Chapter 24

39 2 0
                                        

"Nak, daanan mo ako bukas doon sa tindahan. May pa grocery yung amo ko"

"Baka naman mamaya nay may kapalit yan haaa"

"Ano kaba Em-em, mabait lang talaga yung aking amo. Natutuwa raw sya sa sipag ko"

"Sigurado ka nay ha, sige po dun po kami dederetso ni Jayson"

Di naman sa nagiinarte ako, gusto ko lang talaga makasigurado na ayos ang aking inay lalo at wala si itay ngayon.

"Nay punta lang ako kay Janna, makikihiram ng cellphone, tawagan natin ang itay"

"Sige nak, magluluto na rin ako ng hapunan. Tawagin mo pala muna yang kapatid mo, gabing gabi na naglalaro pa rin"

Pagka labas ko ay naabutan ko si Irish na nakikipag habulan. Jusko na bata ito parang hindi nakapaglaro sa school.

"Pumasok kana daw, pag naabutan pa kita sa labas, hindi kita papanoorin ng cartoon sa sabado" dali dali namang pumasok ang babaysot.

"Janna!!! Tao po!!" pagtawag ko sa tapat ng pinto nila

"Nako Mark wala dito, pasok ikaw"

"Hindi na po, tatanong ko lang po kung pwede makitawag po ulit sa inyong cellphone"

"Ay sige wait lang ha"

Tumingin tingin ako sa kalsada habang naghihintay. Di kalayuan ay nakita ko si Janna kasama si Adrian na naghaharutan. Nandyan na ang love birds.

"Oh ginagawa mo dyan sa labas, pasok ka Mark. Ma!!! nakauwi na ako. Bukas nalang ulit babe, ingat ka sa daan" at talagang nag kiss pa sa harap ko ang dalawa.

"Ikaw rin, ingat ka dyan kay Mark. Alis na ako babe" kumindat pa sakin ang ulupong bago umalis.

"Pagpasensyahan mo na yun Mark ahh, siraulo lang minsan HAHAHHAH. Sure kabang dyan kalang?"

"Ayos lang, nahiram lang ako sa mama mo ng cp, tawagan lang namin si itay hehe"

Mas lalong gumanda si Janna, iba talaga pag inlove. Mabuti nalang at naka move on na ako HAHAHAHHAHHAAH. Medyo malamok na rin sa labas kaya pumasok na ako sa loob. Katapat ko ngayon si Janna na walang tigil sa kakakwento ng relasyon nila ng Adrian na yon.

Nakakatuwa lang na kahit ang harot nilang dalawa ay hindi nito hinahayaan na umikot lang ang kanyang mundo sa lalaking yon bagkus ay kakikitaan talaga ito ng pagpupursige sa pag aaral, ewan ko nalang sa kanyang jowa na walang inatupag kundi ang mangulit at matulog sa room.

"Pasensya na Mark ha, may inasikaso lang ako. Ito ang phone, balik mo nalang after niyo gamitin. Ikaw Janna maghain kana don, hindi puro ka kakulitan"

"Ma naman eh, dito kana kaya kumain Mark?"

"Nako salamat nalang Janna, uuna na po ako tita. Balik ko nalang po agad, salamat po!"

Pagkauwi ko ay nakahanda na ang pagkain. Dinial ko na agad ang number. Ring lang nang ring ang cellphone sa kabila, busy ata ang aking itay. Makailang ulit ko pang tinawagan ay wala talaga.

"Nay, di sumasagot ang itay, busy ata" sabi ko kay inay. Mukhang nag aalala iyo dahil tuwing natawah kami ay sinasagot ng itay.

"Bukas nalang siguro natin tawagan nak, itext mo at kamustahin mo nalang" pagkatext ko ay kumain na kami.

Pagkatapos kumain ay niligpit ni inay ang pinag kainan at tinulungan ko naman ang dalawa kong kapatid sa kanilang mga assignment.

"Jayson, kaya mo na naman yan, tinatamad ka lang eh" kainis tong batang to, daling dali ng assignment.

