Ilang araw pa ang lumipas at natapos na ang buwan ng Pebrero. Malapit na rin ang pasukan. Balak ko mamaya na basagin ang alkansya ko at bilangin ang naipon kong pera. Magtatanong tanong din ako sa kapitbahay naming si Janna ng mga kakailanganing gamit sa Grade 10.
Kasalukuyan akong nakapila sa igiban ng tubig. Pinag igib ulit ako ni Aling Susan. Kanina bago ako umalis sa kanila ay binilinan ako nito na pumunta sa ika siyam ng marso dahil kaarawan ng apo nito. Nag aalangan ako kung pupunta ba ako o hindi, natatakot parin ako kay Nikko. Natatakot ako na baka may gawin na naman itong hindi maganda lalo at sigurado akong malalasing ito. Natatakot ako na baka pumunta rin ang mga kabarkada nito at maulit ang pananamantala nila sakin. Pag iisipan ko nalang kung pupunta ba ako o hindi.
Matagal tagal na rin simula nung iwasan ko si Nikko, pero ang ikinagulat ko ay ang pagbabago nito. Unti unti siyang lumalapit sakin, na para bang bumabawi. Tinatawag na ulit ako nitong "Sunog" tulad nang nakasanayan nyang itawag saakin. Mahirap mang aminin pero gumagaan na ulit ang loob ko sa kanya.
"Kuya ikaw na ang magtutungga" sabi ng isang batang babae sakin. Kakamuni ko ay hindi ko na namalayan na ako na pala ang susunod.
***
"Dito kana kumain sunog, hindi kita pababayaran kay lola pag humindi ka" napatawa nalang ako sa pabirong banta niya.
Wala dito ngayon ang lola nya, nabili siguro ng sangkap para sa lulutuing ulam. Kaming dalawa lang ngayon sa bahay. Pagkatapos nyang sabihin yon ay di na ulit ito umimik. Nakabibinging katahimikan ang namag-itan samin. Wala akong balak umimik dahil wala naman akong naiisip na sabihin. Hanggang sya na ang bumasag ng katahimikan.
"Pasensya" sabi nito.
Inangat ko ang paningin ko at kita ko sa mukha niya ang sinseridad sa paghingi ng tawad.
Sa pagkakataong ito ay sigurado na ako na bigyan siya ng pangalawang pagkakataon at para buohin muli ang pagkakaibigan namin.
"Nukaba, ayos lang yon boss Nikko. May kasalanan din ako, pasensya kana" ngumiti ito saakin at ginulo ang buhok ko.
"Laki na ng nagbago sayo sunog ahh. Dati patpatin at ang itim mo pero ngayon pumusyaw kana at lumaki na ang katawan mo kakabuhat ng balde ng tubig."
"Ikaw nga boss dati ang liit mo at uhugin, tingnan mo ngayon katangkad at gwapings na"
"Para mo na ring sinabi na ang pangit ko noon" nakasimangot na sagot nito.
Natawa ako sa reaksyon nito. Nagkwentuhan pa kami nang kung ano ano at inalala ang mga pinag gagagawa namin nung kami ay bata.
***
Hapon na nang mapagpasyahan kong umuwi. Napahaba ang kwentuhan namin nila aling Susan at Nikko. Nabanggit ko rin sa kanila na mag aaral ako ngayong darating na pasukan. Natuwa silang dalawa kase makakabalik na ulit ako sa pag aaral. Si Nikko pala ay tumigil din sa pag aaral. Kaya nagtataka ako bakit mahigit isang taon na itong hindi napasok. Sabi ng lola niya ay tinamad daw ito at kahit anong pilit ng matanda itong pag aralin ay ayaw daw. Walang nagawa si Aling Susan kundi ang hayaan nalang ito.
"Maraming salamat po aling susan sa pagkain at ulam" pagpapasalamat ko dito
"Walang anuman iho. Nga pala, sabihan mo na rin ang magulang at kapatid mo na pumunta sa 9"
"Sige po, Salamat po ulit. Una na po ako aling susan at boss nikko" Pagpapa alam ko. Hindi pa man ako nakakalayo nang sumigaw ito.
"YUNG TUPPERWARE HAAA!!" Natawa nalang ako dito at umuwi na ng bahay.
***
"Ayos ayusin mo Irish ang pagbabasa. Grade 4 kanang bata ka, puro paglalaro inaatupag mo" naiinis na sabi ni inay sa umiiyak kong kapatid.
Sa edad na 38 ni inay ay napakaganda pa rin nito. Hayskul lang ang natapos ni inay kaya minsan ay siya ang nagtuturo magbasa sa aking mga kapatid, minsan ako. Si itay naman ay 41 na pero bakas pa rin ang katikasan ng katawan nito.. Hayskul lang rin ang natapos niya.
"Ang ba-ba-e ay na-ka-ta-yo" pagbasa ni Irish
"Jusko kong bata ka! Saan mo naman nakuha ang nakatayo?? Kita mong nakatayo ang babae kaya ang basa mo ay nakatayo? Irish ayusin mo malilintikan ka talaga sa akin" lalong lumakas ang pag iyak ni Irish. Kami naman nila itay ay napatawa nalang sa dalawa
"Makatawa Jayson akala mo di nahirapan bago matuto magbasa ahhh" kantyaw ko dito.
"Tay timo si kuya em-em nangkakantyaw" tinawanan lang kami ni itay habang abala sa paguluto ng aming hapunan.
Ang saya ko ngayon. Kaso ang sayang ito ay alam kong panandalian lamang.
***
"Jayson kumuha kana ng mga plato at kutsara, Mark tawagin mo nga yang si Irish sa harapan sabihin mo kakain na" utos ni itay
"Hoy Irish kakain na, puro ka paglalaro. Sumbong kita kay inay, di kana nadala kanina eh"
"Nyenyenyenye" aba ang batang ito.
Habang kumakain kami ay naalala ko ang sinabi ni Aling Susan.
"Nay, tay, sabi nga pala po ni aling susan, punta raw tayo sa kanila sa 9. Birthday po ni Nikko"
"Anong araw ba yan? Baka kase di ako payagan nak ng amo na lumiban, eh hapon pa naman ang uwi ko"
Hindi ko nga pala nabanggit na natanggap si inay sa isang malaking tindahan sa kabilang barangay, kaya
minsanan nalang siya tumanggap ng labada, kay aling susan nalang ang tinatanggap nya. Si itay naman ay alam kong makakapunta dahil tanghali lagi ang uwi nito.
"Nay, huwebes ang 9"
"Nako nak baka di ako payagan ng amo ko, tapos ang mga kapatid mo ay pasok ng araw na iyon" oo nga pala, nawala na sa isip ko na may pasok mga ito.
"Tanong mo nalang Mark kay aling susan kung anong oras sila magluluto. Tutal tanghali naman ako nauwi baka makatulong ako sa kanila" sabi ni itay.
"Sige tay, tanong ko bukas"
BINABASA MO ANG
Untold (BL) (OnHold)
Ficción GeneralPaano kung kailan tanggap at handa kanang magsabi ng iyong nararamdaman ay tsaka magbabago ang lahat? Yung taong akala mong iingatan at mamahalin ka ay ang magiging sanhi ng pagdudusa at paghihirap mo. Samahan natin ang bidang si Mark na harapin an...
