Chapter 4

258 15 0
                                        

Ilang araw pa ang lumipas at tuluyang umayos ang aking pakiramdam ngunit kahit kailan ay hindi ko makakalimutan ang pangyayaring iyon sa aking buhay.

Hanggang ngayon ay wala pa rin akong pinagsasabihan nito pero nagtataka ako noong ibinalik ko nung nakaraang araw ang tupperware kila Aling Susan ay ganoon pa rin ang tingin ni Nikko, walang buhay ang mga mata nitong tumititig sa akin. Hindi kaya may alam ito sa nangyari? Alam kong posibleng may alam ito dahil siya siguro ang bumuhat sakin mula sa damuhan na iyon papunta sa kanilang bahay.

Nanakit ang ulo ko kaya naman itinigil ko ang pagiisip nang kung ano ano.

Araw ngayon ng miyerkules kaya naman payapa ang aking buhay. Wala dito ang dalawa kong kapatid dahil nasa paaralan sila ngayon. Ang ama ko naman ay kasama ng aking tiyuhin sa kabilang baranggay at ang inay naman ay naglalabada kila Aling Susan.

Pinagmasdan ko ang sarili ko sa aming lumang salamin. Hindi naman ako pangit, hindi din naman ako sobrang gwapo. Masasabi kong tama lang ang itsura ko. Hindi man katangusan ang ilong ko pero alam kong bumagay ito sa akin.

Ang balat ko naman ay kayumanggi. Noong bata ako ay babad ako sa kakalaro, kahit tanghaling tapat ay nasa galaan ako. Kaya naman tinatawag ako ni Nikko at ng mga kalaro ko noon ng "Sunog" dahil nangitim ako kakalaro.

Mabuti nalang ay medyo pumusyaw na ang kulay ng aking balat nang magbinata ako. Hindi ko alam doon sa apo ni aling susan kung bakit hanggang ngayon ay tinatawag akong sunog.

Pagtingin ko sa orasan ay mag aalas dose na ng tanghali. Naisipan kong puntahan ang aking inay sa bahay nila aling susan at para kausapin na rin si Nikko tungkol sa nangyari.

***

Naabutan kong nagkukwentuhan si inay at ang lola ni Nikko. Nakasampay na rin ang mga damit sa bakuran nila.

"O em-em, sinarado mo ba ang bahay nung umalis ka?" tanong ng aking ina

"Opo nay, Aling Susan, nasaan po si Nikko?"

"Nasa kwarto nya ata iho, katukin mo nalang" pagkasabi nito ay agad akong nagtungo sa kwarto ni Nikko.

"Nikko... Nikko nandyan kaba?" pagtawag ko. Narinig ko ang yabag mula sa loob senyales na nandito ito.

"Ginagawa mo rito?" tanong nito na nakakunot ang noo.

"Pwede ba tayong mag usap?" imbes na sumagot ito ay tinitigan lang ako nito. Ngayon sigurado na akong may alam ito sa nangyari. Nang makaupo ako ay agad ko itong tinanong.

"M-may alam kaba s-sa nangyari saakin noong n-nakaraan?" nauutal at kinakabahan kong tanong. Naguluhan ako nang bigla itong ngumisi.

"Ahhhh... yoon ba. Bakit ano bang nangyari sayo?" balik na tanong nito. Hindi pa rin nawawala ang ngisi sa labi nito.

"Pinags-samantalahan ako ng d-dalawa mong kaibigan" pinigilan kong maiyak. Bilin sa akin ni itay na huwag daw akong iiyak sa harap ng ibang tao bukas sa kanila.

Nagulat nalang ako bigla itong humalakhak.

"HAHHAHAHHAHAHA, NAGPAPATAWA KABA? MGA KAIBIGAN KO? PAGSASAMANTALAHAN KA? HAHAHAHAHAHHA.. HANAP KA NANG MAUUTO MO"

Hindi ako makapaniwala sa sinagot nito. Nag unahan ang mga luha ko sa pag patak. Tawa pa rin ito nang tawa hanggang ngayon. Akala ko maiintindihan nya ako dahil sa kababata ko sya, ngunit mali pala ako.

"HINDI BAKLA ANG MGA KAIBIGAN KO ULOL, PUTANGINA PINAGSAMANTAHAN DAW SYA HAHAHHAHAHAH" patuloy na pangungutya nito. Tumigil ito sa pagtawa at unti unting lumapit. Nakatayo sya ngayon sa aking harapan at hindi ko inasahan ang mag sumunod nitong sinabi.

"O baka naman inakit mo sila, Mark?" pagkasabi niyang iyon ay bigla ko itong nasuntok sa mukha.

BLAAGG!!

Huli na nang maisip ko kung ano ang ginawa ko.

"Nikko pasensya, hindi ko talaga sinasadya" paghingi ko ng paumanhin ngunit di pa rin ito nagsasalita

"Hindi ko talag-..N-Nikko a-aray, hindi ako makah-hinga Nikko" Bigla akong sinakal nito. Putok ang labi nito dahil sa suntok ko.

Sobrang dilim ng awra ngayon ni Nikko, anumang oras ay maaari akong mamatay.

"Bi-bitawan mo a-ako" hindi pa rin ito natitinag. Pilit kong inaalis ang kamay nitong nakasakal sakin. Hindi ko na maramdaman ang sahig dahil iniangat ako nito.

Kaunti nalang ang hangin sa aking baga, hindi na ako makahinga nang ayos. Pipikit na sana ako nang bitawan ako nito at bumagsak sa sahig.

"P-patayin mo ba a-ako?" tanong ko dito habang hinahabol ang hininga ko. Tiningnan lang ako nito habang ako naman ay ubo nang ubo.

"Umalis kana" agad akong lumabas pagkasabi nito. Hindi ko na ito tiningnan dahil natatakot ako.

Wala na si aling susan at inay nang makalabas ako ng kwarto, siguro nasa likod bahay ang dalawa. Nagmadali akong umuwi.

Nagtataka ako bakit bukas ang pinto, pagtingin ko ay ang aking ama lang pala.

"Anong nangyari sayo? bakit ang putla mo ata" idinampi niya ang kanyang kamay saking noo at leege upang tingnan kung may lagnat ako.

"Ayos lang ako tay, sa init lang siguro ng panahon"

"Mabuti kung ganoon, magsaing ka nga muna at medyo gutom na ako"

Tumango namang lamang ako at hinugasan na ang kaldero para mag saing

***

Nagwawalis ako ngayon nang pumasok ang nagmamadali kong ina

"Nagmamadali ka ata nay, saan ka pupunta?"

"Sa school ni Jayson, tinext ako ng teacher nito dahil nakipag away daw"

"Sya nay ingat kayo, magdala ka ng payong at mainit sa labas"

"Sige em-em, ikaw muna bahala dyan. Alis na ako"

Nakong bata yan, ano naman kayang rason at nakipag away ito. Kung kailan nagbibinata saka tumitigas ang ulo. Lagi namang binibilinan ni inay at itay na wag nalang pumatol bagkus isumbong ito sa guro. Pinagpatuloy ko ulit ang aking pagwawalis at pupunta ako pagkatapos kay Ka Martin upang kausapin ito.

Untold (BL) (OnHold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon