Chapter 20

83 7 4
                                        

Lumipas ang ilang araw ay nailibing na si Ka Edgar. Simula noon ay parang bumait ang kanyang asawa, hindi ko alam kung bakit pero medyo nag iba ang pakikitungo nito. Noong nakaraang araw naabutan ko silang nag uusap ni inay, nagtatawanan pa ang dalawa. Lumalabas labas na rin ito ng kanilang bahay.  Sana magtuloy tuloy na ang pinapakita ng ina ni Janna.

Tungkol naman sa plano namin nila Nikko, napaaga ang pagsundo dahil atat na atat na daw ang lola ni Adrian na pumunta. Nandito ngayon sa bahay namin ang maglola dahil hindi naman pwedeng doon matulog sila, edi nabuking ang plano. Nahihiya pa nga ako dahil sa itsura ng bahay namin, pero sabi naman ni Aling Cecil ay ok lang naman daw. Bale doon muna natutulog sila inay at itay kila Nikko, naghahanda na rin sila nga mga gagamitin sa birthday ng matanda.

Sa ilang araw na panamalagi dito nila Adrian ay nakilala ko na rin ang mga ito. Nasabi ni aling Cecil na takot daw sa bulate itong apo niya. Kaya tuwing pinagtitripan ako non ay naghahanap talaga ako para ipangganti sa kanya.

Nakilala na rin Adrian si Janna, goodnews at hindi na ako pinagtitripan ni Adrian sa gusto gusto nayan. Badnews lang na nagkakamabutihan sila ni Janna, haha sakit. Iba rin ang tingin ni Janna sa hudas na yon, kung paano ko sya tingnan, ganon sya kay Adrian. Akala ko pa naman may chance ako sa kanya.

Sinabi ko kay adrian na mukang nagkakamabutihan ang dalawa tapos ang sabi lang sakin ay "Edi ayos" sabay ngiti. Parang timang din to eh, hindi ba sya magagalit kase may gusto sya don sa babae?. Magpinsan nga talaga sila.

"Ganda talaga niyang kapitbahay niyo ano, napaka bait pa. Sa tingin mo ba Mark, may pag asa ako don?"

"Sa tingin ko naman ay meron, mapera ka naman, si Janna ganon din, parehas kayong may itsura at mabait kaya sa tingin ko magiging kayo." kung pwede lang sabihin na akin yang si Janna ay gagawin ko. Malas mo talaga Em-em.

"Mark, yung sinabi ko noong nakaraan, kalimutan mo na ha. Lakas lang talaga trip ko that time hehe"

"Wala yon nukaba, basta wag mong sasaktan yon ha. Kung hindi, nakikita mo ba tong muscles ko??" pananakot ko dito.

"Wag kang mag alala boss, ako bahala dyan"

"Siguraduhin mo, isusumbong kita kay ka Edgar"

Mukhang dito na talaga mapuputol ang paghanga ko kay Janna, move on nalang Mark. Bukas na pala ang birthday ni aling Susan, libangin ko nalang sarili ko para di ko na isipin ang isipin.

"Kamusta naman po kayo aling Cecil dyan, ayos naman po kayo dyan? pasensya na po sa bahay namin"

"Ayos lang kami Myrna, kababait ng anak niyo. Halatang may pinagmanahan"

"Nambola pa kayo, o nak, tamlay mo ata?"

"Wala to nay, medyo antok lang po"

"Gusto mo bang pumunta kila Nikko nak? nandon din si Adrian"

"Tambay lang ako nay kila Nikko"

"Sige nak, makikipag kwentuhan muna din ako dito kay aling Cecil hahahha"

***

Nakahiga ngayon ako dito sa kwarto ni Nikko, nandito din si Adrian na nag gigitara, si Nikko naman ay nagdodrawing nang kung ano ano.
Kung nagtataka kayo kung paano nakakapunta si Adrian dito kila Nikko, ang pakilala kase nitong kumag na to sa kanyang lola ay tropa.

"Sabihin ko pala kay lola na lumipat kami dito, para malapit na rin sa inyo Nikko"

"Ayos yan" hinayaan ko nalang ang dalawa na mag usap. Nagmuni muni nalang muna ako.

"Kelan ba pasukan niyo, pagnakahanap kami ng bahay ay dito na rin ako mag aaral. Gusto niyo bang sumabay sa pagbili ng school supplies? pag nagkataon kasama ko si Janna" ako dapat ang kasama niya, bakit biglang nagbago isip non.

"Mga pre, may ikukwento ako, diba ok kami ni Janna" pahili amputa "May nangyari na sa amin HAHAHAHHAHAHAHAH, grabe mga pre, ang sikip niya tapos ang laki pa ng ded-"

"Pwede ba, manahimik kang tanga ka?!" napanting akong tenga ko sa pinagsasasabi ng hayop na Adrian to.

"Bakit, nandidiri kaba? bakla ka siguro no? HAHAHAHAHAH"

Nilapitan ko ito at kinuwelyuhan. "Sinong bakla?" angil ko.

"Chill pre, di ako lalaban" hindi ko pa rin sya binibitawan, tinitigan ko ito sa mata at lumaban din sya ng titigan.

"Pwede ba magsitahimik kayo?!, kung gusto niyi mag away, dun kayo sa harapan" saway ni Nikko

"Pagsabihan mo pre yang kaibigan mo, bigla biglang sumusugod"

"Maghawak kayo ng kamay" ano na naman kayang naiisip nito.

"Ayoko" sabay naming sabi ni Adrian.

"Ok sige, madali naman akong kausap. LOLAAAA!! NAGAAWAY SIL--"

"Ito na nga kase, daming alam neto." hinawakan ko ang kamay ng hudas na Adrian na to. "May nakakatawa ba?" tumatawa pa amputa.

"Wag kayong maghihiwalay hanggat di kayo nagkaka ayos" putakte naman.

"Boss Nikko naman eh, sinabihan akong bakla"

"Ikaw nga dyan eh, init ng ulo mo"

"Magsisihan pa kayong dalawa, baka gusto niyo itali ko payang mga kamay niyo? away kayo nang away eh birthday na ng lola bukas"

"Sorry na, hindi na mauulit" ako na nagpakumbaba. Hindi kase manahimik nalang, kung ano ano pa kinukwento.

"Sorry din, bat kaba galit"

"Wala"

"Timo Nikko, galit na naman" tiningnan ko ang may pakana ng lahat, ampota nagpipigil ng tawa ang kolokoy.

"Hawakan mo sa kamay yang kumag nayan, kikilitiin ko" bulong ko kay Adrian.

"Hoy ano yang pinag uusapan niyo, lumayo nga kayo sakin. Isusumbong ko kayo kay lola. LOL--" binusalan ng panyo ni Adrian sa bibig si Nikko.

"HMMMMPPPPP!!!!"

"Taena mo, patawa tawa ka. Ito ang sayo" pinagkikiliti ko sa tagiliran at paanan. Parang bulateng nilagyan ng asin ngayon si Nikko, tawa kami nang tawa ni Adrian. Ayan ang napapala niya.

Akala ni Adrian nakaligtas siya, eh bago ako pumunta dito nanlimot ako ng bulate HAHAHA.

"Adrian, ano yang nasa balikat mo?"

"WAHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!" nagtatatalon at nagsisisigaw sya sa takot habang ako naman ay tawa pa rin nang tawa.

"ISUSUMBONG KITA SA LOLA HUHUHU" naiyak na si Adrian HAHAHAHAHHAHA.

Masama akong tiningnan ng dalawa. Bago pa man ako mahuli ay tumakbo na ako palabas. Nakaganti din sa dalawang asungot na yon HAHAHAHAHHA.

Untold (BL) (OnHold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon