Nakalimutan ko na kahapon ang pagbukas ng aking alkansya, tsaka nalang siguro pag malapit na talaga ang pasukan.
"Maraming salamat Janna, una na ako"
"Sige Mark, see you sa pasukan"
Hawak hawak ko ngayon ang listahan ng mga gamit na kakailanganin ko.
"Sampong notebook? Ang alam ko ay walo lang ang kailangan namin. Sabagay, maganda na yung labis kaysa sa kulang" pagkausap ko sa sarili ko. Papunta ako ngayon sa bahay nila Nikko.
Hindi mawala sa isip ko ang itsura ni Janna, kaedad ko lanh din sya at napakaganda nyang babae. Kung mayaman lang kami ay niligawan ko na ito. Halos nasa kanya na ang lahat. Ang panlabas na itsura, magsipag sa pag aaral at may mabuting pag uugali. Kaso hindi ko masyado kasundo ang kanyang magulang, lalo na ang kanyang ina. Siguro akala nito ay gagawan ko nang masama ang anak niya at siguro sa estado rin ng buhay namin, may kaya kase ang mga ito.
Napakamot nalang ako ng ulo at napangiti nalang ako ng mapait. May gusto na yata ako kay Janna.
***
Pagkarating ko kila Nikko ay naabutan ko ang mag lola na bihis at mukang aalis.
"O iho, naparito ka?"
"Pasaan po kayo? pinatatanong lang po ni itay kung anong mga oras daw po kayo magluluto sa huwebes. Baka daw po tumulong si itay sa pagluluto"
"Kamo mga patanghali kami magsisimula sa pagluluto. Siya nga pala, pupunta kami ng palengke, maguutay na mamili"
"Sama ka sunog?" tanong ni Nikko
"Nako hindi na boss, sya sige kayo ay lumarga na"
"Sige iho, alis na kami, apo isarado mo nayang gate" utos nito kay Nikko
"Ingat po kayong dalawa" sabi ko sa mga ito at umuwi na.
***
"Bakit ang aga mo yatang umuwi Jay? Nagcutting ka no? sumbong kita kay inay"
"Luh epal ka naman kuya, halfday kami dahil umalis ang mga teacher. Dumaan na rin ako kay inay. Bleeehhh" pang aasar nito sakin
Malapit nga lang pala ang school nila Jayson at Irish sa pinagtatrabahuhan ni inay, kaya naman sabay sabay silang umaalis sa umaga at dumadating sa hapon.
"Nasaan ang itay?"
"Di ko alam kuya, pero nandito na yon kanina. Punta muna ako kila Michael kuya." pagpapa alam nito sabay alis.
May napapansin ako sa batang ito. Alam kong bata pa siya pero hindi ko manlang nababalitaan na nagkagusto ito sa babae, idagdag pa ang sobrang lapit nila nung Michael, mabuti nalang at sobrang bait ng mga magulang nito at hinahayaan ang anak nila makipag kaibigan sa kapatid ko.
Alam kong hindi imposible na maging bakla si Jayson lalo sa panahon ngayon. Pero kung ganoon man siya ay tanggap ko ito.
"Saan ka galing tay? sabi nga po pala ni Aling Susan ay mga patanghali raw po sila magsisimulang magluto"
"Doon kila Nestor, tumulong ako sa pagkatay ng baboy dahil may binyagan doon bukas"
Iniligay ni itay ang dala nitong karne sa lababo, doon ata ito galing kila ka Nestor. Medyo may kalayuan ang bahay ng mga ito, sa dulo pa ng aming sitio.
Masarap na naman ang aming ulam mamaya. Nakakatuwang isipin na tatlong beses na kaming nakakakain sa isang araw. Kahit hindi man karne ang aming ulam araw-araw, ang mahalaga ay busog.
Kahit papaano ay nakakabawi bawi na kami. Nabibili na nila inay at itay ang mga pangaraw araw na pangangailangan kase parehas na silang may trabaho. Tulad ng toothpaste. Dati pagkapos talaga kami sa pera ay asin ang ginagamit naming panghalili sa toothpaste. Minsan naman ay baretang sabon ang pinagkukuskos namin sa ulo tuwing nauubusan kami ng shampoo.
Sinabihan rin ako ni itay at inay na tumigil na muna ako sa paghahanap nang pagkakakitaan at ihanda nalang ang aking sarili sa darating na pasukan.
***
"Myrna nasaan na naman ba yang anak mo, wala akong mautusan"
"Nagpunta nay, tay si Jay doon kila Michael, kaibigan nya raw po"
"Yun ba yung batang nakatira doon sa bukana ng kalsada? Mayaman ang mga yon ahh"
"Opo nay, pero mabait naman po magulang non, nakausap ko na rin po ang mga iyon at magaan po silang kausap di tulad ng mga magulang ni Janna"
"Mark, ang bibig mo. Pag may nakarinig sayo, pababayaan naman kitang bata ka"
"Pero kaganda ng anak non. Bagay kayo non nak sigurado ako" nahiya ako bigla sa sinabi ni inay.
Pakiramdam ko ang pula ng mukha ko ngayon.
"Parang ewan to si inay, tay tingnan mo si inay oh, nanggagaslaw"
"Tigilan mo nga yang anak mo Myrna, alam mo Mark, may gusto yang inay mo doon sa lalaking laging nadaan dyan sa harapan, nagpapacute ata sa iyong ina"
"Si ka Isidro?"
"Oo"
"HAHAHAAHAHAHHAHAHAHAHA" tawanan namin ni itay. Ang sakit na ng tiyan ko katatawa. Si itay naman ay napaluha na katatawa
"HAHAHHAHAAHHAAHAAH" patuloy naming tawa. Paano ba naman, matanda na si ka Isidro, nasa 60 na ata ito at ka pansin pansin nga ang palagian pagdaan at pagpapacute kay inay. Minsan nahuhuli namin ito ni itay na nagfa flying kiss kay inay. Imbes na magalit si itay ay natatawa nalang ito sa matanda dahil sa mga pinag gagagawa nito.
"PARANG TANGA TONG MAG AMA NA TO! MAGSITIGIL NGA KAYOO!!" galit na saway samin ni inay
Tawa pa rin kami nang tawa ni itay. Tuwing may asaran ay kami ni itay ang magkakampi at si inay naman ay laging asar talo.
BINABASA MO ANG
Untold (BL) (OnHold)
Ficción GeneralPaano kung kailan tanggap at handa kanang magsabi ng iyong nararamdaman ay tsaka magbabago ang lahat? Yung taong akala mong iingatan at mamahalin ka ay ang magiging sanhi ng pagdudusa at paghihirap mo. Samahan natin ang bidang si Mark na harapin an...
