Chapter 11

148 11 0
                                        

NIKKO

Hindi ko alam kung paano ako magpapasalamat kay Mark, mula sa pagtulong niya sa amin ni lola hanggang sa pangungumbinse nya saaking mag aral muli. Balak ko sanang sabihin na kay lola na mag eenrol ako ngayong taon kaso naalala ko na malapit na rin ang birthday niya at maganda itong regalo.

Simula pa lang nung bata ako, lagi akong pinaaalahanan ni lola na mag aral ako nang mabuti at pilitin kong magtapos. Kahit gustuhin ko mang makatapos, mas malakas ang pwersa ng katamaran sa katawan ko kaya napatigil ako nang wala sa oras. Sobrang nagalit saakin noon si lola, halos isang linggo rin akong hindi kinausap non.

"La, punta lang ako kila Mark"

"Hindi pwede, tulungan mo muna ako"

"La naman eh, pede namang bukas yan. Kami na bahala ni Mark diyan"

"Magtigil ka dyang bata ka" haysss lola naman eh.

Speaking of Mark, hindi pa rin mawala sa isip ko ang paghalik niya saakin. Alam kong biro lang yon para sa kanya, pero saakin big deal yon. Unang halik ko at makukuha pa talaga ng taong aking hinahangaan. Nagkunwaring nandidiri ako baka kase paghinalaan ako non at lumayo pa akin.

Grade 7 nang magkaroon ako nang kakaibang nararamdaman sa kanya. Oo mahirap mang paniwalaan na nagkagusto ako sa kanya pero wala eh, mapaglaro ang tadhana. Alam ni lola na silahis ako at hindi naman sya tutol dahil di naman ako naging sakit ng ulo sa kanya, maliban nalang sa katamaran kong pumasok hehe.

Lahat ginawa ko na mapalayo sa kanya kase natatakot ako sa sasabihin niya at ng iba. Sinubukan kong pigilin ang nararamdaman ko kaso malakas talaga ang tama ko kay sunog. Hindi niya alam na gusto ko sya at silahis ako. Wala rin naman akong balak pang sabihin sa kanya, siguro sa tamang panahon?.

"Diyo ko pong bata ka, Nikko sabog kaba? nginingiti ngiti mo dyan? Sabi ko buhatin mo yung kahon. Kabataan talaga"

"Ito na nga la oh"

***

Nakatihaya ako ngayon sa aking kama habang iniisip si sunog. Yung lambot ng labi niya, yung amoy niya. Punyeta tuluyan na yata akong nababakla.

Nakokonsensya ako sa mga nagawa ko sa kanya, dun sa mga masasakit na salita hanggang sa pagbuhatan ko sya ng kamay. Yung ayokong nakikita siyang nasasaktan pero ako mismo sinasaktan ko siya. Kaya noong binigyan niya ako ng pangalawang pagkakataon ay hindi ko ito inaksaya.

Nang malaman ko na tunay ngang pinagsamantalahan ng dalawa kong kaibigan si Mark, ipinangako ko sa sarili ko na poprotektahan ko siya at hindi ko hahayaan na maulit ang nangyari sa kanya. Sigurado akong walang pinagsasabihan ang sunog na yon dahil ayaw non ang may nadadamay o kaya naman ay kaawaan siya. Kahit gustong gusto kong sabihin kay lola ang nangyari ay itinikom ko nalang ang aking bibig.

Habang tumatagal ay lumalala ang nararamdaman ko kay sunog. Ewan ko bat di nakakahalata si ulaga sa mga ikinikilos ko, manhid ata ampota. Kung wala lang kaming pinagsamahan matagal na ako umamin eh. Ayoko lang itaya ang pagkakaibigan namin sa walang ka siguraduhang pag amin ko sa kanya.

"What if umamin ako sa kanya, what if gusto rin niya pala ako? edi araw araw niya akong ikikiss? ewwwwww ang corny mo Nikko" pagkausap ko saking sarili sabay taklob ng unan sa mukha.

"What if may nagugustuhan na sya?"

Nawala ngiti ko sa labi ko nang maisip ko ang posibilidad na yon at napaka imposible rin na magkagusto siya sa akin, bukod sa wala pa ata siyang balak magkaroon ng kasintahan, ay mas tuwid pa siya sa ruler.

Siguro dapat maging masaya nalang ako sa kung ano man ang meron sa amin ngayon. At least mas close na kami ngayon.

Nasa kalagitnaan ako ng pagmumuni nang marinig kong bumukas ang gate.

"Apo mga kabarkada mo" sigaw ni lola

Dali dali akong lumabas at sigurado akong sila John at Ryan na ito. Humanda sakin tong dalawa.

"Pre, belated happy birthday pala. Regalo ko"

"Pasensya pre medyo bus-, Aray tangina pre masakit" pinagsisipa ko silang dalawa HAHAAHHAHHA

"Ang usapan kahapon diba? Pota parang mga hindi kaibigan" patuloy ko pa rin silang sinisipa hanggang sa sawayin na ako ni lola, kj naman neto.

"Tangina pre sakit ng sipa mo, look oh" - Ryan

"Pabebe ampota, di bagay sayo ulol" - John

"HAHAAHAHHAHAHA, sya sya kayo ay kumain muna. Salamat pala sa regalo niyo"

"Nga pala pre, ano oras dumating si Carl kahapon?" - John

"Mga tanghali na rin, tas ang kupal umuwi din agad"

"Eh nasaan yung kaibigan mo, Mark ba yon?" - John

"Nasa kanila, mukang nagpapahinga ngayon. Sayang wala kayo kahapon, grabe mag ukitan at asaran si Carl at Mark. Akala mo matagal nang magkakilala"

"Alam mo naman yang si Carl, feeling close rin minsan yan eh. Diba pagnagala tayo, kung sino sino kakausapin niyan, ako na ang nahihiya para sa kanya" - Ryan

"Oo hayop, sarap batukan ng kupal na yon. Iwanan nga natin minsan o wag isama sa gala"

Sayang wala ngayon si Mark, di ko maipakilala sa mga kaibigan ko. Sana next time magkatyempuhan.

Alas syete na nang mapagpasyahang umuwi nila John at Ryan. Sinabihan ko silang mag uwi ng pagkain kaso wag na raw at hindi daw sila dederetso ng uwi sa kanila.

"Una na kami pre, bawi kami next time. Isama natin si Mark, inuman tayo."

"Salamat pre, pasabi kay lola salamat din"

"Mga hayop, tampo ako sa inyo. Di na ako magbibirthday next year"

"Tingin ng tampo pre HAHAHAAHAHA"

"Bahala kayo, ingat mga pre" kinawayan ko sila habang papalayo. Subukan namang di sila pumunta sa susunod na taon eh, gigilitan ko na sila.

Tulog na si lola kaya pagkatapos kong imisin ang mga kalat ay pumunta na rin ako sa kwarto para matulog.

Untold (BL) (OnHold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon