"B-boss, p-pupunta ba ang mga k-kaibigan mo mamaya?"
"Oo, bakit?" saad nito. Hindi ko alam kung sasagutin ko ba ito. Pinili ko nalang manahimik, baka saan pa mapunta pag nagtanong pa ulit ako.
"Wag kang mag alala, nakulong na sila Rico at Sam. Sila ang humalay sayo." hindi ako makapaniwala sa aking narinig. Totoo ba? sana hindi ito panaginip.
"Sila Carl, John at Ryan lang raw ang makakapunta mamaya, busy yata si Kael sa trabaho kaya hindi ito makakasipot. Kay Carl ko pala nalaman na nakulong amg dalawa dahil hindi lang ikaw ang ginalaw nila. Pasensya ulit." kita sa muka nito ang pagsisi. Laking pasalamat ko at nakulong na sila, sana mabulok sila sa kulungan."Ano kaba boss, ayos na ako. Tsaka birthday mo ngayon, tama na muna ang kadramahan"
"Wews, ayaw sa drama pero may luha ngayon"
"Masaya lang ako boss, kahit papaano ay nakamit ko ang hustisya" tumango tango ito sabay higop sa kape.***
Mag aalas onse na nang maisipan naming umuwi kila Nikko na halatang na eexcite na sa mangyayari mamaya.
"Mark" tawag nito habang abala sa pagsipa ng batong madadaanan.
"Bakit boss?"
"Wala naman"
"Lakas amats ahh, tatawag tawag tas wala naman. Tigil na boss sa kahihithit ng katol, masama sa utak yan"
Napansin kong malungkot ito, hindi yata nagustuhan ang banat ko.
"Ok kalang boss? may nasabi ba akong mali"
"Wala ahhh, kati lang pwet ko pakikamot nga HAHAHAHHAHAHAHHA"
"Ampota naman boss, kanina naeexcite ka, tas bigla kang malulungkot tas bigla kang tatawa?"
"Ganyan talaga pag pogi, inlab kana naman sakin sunog" sabay pogi sign.
"Ito o pogi" pinaamoy ko sa kanya ang utot kong dinakot sabay takbo.
"TANGINAAAA MOOOOOOO!!!" narinig kong sigaw nito. Takbo pa rin ako nang takbo, mahirap na pag naabutan. "Lasa ko ay lasa mo HAHAHAHAHHAHA"
***
"Boss hinahanap ka ng lalaking yun"
"Asan? ahhh si Carl na yan. Psssttt Carl, sila John at Ryan?" pagtawag nito sa lalaking maputi.
"Maya maya pa raw, may inaasikaso pa"
"Kumain kana ba? pasok ka. Asan ba si lola. Sya nga pala Carl, si Mark, bodyguard ko"
"Gwapong bodyguard naman nito. Pre, Carl nga pala" sabay abot ng kamay. Ang puti nya grabe, nahihiya tuloy akong kamayan ito. "Di ako nangangagat" biro ni Carl. "Mark nga pala tsong" at nakipag kamay na ako.
Kung susuriin ay mukang mayaman talaga ito. Kulay palang ng balat halatang hindi naiinitan sa kanila. Ang amoy niya ay amoy mamahaling pabango.
"Eheem mukang ipagpapalit mo na ako sunog ahh, pasok muna tayo nang makakain"
***
Pagkatapos naming kumain ay hinanap ko muna si inay. Kagabi ko pang di nakikita yon, baka sumama na sa ibang lalaki.
"Nay ako na ang maghahalo, magpahinga ka muna" kita ko kaseng pinagpapawisan na ito kakahalo ng sinukmani kaya ako muna ang humalili.
"Kumain kana ba anak?" tanong nito. "Tapos na po nay, kain na po muna kayo"
"Salamat nak, iwanan muna kita dyan, hanapin ko ang dalawa mong kapatid, isasabay ko na sa hinahalo mo este sa pagkain"
"HAHAHAHAHAHA inay talaga, baka naman gusto mo kay Ka Isdro sumabay. HAHAHHAHAHAH"
"Bahala ka nga dyang bata ka" sabay alis. Pikon na naman si inay.
