MARK
"Ginagawa mo dito?" tanong ko sa taong prenteng nakaupo sa aking higaan.
"Alam kong namiss mo ang kagwapuhan ko sunog, ako na ang dumalaw" mambubwisit na naman si ulaga.
Katatapos ko lang maligo tapos itong kupal pa ang madadatnan ko at talagang nasa kwarto ko pa. Gabing gabi na pero layas ki layas pa rin tong taong to, iniwanan pa si Aling Susan sa kanila.
"Boss umuwi ka na nga, iniwan mo pa talaga lola mo sa inyo"
"OA mo, mag aalas otso palang pati di mo ba namiss ang mukha ko. Swerte mo nga sunog may gwapo kang kaibigan" nagpogi sign pa ang kumag. Lakas mambwisit talaga. Hindi talaga to nadadala sa akin eh, humanda ka ngayon.
Tamang tama katatapos ko lang maligo, naka underwear na ako, tingnan natin kung saan aabot yang kakulitan mo boss nikko.
Pagkabuhay ko ng ilaw sa kwarto ko ay nakita ko naman si kupal na nakatitig sa akin. Ang hayop nagnanasa ata HAHHAHAHAHAHHA.
Tinanggal ko ang tapis sa katawan ko at kita kong napa tulala naman si Nikko sa aking ginawa. Unti unti kong ginapang ang kama ko papalapit sa umaatras at walang imik na si Nikko.
"Bakit ang pula ng mukha mo?" akmang hahaplusin ko na ang mukha niya nang tinulak ako nito at tumakbo palabas habang nakataklob ang kamay sa mukha.
"HAHAHAHAHAHHAHAH" di ko maiwasang matawa sa naging reaksyon nya. Sobrang pula ng mukha, akala mo kamatis na eh.
"Talo ka pala eh HAHHAHAHAHHAHA" asar ko dito pagkalabas ko ng kwarto ko.
Parang ewan naabutan ko ito sa harap namin at hanggang ngayon ay nakataklob pa rin ang kamay niya sa kanyang mukha. Ako pa sisimulan mo sa asaran at bwisitan, eh beterano na ako dyan.
"Uy boss, anyare sayo?" bigla itong tumunghay at bakas pa rin ang kapulahan ng kanyang mukha.
"Ano panuntok nalang, lakas ng trip mo ahhh" tumayo ito at umastang boksingero. Sumuntok suntok pa ito sa hangin na parang ginagaya si pakyaw.
"Para kang tanga dyan boss, bakit ka kase pumunta dito? gabi na oh" umupo na ito sa aking tabi. Mukang kalmado na.
"Ito na nga, diba malapit na birthday ni lola"
"O tapos"
"Diba sabi ko sayo na ang regalo ko sana eh sabihin na mag aaral ulit ako"
"Tapos"
"Edi ayon, tinanong ako ni lola kanina kung sasabay raw ako sayong mag enroll ngayong taon"
"Paktay, eh paano yan boss? garne sabihin mo nalang kay Aling Susan na kunwari di niya alam na mag aaral ka ulit HAHAHAHHAAH"
"Parang ewan ka naman kausap sunog, namomroblema na nga ako eh"
"Eh anong plano mo nga kase boss"
"Hindi ko alam" napakamot nalang sya sa ulo niya. Kaawang Nikko, problemado sa ipangreregalo sa kanyang lola.
Wala rin naman akong maisip, bukod sa matanda na, hindi ko pa alam ang hilig ng kanyang lola. Ayaw ko namang sabihing bigyan nalang ng apo, baka lalo lang mabadtrip sakin ito.
"Hmmmm"
"Ano na naman sunog" bwisit na ito, kainit ng bait.
"Nag iisip din kase ako" paano ba ito.
"Maka uwi na nga lang" di makapag hintay amp.
"Alam ko na boss!!"
"Ano?? siguraduhin mong maayos yan, malilintikan ka talaga sa akin pag hindi"
"May kapatid ba si Aling Susan?"
"Oo"
"May kontak ka sa kanya?"
"Oo ata, hindi ko sigurado. Ano bang meron"
"Matagal na ba silang hindi nag kikita?"
"Waaiiittt, alam ko ang iniisip mo sunog. Mukang maganda yan huhuhu" nagtatatalon kaming dalawa. Para kaming batang nakabili ng malaking kendi sa tuwa.
"Ano ba yan Em-em, tulugan na ang mga tao, lalakas boses niyo jusko!" nagising pala si inay HAHAHAAHAHAH. Harot kasi nitong kasama ko.
"Pasensya na po tita Myrna hehe, bwakanangshit ka sunog, ganda naisip mo"
"Ako pa ba? ako na ito eh" pagyayabang ko. Ang naisip ko kase ay kung sakaling may kapatid man si aling Susan ay pagsamahin namin sila sa birthday niya, kumbaga magbonding ganon at naconfirm ko ngang meron nga itong kapatid.
"Ang alam ko ay dalawa lang silang magkapatid at matagal nang hindi nagkikita. Nahanap ko dati iyon noong nagfe facebook ako, nagbaka sakali akong mahanap at nahanap ko nga"
"Mabuti kung ganon, edi bukas simulan nating kontakin ulit?"
"Ayun ang medyo problema, sana makontak pa natin"
"Matatawagan natin yan, negative mo naman boss" sana magustuhan ni aling Susan ang naisip namin.
"Pero kilig ka naman sa katawan ko kanina boss, ano malaki ba" pang aalaska ko dito. Sinamaan naman ako nito ng tingin at namula ulit ang mukha
"Anong malaki, parang sili nga eh BWAHAHAHAHAHA"
"Parang sili daw pero grabe makatitig kanina"
Bago pa ako makatakbo ay nakapitan agad nito ang aking kamay at ang hayop pinagpapalo ako ng tsinelas
"Bwisit naman, kaliligo ko lang naman boss"
"Deserve mo yan, lakas makabakla ng ginawa mo kanina eh"
"Baka ikaw ang bakla boss HAAHHAHA" tumigil ito sa pagpalo
"Paano kung bakla nga ako Mark?" luh, seryoso ba tong kumag na ito.
Sa akin naman ay walang kaso kung bakla sya, wala ako sa lugar para manghusga dahil tao lang rin naman ako.
Hindi ko nga alam kung saan nakukuha nang iba ang kapal ng mukha para sabihan ang mga bakla o tomboy nang kung ano ano, kesyo salot daw sa lipunan, wala raw ginawa ang diyos na bakla o tomboy.
Tao rin naman ang mga yan, nasasaktan at nakakaramdam. Lahat tayo ay pantay pantay sa paningin ng Diyos kaya walang rason para kamuhian natin ang isa't isa, lalo na ang mga taong parte ng LGBT.
"May problema ba Mark? nandidiri kana ba sakin?" malungkot ang tono ng boses nito.
"Luhh, hayop na to, walang kaso sakin kung bakla ka, kahit nga maging letche flan ka, tanggap pa rin kita"
"HAHAHHAAHAHAHA"
"Luh boss, anyare sayo" baliw na ata ito, kanina seryoso tas biglang lungkot tapos ngayon hahalakhak.
"Syempre prank lang. Ang epic ng mukha mo, daig mo pang natatae HAHAHAHAHAHA" sa huli ako pala ang talo, nabiktima ako ng prank ni ulaga.
"Ewan ko sayo boss, matutulog na ako. Bahala ka dyan"
"HAHAHAHAHAHAH pikon. Uuwi na rin ako sunog, sa amin ka matulog bukas para makapag plano tayo"
"Oo na, bahala kana sa buhay mo" nakakainis pa rin, seryoso ko na kanina eh
Naririnig ko parin ang tawag ni ulupong, sayang saya sa pangtitrip. Babawian kita bukas.
![](https://img.wattpad.com/cover/340613670-288-k369081.jpg)
BINABASA MO ANG
Untold (BL) (OnHold)
General FictionPaano kung kailan tanggap at handa kanang magsabi ng iyong nararamdaman ay tsaka magbabago ang lahat? Yung taong akala mong iingatan at mamahalin ka ay ang magiging sanhi ng pagdudusa at paghihirap mo. Samahan natin ang bidang si Mark na harapin an...