"Ang aga mo naman masyado boss, anong ganap ba?"
"Bakit ba ha, pakain ako hehe" timo, kaaga agang umalis di pa pala nakain.
"Nay, kakain daw po si Nikko, dyan kalang kuha kitang plato"
"Ok" senyorito talaga.
4:30 palang nandito na agad ang asungot nato, ganadong ganado pumasok. Tamang tama, magpapaturo akong gumamit ng cellphone dine kay Nikko.
"Boss, diba may facebook ka? pwede magpaturong gumawa?"
"Meron kaso di naman ako active don pero gawan kita. Sayo ba yang cellphone?"
"Oo, bigay ng itay kagabi, gamitin ko raw sa pag-aaral"
"Para updated ka, lalo at kadalasan ngayon sa chat na nag aannounce ng mga kaganapan sa ating room" ibinigay ko sa kanya ang cp, sinabi ko rin kay inay na sa kanya ko na iiiwan ang cp tuwing may pasok para di ako madistract.
"Kain ka muna boss, maya maya na natin asikasuhin yan. Kamusta pala ang iyong lola?"
"Ayos naman, namimiss nga ang pagtambay niyo don" tagal na rin pala nung huli kaming tumambay
"Mukang masaya sa classroom niyo sunog ahh, kung pwede nga lang magpalipat"
"Mukha bang masayang kaklase yang si Adrian, halos araw araw ako nyang binubwisit"
"Baka naman may crush sayo ayieeeeee"
"Alam mo, isa kapa"
"Joke lang syempre, sabay na tayo sunog umalis hehe ay oo nga pala, ok na ang facebook mo, bale ito ang account mo ito na rin ang password, sinulat ko na para matandaan mo"
"Ok, salamat"
"Hinay hinay lang sa pagfefacebook ha, baka mamaya puro amerikano na kachat mo HAHAHAHAHA"
"Add kita boss ha, iaccept mo agad ako. Nay, tay, una na po kami"
"Una na po kami"
***
"Mukhang matatahimik ako ngayong araw ahh" ngiti kong bulong sa aking sarili. Paano kanina pang wala si Adrian, pero nakakapagtakang liban ang taong yon.
"Hoy magsipasok kayo, papunta na raw si Ma'am"
"Alam mo ba ang chismis ngayon Mark?" tanong ng nasa unahan ko.
"Anong meron ba?"
"Si Adrian kase-"
"Anong chismis chismis yang naririnig ko? agang aga chismisan agad" natahimik nalang kaming dalawa. Nakapasok na pala si maam, nabitin tuloy ako HAHAHAHAH.
"Magsitahimik nga kayong lahat, ako ay hindi makakapagklase ngayon dahil may inaayos ako sa office tungkol kay Mr. Adrian"
"Ma'am ano pong nangyari" tanong ng isa kong kaklase.
"Wala, magbasa kayo dahil bukas magkakaroon tayo ng quiz. And please lang, wag kayong maingay dahil rinig sa office ang ingay niyo. Maliwanag ba? ikaw na bahala dyan president"
Medyo na curious ako sa nangyayari. Sigurado akong nakipagbasag ulo na naman ang taong yon. Si adrian paba?
"O pasaan ka naman Mark? kakasabi lang ni maam eh"
"Ahh iihi lang ako hehe" pero ang totoo sasagap ng balita HAHAAHA.
"Dalian mo ha!"
Nagpunta na rin akong cr dahil medyo naiihi na ako. Pagkapasok ko ay naabutan ko si Adrian na may mga pasa sa mukha. Masama ang tingin nito sakin.
"Anong nangyare sayo?" tanong ko. tumingin lang ito sabay labas ng cr. Napanganga na lang ako sa inasta ng taong yon. Ayan napapala nya, hilig nya makipag away.
Malapit na ako sa office nang matanaw ko ang lola ni adrian, mukhang seryoso nga ang nangyari. Medyo naawa naman ako sa lola nya dahil napapunta sya ng school nang wala sa oras. Grabe ang pagfofocus ko para lang marinig ang usapan sa loob kaso wala, hindi talaga marinig. Lumayas na ako baka maabutan pa ako ng teacher namin, mahirap na.
"Hoy sunog, ginagawa mo? lakwatsa pa more. Sumbong na talaga kita kay tita Myrna" oa din netong lalaking to.
"Gagi, nakita ko lola ni adrian, nacurious lang ako. Alam mo ba ang nangyari?"
"Nabastos kase si Janna dun sa kabilang kanto, edi ayun, nakipagsapakan si Adrian" ay kaya naman pala. Nahusgahan ko na naman agad si Adrian.
"Ay kamusta pala si Janna?"
"Di mo ba nakita dyan sa loob? nung nakasalubong ko ok naman sya. Si adrian ang inaalala nya" napatango na lang ako.
"Concern ka kay Adrian?" biglang banat ni Nikko. Sino ba namang hindi diba, kahit ganon yon kaibigan parin tingin ko don.
"Bat naman hindi? ikaw ba? diba pinsan mo yon, dapat concern karin sa kanya"
"Napapansin ko na medyo nagiging malapit kayong dalawa, linalandi mo ba sya Mark?" ano na namang banat to
"Ano bang pinagsasabi mo boss, parang ewan to eh"
"Pag nakita ko pang nasama ka dyan kay Adrian, malilintikan ka sakin. Naiintindihan mo ba?!" may halong gigil na sabi ni Nikko.
Wala akong ideya kung bakit ganto ang kinikilos ng taong to ngayon. Wala naman akong atraso sa kanya at ano bang pake nya eh parehas naman kaming lalaki, nasa mukha ko ba ang lumandi ng kapwa?
Iniwan akong tulala ni Nikko. Ni hindi na rin ako nakasagot sa kanya. Badtrip siguro yon, intindihin ko nalang. Ang ayos ayos naming dalawa kaninang umaga eh.
Kakauli at tambay ko ay inabot na ako ng tanghalian. Babawi nalang ako sa mga susunod na araw sa klase. Bumalik na ako ng classroom para kunin ang gamit ko.
"Hep hep hep, napuno naba ang cr ng ihi mo Mr. Manalo?" bungad ng presidente ng aming klase
"Nawala sa isip ko ang oras, bawi nalang ako sa sunod pres. Pahiram notes mo mamaya uwi ko sa bahay ha"
"Galing mo naman aber, pero dahil cute ka, sige hehe" madali naman pala tong kausap HAHAHHAHAHA.
Pagkakuha ko ng gamit at rekta agad sa canteen. Medyo mahaba ngayon ang pila kaya umupo muna ako para pahupain. Saktong tatayo na ako nang biglang may umupo sa aking harapan.
"Kumain ka" di ako makatingin ngayon sa mata ng kaharap ko dahil naiilang pa rin ako sa nangyari kanina.
"Salamat" kinain ko nalang ang inabot nyang pagkain nang matapos na agad ang usapan. Di ako makakain nang ayos dahil ramdam kong pinapanood niya ako ngayon.
"Pumunta ka mamayang hapon sa kwarto ko, may pag uusapan tayo" pagkasabi nyang yon ay tumayo na sya at umalis.

BINABASA MO ANG
Untold (BL) (OnHold)
General FictionPaano kung kailan tanggap at handa kanang magsabi ng iyong nararamdaman ay tsaka magbabago ang lahat? Yung taong akala mong iingatan at mamahalin ka ay ang magiging sanhi ng pagdudusa at paghihirap mo. Samahan natin ang bidang si Mark na harapin an...