"Sumbong talaga kita kay inay, sige ka kuya"

"Bahala ka nga, kunin mo nga don yung pambura sa bag ko" wala na akong nagawa kundi gawin ang assignment ng batang to.

"Ikaw naman Irish, ano pipikit pikit kana dyan, nay oh, pagod na pagod sa paglalaro kanina" balikwas naman ang babaysot sa pagkakaupo.

"Garne ang gagawin Irish ha, makinig ka, pipili ka ng angkop na salita dyan sa box para mabuo mo yung sentence, naiintindihan mo ba?"

"Opo, tama ba kuya, ang pinili ko ay highest po, Allysa got the highest score in her class?"

"Ayan ganyan, mabuti nakikinig ka sa klase mo" kakatuwa at hindi lang puro laro ang alam ng kapatid kong are.

Nasa kalagitnaan ako ng pagtapos sa mga gawain ng mga kapatid ko nang may biglang kumatok. Tinawag ko ang inay dahil hating gabi na rin at baka kung ano pa ang mangyari samin pag binuksan agad namin ang pinto.

"Nay may tao sa labas" bulong ko

"Sino naman kaya yan, gabing gabi na oh, Jayson, Irish pasok kayo don sa kwarto dali!"

"Silipin ko nay" pilit kong sinilip sa maliit na siwang ang tao sa labas. Pamilyar ang bulto na ito ah kaso diko maaninag ang mukha.

"Ako nga sisilip nak"

Nagtataka ay binuksan ng inay ang pinto

"Kahit kailan talaga Manuel, bwisit ka. Jusko mahihimatay na kami ng anak mo sa nerbyos!" ang itay lang pala. Nagyakapan ang dalawa at nagsilabasan ang mga kapatid ko sa kwarto.

"Taaayyy!!" sigaw ni Irish. Kahit mukhang pagod ay binuhat ito.

"Mano po tay, Jayson tulungan mo nga ako dito sa dala ni itay"

"Bakit di ka manlang nagsabi na uuwi ka, tumatawag kami kanina. Pinag alala mo ako" mangiyak ngiyak na sabi ni inay.

"Surprise nga"

"Ewan ko sayo Manuel, kumain kana ba? may tira pa kaming pagkain dyan sa lamesa"

"Kumain kami bago umalis, sya nga pala may mga pasalubong ako dyan. Buksan niyo"

Puro laruang pambabae ang nakita ko, buhay na buhay na naman si Irish. Parang kanina antok na antok eh HAHAHAHA.

"Nak, Jayson, may sapatos dyan, nakita mo ba?? Di ko nga alam kung sakto sayo yan eh"

"Tay, kasyang kasya po, salamat po!"

"Ang dami ko na ulit laruan nay oh, bukas lalaro po kami dyan sa labas"

"Oo na, matulog kana don, maaga kapa bukas papasok. Kahihirap niyo namang gisingin dalawa"

"Ahh anak, em-em, pasensya na ha ito lang nakayanan ni itay" may inabot sakin si itay na box.

"Nako tay, ang mahal ata nito, hindi kopo ito matatanggap. Mas kailangan niyo po ito ni inay para makapag usap po kayo" ang alam ko mahal talaga ang cellphone.

"Alam mo nak, matagal na namin napag isipan mg iyong itay na pag ipunan ang cellphone lalo at nag aaral kana ulit. Madaya lang yang tatay mo at naunahan ako sa pagbili HAHAHHAHHA"

Napayakap nalang ako kay inay sa sobrang tuwa, di ko mapigilan ang umiyak dahil ramdam na ramdam ko ang kagustuhan nilang makatulong sakin na makapagtapos. Lahat ginagawa nila para mabigyan kaming magkakapatid na maayos na buhay.

"Maraming salamat po nay, tay, pagbubutihin ko po ang aking pag aaral" niyakap ako ni itay.

"Ang akin Manuel, ano pasalubong ko ha" pabirong banat ni inay.

"Dyan ka sa amo mo humingi"

"Hala lagot ka nay, nagseselos na ang itay HAHAHAHAHAH"

"BWISIT KAYONG DALAWAA"

Untold (BL) (OnHold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon