilang pagsagot.

***

Nang mapuno ko ang pitong timba, hinakot ko ang mga ito papunta sa bahay nila Nikko. Nasa bungad palang ako ng bahay nila ay amoy ko ang mabangong niluluto, bigla akong nagutom. Nakasalubong ko pa si Nikko na lumalabas ng kanilang bahay.

"Boss, nandiyan na si Aling Susan?"

"Oo, iwan mo muna dyan ang timba at dito ka na raw kumain"

Pagkapasok ko ay nakita ko si Aling Susan na nagluluto.

"Magandang tanghali po Aling Susan, tapos ko na pong igiban ang mga timba"

"Ganoon ba, salamat utoy. Hintayin mo si nikko at sabayan mo na kami kumain"

Saktong pasok ni Nikko na may dalang juice. Pinagmasdan ko ang kumag na ito at ang laki na ng pinagbago nito. Ang tangkad na nya, ang layo layo na nya noon sa Nikko na uhugin. Naalala ko nung bata pa kami, lagi yang napapalo ni Aling Susan kase sobrang gala at mahilig umakyat sa mga puno puno. Sobrang masiyahin ni Nikko noon kasalungat na kung ano sya ngayon, laging nakasimangot at hindi makausap.

"Iho, kakain na"

"Hoy sunog, kakain na"

Hindi ko namalayan na tapos na pala si Aling Susan sa pagluluto. Tumayo na ako at naghugas na ng kamay.

***

"Maraming salamat po sa pagkain", nakangiti kong sambit kay Aling Susan.

"Walang anuman iho, sya nga pala, ito ang bayad para sa igib at mag-uwi ka na rin ng ulam sa inyo"

"Maraming salamat po" pagpapasalamat ko ulit sa matanda habang inaabot sa akin ang pera at ulam.
Napaka bait talaga ng lola ni Nikko, tuwing magpapa igib sa akin ito ay lagi akong pinapakain at pinag uuwi ng ulam. Lalabas na sana ako nang tinawag ako ni Nikko.

"Hoy sunog, yung tupperware ha!, tadyakan kita pag hindi mo ibinalik yan" natawa naman ang lola nito sa kanyang sinabi.

"Oo na, maraming salamat po ulit, Aling Susan, Boss Nikko, una na ako" pagpapaalam ko sa dalawa.

"Sige iho, salamat din" sagot ng matanda at tumango nalang si Nikko saakin.

Nang makalabas ako ay napangiti nalang ako dahil marami-raming ulam ang ipinadala saakin, tiyak na matutuwa na naman ang dalawa kong kapatid lalo na si Jayson dahil paborito nito ang adobo, doble rin ang binayad saakin ni Aling Susan sa igib kaya naman madadagdagan na naman ang pera kong nakatabi para saaking pag aaral.

Pagdating ko sa bahay ay naabutan ko naman ang aking ama at ina na naghahanda para sa pananghalian, saktong sakto at may dala akong ulam.

"Em-em maghugas kana ng kamay, kakain na tayo" uto ng aking ina

"Hindi na po, katatapos ko lang po kumain. Nay, tay, ulam po pala bigay ni Aling Susan, ito rin po ang 150 bayad po yan sa igib" Inilapag ko na sa lamesa ang ulam at iniabot kay inay ang pera.

"Maraming salamat nak, hindi ka ba talaga sasabay kumain?"

"Hindi na po nay, punta po muna ako sa kwarto nay, tay at magpapahinga"

Humilata na agad ako sa higaan at dahil sa pagod ay mabilis akong inantok at nakatulog agad.

Untold (BL) (OnHold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon