Madaling araw palang ay ginising na ako ni Nikko. Sabi niya kase ay medyo may kalayuan ang pupuntahan namin at baka doon kami matulog ngayon.
"Ang aga aga naman boss" reklamo ko.
"Akala ko ba excited ka ha, kung ayaw mo sumama, wag nalang"
"Siraulo kaba talaga ha?, ito maliligo na nga eh" agang aga mabwisit ng ulupong na to.
"Ay nga pala boss, wala raw pasok ang inay ngayon at bukas, sabi ko kung pwede dito nalang siya matulog para may kasama ang Aling susan"
"Ayan nga rin ang kagabi ko pang iniisip, mabuti nalang at solve na. Daanan nalang ulit tayo mamaya sa inyo"
"Sige, boss malamig ba ang tubig?"
"Kambing kaba ha?!"
"May ganto ba kagwapo na kambing?"
"Maligo kana ngang animal ka!'
Lakas din ng tama ng asungot na yon
***
"La, alis na po kami. Dito daw po tutulog ang Inay ni sunog mamaya, baka po bukas pa kami makauwi."
"Magiingat kayo apo, utoy ikaw na bahala dyan. Kialala mo naman yan"
"Sige po aling susan, una na po kami"
Pagkalabas ay naabutan naming nagaantay si Carl sakay ng motor niya, ito ata maghahatid samin sa sakayan.
"Dalian niyo at antok pa ako" sabay hikab
"Minsan na nga laang, sino ba naman kami diba"
"Arte mong uhugin ka, sakay na kayo"
"Ako na boss sa dulo, ikaw na sa gitna"
"Ako na sa dulo"
"Hindi boss, ako na"
"Osige mag away nalang kayo at uuwi na ako" singit ni Carl
"Ako na kase boss sa dulo"
"Sure kaba ha, bahala ka dyan" inang to pati pagsakay kabubwisitan pa. Iba na ata takbo ng utak neto eh.
Kasalukuyan kaming nabyahe at medyo inaantok pa rin ako, idagdag ang malamig na simoy ng hangin. Para mawala ang antok naisipan ko nalang kausapin tong nasa unahan ko.
"Boss"
"Ano?"
"Oo"
"Anong oo ka dyan?"
"Medyo napadami ata dala ko hehe"
"Anong medyo, madami talaga. Tingnan mo Carl ang bag nitong si Sunog, akala mo pinalayas sa kanila HAHAHHAHAHAHAHAH"
"HSHSHHSHSHAHAHAH"
Pinagtawanan pa ako nang dalawa. Kaulaga ko kase di naman sinabing isang gabi lang. Pero baka may ilog doon, maganda na ang may extrang pampalit :))
Diko namalayan na nasa Terminal na kami, medyo sumisikat na rin ang araw.
"Salamat Carl, punta ka nalang sa birthday ni Lola"

BINABASA MO ANG
Untold (BL) (OnHold)
General FictionPaano kung kailan tanggap at handa kanang magsabi ng iyong nararamdaman ay tsaka magbabago ang lahat? Yung taong akala mong iingatan at mamahalin ka ay ang magiging sanhi ng pagdudusa at paghihirap mo. Samahan natin ang bidang si Mark na harapin an...