Kakapagod pala itong paghahalo, sakit sa kamay. Nakita kong umupo si Carl sa upuan pinag alisan ni inay.
"Pre tulungan na kita"
"Hindi na pre, bisita ka. Ako na bahala dito"
"Sigurado kaba? By the way, nanay mo ba yon? ganda ahh. Halatang may pinag manahan ka."
"Galawan mo pre, tatlo na kaming magkakapatid. Gusto mo atang ligawan si inay HAHAHAHHA"
"Agad na, pero ikaw ba Mark, pwede kabang ligawan kung sakali?"
"Di tayo talo pre, ano gagawin natin? mag eespadahan?"
"HAHHAAHAHHHAHAHAHA GAGO!"Mabuti dumating si Nikko, ngalay na ang braso ko kakahalo.
"Boss ikaw muna maghalo, ngalay na kamay ko eh"
"Nag offer ako ng tulong, ayaw mo naman" - Carl
"Aba nagkaka mabutihan na ata kayo" - Nikko
"Areng kaibigan mo boss, balak ata pormahan si inay"
"Gagi, nasabi ko lang na maganda ang nanay mo eh" - Carl
"Sumbong kita Carl kay tito Manuel HAHAHAHAAHAHAH" - Nikko
"Wag po huhuhuhu"- CarlNagtawanan kami sa mga pinaguusapan namin. Narealize ko na hindi pala lahat ng mayayaman ay masasama ang ugali. Isa si Carl sa nagpapatunay na, bago natin husgahan ang tao, kilalanin muna natin.
Noong una, akala ko ay hindi ko makakasundo ito. Katulad ng sinasabi sakin ng mga kaedaran ko na hindi ko kayang makipagsabayan, hindi ko ito narinig mula sa kanya.
***
"Happy birthday to you, happy birthday to you. Happy birthday, happy birthday, happy birthday to you" kanta naming lahat.
Si Nikko naman ay nakatayo sa gitna habang hawak hawak ang cake. Hinipan nito ang kanila saka humiling. Masaya ako para sa kanya, masaya ako na nakikita ko na ulit itong ngumingiti at sana ay magpatuloy pa.
Kanya kanyang kuha ang bawat isa ng pagkain. Si Carl ay umuwi na pagkatapos kumain Si inay naman ay kasama ni Aling Susan sa kusina. Si itay naman ay nakikipag inuman na. Si Irish naman ay nakikkpaglaro. Si Jayson... asan ang batang yon?.
Narinig kong bumukas ang gate at sabay na pumasok si Jayson at isang lalaki, ito na ata si Michael. napaka gwapong bata.
"Kuya Mark, kuya Nikko, si Michael po pala, kaibigan ko."
"Happy birthday po kuya Nikko, regalo ko po"
"Maraming salamat utoy, dalhin mo yang kaibigan mo Jayson sa iyong inay, nasa kusina sila."
"Sige po, kuya Mark at kuya Nikko, pasok po muna kami.""Ano kayang laman nito" inalog ni Nikko ang regalo.
"Baka house and lot boss" dahil sa sinabi ko ay nakatanggap ako ng mahinang kaltok. "Mark maraming salamat sa inyo ahh, kung wala kayo nila tita at tito, baka di ko na pinatuloy ang paghahanda kay lola""Walang anuman boss Nikko, anytime pwede mo kaming tawagin" nakangiti kong saad dito
"Ito na yata ang pinaka masayang birthday ko, maraming salamat ulit sunog" niyakap ako nito at nararamdaman kong nabasa ang aking liko. Naiyak na ata si kupal.
"Walang anuman boss, basta ikaw. Maligayang kaarawan ulit"

BINABASA MO ANG
Untold (BL) (OnHold)
General FictionPaano kung kailan tanggap at handa kanang magsabi ng iyong nararamdaman ay tsaka magbabago ang lahat? Yung taong akala mong iingatan at mamahalin ka ay ang magiging sanhi ng pagdudusa at paghihirap mo. Samahan natin ang bidang si Mark na harapin an...