"Boss try mo ulit tawagan" naka ilang tawag na kami pero di pa rin sinasagot.
Kanina pa kaming umaga tawag nang tawag pero walang senyales na sasagot ito. Papalapit na rin ang kaarawan ng lola niya pero wala pa rin kaming nabubuong plano. Hindi ko alam kung makokontak paba namin ang kapatid ni Aling Susan dahil yung number na hawak ni Nikko ay matagal na raw at hindi rin siya sigurado kung ito nga ang numero non.
"Negative" hayssss. Wala na rin akong maisip na plano kung sakaling di namin makausap. Paano na ito.
"Di mo ba talaga alam kung saan sila naka tira? hirap ding asahan boss niyang number nayan lalo at ilang taon na ang nakalipas"
Sabi kasi nitong kupal na to, dati naman daw ay natatawagan nila kaso naputol noong binagyo ang lugar nong kapatid ng lola niya. Di sila sigurado kung ano ang nangyari sa kanila dahil pagkatapos daw ng bagyo ay hindi na sila nagkausap ulit.
"Miss na miss na siguro ni lola yon, tagal na nung huli, sana this time maging successful ang plano natin" naaawa na rin ako dito kay Nikko, nawawalan na ng pag asa.
"Tagal na rin kase boss eh" napakamot nalang ako sa ulo
"Kaya nga"
"HOOYY! KAYONG DALAWA AY BUMABA NA DYAN, KAKAIN NAAA!!" sigaw ni Aling Susan
Tanghali na pala, di na namin namalayan ang oras.
***
"Ako na po Aling Susan ang maghuhugas, magpahinga na po kayo" mukang pagod na ang matanda kaya ako na maghuhugas.
"Maraming salamat iho, itong apo ko kase singkarang katamad"
"La naman eh"
"Sya sige ako ay iidlip muna sa kwarto, kayo na bahala dyan"
Medyo may edad na nga rin ang lola ni Nikko, kaya sana mapagtagumpayan namin ang munting surpresa para sa kanya. Alam ko kung gaano ka pursigido itong kupal magkita lamang ang magkapatid, kahit sino naman siguro gagawin ang lahat maging masaya ang mga mahal sa buhay.
"Sunog, wala kapa bang nililigawan?" ang random naman ng tanong ng kumag na ito.
"Sa lagay kong ito uunahin ko paba yan boss?"
"Chill, init agad ulo ahh, ay natitipuhan meron?"
"Kilala mo si Janna?"
"Yung nakatira sa katapat ng bahay niyo? bakit? anong meron?"
"Wala naman hehe" mang aasar na naman kase tong taong to pag sinabi kong gusto ko si Janna, bahala sya dyan.
"Anong nangyare sayo, napipi ka ata?" ang ulupong biglang tumahimik
"Punta muna ako sa kwarto"
Dumali na naman ang sakit, kanina kaayos ng usapan tapos biglang mananahimik. Medyo napapansin ko na rin yung ugali niyang yon. Hindi kaya may gusto sya kay Janna? well bagay naman sila, parehas may kaya sa buhay, parehas may itsura. Haysss hanggang tingin at pangarap nalang siguro ako kay Janna.
***
Matapos kong hugasan ang plato ay sumunod ako sa kwarto ni kupal at pagkapasok ko ay naabutan kong tulog ito sa kanyang kama. Siguro galit to, kaulaga naman kase kung sinabi niya lang na may gusto sya kay Janna edi sana di nalang ako umimik kanina, pero hindi naman ako umamin, pero ang weird na binanggit ko out of no where si Janna lalo at nagtanong sya tungkol sa nagugustuhan ko, siguro ay nahalata niya lang.
Paano kaya ako hihingi ng sorry. Bakit pala ako hihingi ng sorry eh wala namang masama sa magka gusto, ala bahala sya.
Pinagmasdan ko ang kwarto ni Nikko, ang dami niyang poster ng mga basketball players. Fan na fan siguro ito. Tiningnan ko ang nag iisang picture frame na nakapatong sa lamesa, family picture nila ito. Bigla akong naawa sa kalagayan ni Nikko ngayon at the same time humanga rin dahil kahit na nawalan sya ng magulang ay itinuloy nya pa rin ang kanyang buhay.
Nadako naman ang tingin ko sa notebook na katabi ng frame. Aba at may pakandado pa ang notebook, kung ano ano siguro sinusulat nito o baka naman mga love letter para kay Janna. Pumapag ibig na talaga ang kupal na ito.
"Ano bang pinapakelaman mo dyan?" kukusot kusot pa ng mata ang kumag.
"Wala, pag ninakawan ba kita, magagalit ka?"
"LAAAA!!! AY SI SUNOG NAGNANAKAW OHH!!"
"Luh gago oy, siraulo kaba" tangahin din itong taong tao. Mapapahamak pa nang wala sa oras.
*tooot..toooooot...tooooooooot..*
Mas mabilis pa sa kidlat na dinampot ni Nikko ang cellphone nya. Sana naman yung kapatid ni Aling Susan ito.
"Sino yan?" pabulong kong tanong
"Shhhhhh...Hello po, sino po ito?"
Nagulat nalang ako nang biglang nagtatatalon at nagsususuntok sa hangin si Nikko, mukhang goodnews.
"Sige sige po. Salamat po. Tangina sunog, success HHAHAHAHA"
"Bale kailan tayo pupunta??"
"Bukas na bukas din, kaya sunog ikaw ay umuwi at magready ng dadalhin bukas"
"Ano oras ba?"
"Basta puntahan kita mamaya, alis na shoo shoo"
Naeexcite na rin ako sa kakalabasan ng planong ito. Magtatampo naman ako kay lord eh pag di naging successfull.
***
"Nay, Tay, alis kami bukas ni boss Nikko, dun ako tutulog ngayon"
"Bawal" ngek, kj ng inay.
"Gayan inay, saglit lang naman po eh, diba Tay?"
"Dyan ka sa inay mo magpaalam" pinagpasa pasahan na naman ako.
"Tay naman eh, saglit lang po kami Nay, pramis" sabay taas ng palad ko.
"Magtigil kang ba-"
"Salamat Nay, bye, alis na po ako tay" hahahhahahaha nilayasan ko na. Papayagan naman ako ng mga yon, medyo pakipot laang.
"HOYY MANUELL ANG ANAK MOOO!!!!" naririnig ko pang sigaw ni Inay. Minsan lang naman eh.
Habang tumatakbo ako ay nakasalubong ko pang ang may pakana ng lahat.
"O nagmamadali ka ata?"
"Eh ang inay ayaw pa akong payagan, ayon tinakbuhan ko na HAHAHA"
"Naneto, bakit ang dami mong dala?, kung ako ang tita Myrna baka nahambalos na kita"
"Ah eh hehe.." medyo excited lang.
"Bahala ka dyan, tara na nga"
Ampota sya na nga tong sasamahan, sya pa tong nag iinarte. Nireregla na naman ata, bahala sya basta ako excited :)).
BINABASA MO ANG
Untold (BL) (OnHold)
General FictionPaano kung kailan tanggap at handa kanang magsabi ng iyong nararamdaman ay tsaka magbabago ang lahat? Yung taong akala mong iingatan at mamahalin ka ay ang magiging sanhi ng pagdudusa at paghihirap mo. Samahan natin ang bidang si Mark na harapin an...