Chapter 2

307 25 0
                                        

Malapit nang magdilim nang ako ay magising. Naalala ko na kailangan ko pa pumunta kay ka Martin para kunin ang balot na ilalako ko. Kaya dali dali akong nag ayos ng aking sarili.

***

"Nay, alis po muna ako, punta lang ako kila ka Martin. Pakisabi nalang po kay itay na baka abutin ako ng madaling araw sa paglalako ng balot" pagpapaalam ko.

"Sige nak, mag iingat sa daan, gabi na"

Pagkalabas ko ay naramdaman ko agad ang malamig na simoy ng hangin, tumingala ako at pinagmasdan ang bilog na bilog na buwan. Napaka ganda.

Ilang buwan nalang ay malapit na ang pasukan kaya kailangan ko lalong magsipag pa. "Kaya ko ito" yan ang lagi kong tinatatak sa aking isip. Tuwing pinanghihinaan ako ng loob, biglang nagfaflash sa utak ko ang katagang yan at ang imahe ng pamilya ko. Sapat na silang rason upang magpatuloy ako.

Di kalayuan ay natatanawan ko na ang bahay ni ka Martin. Malapit sa bahay nito ang mga binatilyong nag iinuman at nagtatawanan. Habang papalapit ako ay nakita ko na kasama ang apo ni Aling Susan, busy ito sa paghithit ng kanyang sigarilyo.

Isa sa pinaka ayaw kong makasalubong ay ang barkadahan nila Nikko. Masyado silang magugulo at maiingay. Kaya tuwing nakikita ko sila ay pilit kong iniiwasan ang mga ito at sa kabutihang palad ay hindi pa ako ginugulo ng mga kaibigan ni Nikko.

Pagkapasok ko sa gate nila ka Martin ay nakita ko itong abala sa pag aayos ng mga balut.

"Ka Martin, maganda gabi po. Nasaan na po ang ilalako ko?"

"Mark nandiyan kana pala, ito ang ilalako mo, trenta piraso yan" sagot niya saakin habang inaabot ang basket.

"Sige po, una na po ako ka Martin"

"Sige iho, mag iingat ka dahil gabi na. Siya nga pala, may naririnig akong nagtatawanan, dumaan ka doon iho para maubos mo agad yan"

"Sige ho, salamat po" tanging sambit ko. Kung minamalas nga naman pero may punto naman ang matanda, baka bumili sila at para maubos agad ang paninda.

Pagkalabas ko ng gate ay agad kong tinungo ang nag iinuman.

"BALOOOOTT!!"

"Balot mga boss?" alok ko sa mga kaibigan ni Nikko. Saglit akong tiningnan ni Nikko at agad ibinaling ang kanyang paningin sa mga kaibigan nito.

"Oh balot daw kayo, magkano isa?" tanong nung lalaking katabi ni Nikko

"25 isa boss"

"Malinis kaba este yang mga balot mo?" tanong ulit nito

"Oo naman boss, bagong luto rin yan" sa sagot kong yoon ay nagtawanan ang mga ito. Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon ang reaksyon nila eh wala naman akong nakikitang mali sa sagot ko.

Tiningnan ko si Nikko, nagulat ako nang makitang seryosong seryoso itong nakatitig sakin. Hindi ko alam kung matatakot ako sa titig niyang iyon o hindi.

Sinabihan ako na bigyan ko raw sila ng anim na balot at dalawang chicharon. Yumuko ako upang kunin ang mga ito. Bigla ulit silang nagtawanan sa hindi ko alam na rason.

"Tambok ahhh!!, pwedeng pwede mga tsong" nagtawanan ulit sila matapos sabihin iyon ng lalaking nasa kanan ko.

"Huwag yan mga brad" narinig kong sabi ni Nikko. Tiningnan ko ulit ito ay seryoso pa ring nakatitig sakin.

Gulong gulo na ako sa kung ano ang pinag uusapan nila. Tumawa na sila nang tumawa habang si Nikko naman ay nakatitig pa din sa akin. Sobrang nawiwirduhan na ako sa kanya.

Pagka abot sa akin ng bayad ay agad na akong umalis. Napangiti ako dahil hindi na nila kinuha ang sukli at may maiihulog na ulit ako sa aking alkansya.

Ilang bahay pa ang aking inikutan at naubos ko ang aking paninda. Tuwang tuwa kong tinatahak ang bahay nila ka Martin. Pagka pasok ko sa gate nila ka Martin ay naabutan ko pa si Joseph na nag aabot ng kanyang napagbentahan. Bakas sa mukha nito ang tuwa siguro dahil naubos din nito ang kanyang inilako.

"Maraming salamat ka Martin bukas ulit, una na ako" pagpapaalam nito.

"Sige jepoy, ingat sa daan. O Mark kamusta ang benta" tanong nito saakin

"Sa awa ng diyos ay naubos Ka Martin" iniabot ko sa kanya ang lahat ng napagbentahan. Kinuwenta namin at ang lahat ng labis mula sa di kumuha ng sukli ay ibinibigay nya saakin. Bukod pa dito ang perang ibinibigay nya para sa paglalako ko.

"Aba aba nakarami ka yata ahhh" komento niya. Napangiti na lamang ako dahil malaki laki ang maiiuwi ko ngayon. Iniabot na nya sakin ang liman
g daan bilang kita ko.

"Maraming salamat ka Martin, sa isang araw po ulit" pag palaalam ko

"Sige iho, umuwi kana, mag iingat ka at medyo madilim ang pauwi sa inyo"

Lumabas na ako ng gate at laking tuwa ko na hindi na gaanong malakas ang ingay mula kila Nikko. Sa isip isip ko ay baka nagsiuwian na ang iba.

Nagmadali ako sa paglalakad para makauwi agad. Nang madaanan ko ang nag iinuman at tama nga ako, nagsi uwian na ang iba pero nandoon pa rin si Nikko. Narinig ko pang nagpaalam yung dalawa na iihi sila.

Mas binilisan ko pa ang lakad ko dahil sa may kalayuan ang aming bahay. Ang saya ko ngayon dahil malaki ang maiibigay ko sa aking mga magulang, makakapag ulam kami bukas nang masarap.

Habang nagmumuni muni ay nakaramdam ako ng takot. Pakiramdam ko ay may sumusunod sa akin. Tinakbo ko na ang ang daanan patungo sa aming bahay at hanggang sa

"HHMMPPPPPP" tanging impit nalang ang tunog na nagawa ko dahil may kamay na nagtakip ng aking bibig. Masyado itong malakas kaya napigilan ako nitong sumigaw.

Halo halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Natatakot ako na baka hindi na ako makauwi nang buhay. Naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ako makalaban.

"HMMMMPPPP HHMPPP" Nagpumiglas ako at pilit kong sinusuntok ang mukha ng lalaking nakatakip sa aking bibig. Sinubukan kong ding sikuhin ang tagiliran nito.

Napasinghap nalang ako dahil sa isang malakas na suntok ang natanggap ko sa aking tiyan. Napaluha ako sa sobrang sakit. Napatigil ako sa pagpilas dahil nanlambot ang buo kong katawan.

"Bibigay din naman pala" nagulat ako dahil pamilyar ang boses na ito. Inisip ko kung kanino ito hanggang sa mapagtanto ko na ang lalaking ito ay isa sa kabarka ni Nikko, yung nagtanong kung magkano ang balot.

Patuloy pa rin ako sa pag iyak dahil sa naghahalong takot at sakit. Habol habol ko pa rin ang hininga ko dahil sa malakas na suntok.

Inihiga ako ng lalaking may dala sa akin sa damuhan. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Di na rin ako makalaban dahil sa sakit ng aking tiyan.

Takip pa rin ng lalaking di ko kilala ang aking bibig, pero nakakasigurado akong kabarkada din ito ni Nikko.

Untold (BL) (OnHold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon