Mabilis na lumipas ang mga araw at heto nag-aaral na ulit ako. First quarter palang at sobrang nakakapanibago dahil ngayon lang ulit ako nakatapak sa paaralang ito. Si Nikko nga pala ay nasa section 2 tapos ako ay section 3, kung tatanungin niyo si Adrian, sa kamalas malasan ay kaklase ko pa ang asungot, si Janna naman ay nasa section 1. Natuloy ang paglipat nila Adrian dito, hindi ko alam kung paano niya nakumbinsi ang lola nya, dahil na rin siguro kay Aling Susan.
Wala namang nagbago sakin nitong mga nagdaang araw, ganon pa rin ang buhay. Si nanay nandoon pa rin sa pinagtatrabahuhan niya, si itay naman ay kasama pa rin ng tiyuhin ko pero nasa malayo na sila at minsanan nalang kung umuwi para daw makaipon.
Ang dalawa ko namang kapatid ay tuloy pa rin sa pagpasok. Si Jayson ay kasabay ko na laging pumasok at medyo napapansin namin ni inay ang malimit na pagtulog nito dun sa kaibigan niyang si Michael. Pakiramdam ko talaga may namamagitan sa dalawang yon at wala naman saking problema kung totoo nga. Kakausapin ko nalang siguro o hintayin kong siya nalang ang magsabi samin.
"Mr. Manalo, are you with us?, bat hindi natin pagusapan yang dine-daydream mo?" nagtawanan naman ang mga kaklase ko. Shet nakakahiya.
"Sorry po Ma'am, hindi na po mauulit' napakamot nalang ako ng ulo.
"Ayan, imagine pa more sakin" bulong ng katabi ko.
"Kapal naman ng mukha mo, lumayo ka nga sakin" bulong ko pabalik.
"Mr. Manalo and Mr. Cruz, lumabas nga kayong dalawa. Nakakaabala kayo ng klase!" haysss buhay nga naman"
Wala na kaming nagawa ni Adrian kundi ang lumabas. Nahuli ko pang nakatingin samin mga kaklase namin bago lumabas. Nakakahiya talaga.
"Adrian naman kase, pwede bang manahimik ka pag may klase?" dumeretso nalang kami sa canteen. Baka sitahin pa kami ng iba pag tumambay kung saan.
"Isang isa pa, sasamain ka na talaga sakin" tinawanan lang ako.
Mag i stay nalang siguro muna ako dito hanggang matapos ang time ni Ma'am Michelle, babawi nalang ako sa kanya sa susunod. Paano nalang pag nalaman ni inay na napalabas ako, baka isipin non di ako nagseseryoso sa pag aaral. Hayssssss ayoko na talaga, kainis.
"Kain kana muna"
"Sa tingin mo, sinong gaganahang kumain niyan?"
"Chill pre"
"Bahala ka, aalis ako"
"San ka naman pupunta?" di ko na sinagot at lumayas na ako sa harap ng siraulong yon. Makapag lakad lakad nalang muna. Mahaba pa naman ang time, bahala na kung may sumita sakin.
Nacurious ako sa mga estudyanteng abala ngayon sa covered court. Ay oo, nabanggit nga pala samin ng aming adviser namin na magkalaroon daw ng bisita sa isang araw.
"Ay teka, si Jayson ba yon?" pilit kong minumukhaan yung batang lalaki na nagsasayaw. Di kase ako makalapit gawang may naglalagay ng mga upuan at decoration, mahirap na baka makasira pa ako.
"Si Jasyon nga HAHAHAHHAHA" natawa nalang ako. Sa buong buhay kong kasama areng aking kapatid, ngayon ko lang nakitang sumali sa mga ganyan. Sayang at para lang sa mga grade 7 at 8 ang program na gaganapin, hindi ko tuloy mapapanood si Jayson.
Halos kalahating oras din akong nakatambay dito sa court at nakakaramdam na ako nang pagka ngalay. Nakakatamad namang mag uli pa dahil sa sobrang init. Pinag iisipan ko ngayon kung posible pang magpalipat ng section dahil baka hindi ako makapag tapos kapag kasama ko itong si Adrian sa isang classroom. Tanong ko nalang sa president namin.
Lalabas na sana ako nang makasalubong ko si Ma'am Michelle.
"O Mr. Manalo, anong ginagawa mo dito at nasaan si Mr. Cruz" patay, ano ipapalusot ko.
"Naligaw po ako"
"Anong naligaw Mr. Manalo?" napaka bobo ko talaga.
"Ibig sabihin ko po ay inutusan po kami, namali lang po ako ng napuntahan hehe"
"Sya dalian mo at pumunta kana sa room niyo. Wag na wag nang mauulit ang nangyari kanina ha. Nako nako mga bata talaga" pumasok na si Maam sa loob
"Opo Ma'am" muntik pa akong mapahamak.
Maagang nadismiss ang klase dahil may aasikasuhin daw si Ma'am Michelle. Sa labas palang ay rinig na rinig na ang ingay na nagmumula sa aming classroom. Nadismiss lang nang maaga, nagmistulang sabungan na eh. Pagpasok ko naabutan ko ang president naming stress na kakasaway sa mga kaklase kong dinaig pa ang elementary sa kaingayan.
"HINDI BA KAYO MAGSISITAHIMIIIIIIKKKK!!!!" maluha luha na si Anne. Labas na rin ang litid nito sa leeg sa pagsigaw.
"AHHHH HINDI KAYO TATAHIMIK" pumunta ito sa aparador at kinuha ang boxing gloves na nakatago.
Hindi ko alam kung matatawa ako o hindi."Tangina kase, aray naman Anne" Reklamo ng isa kong kaklase.
"Bwisit kayo, bumalik ka sa upuan mo kung ayaw mong masuntok" pinagsusuntok pa ni Anne ang mga lalaki kong kaklase. Ang mga babae naman ay tawa nang tawa sa nangyayari. Hindi ko na napigilan at nakitawa na rin ako.
"Aray!!!"
"Akala mo makakaligtas ka, nasan si Adrian? suntok din sakin yan pagbalik" saktong dating ni Adrian.
"Anong gan-" hindi pa man nakakaupo ang kumag ay sinalubong na ito ng kamao ni Anne.
HAHAHAHHAHAHAH kawawang Adrian
***
"Bakit pala nasa labas kayo ni Adrian kanina?" tanong ni Nikko. Uwian na at pupuntahan namin ngayon si Jayson sa kanilang room.
"Wala yun, nainis ata si Ma'am saakin. Nahuli akong tulala. Wag mo nalang ulitin kay Jayson ha, baka isumbong ako sa inay"
"Eh si Adrian bat kasama?"
"Ang kulit kase ng damuho na yon, ayun lalong uminit ulo ni Ma'am kaya napalabas kami"
"Ahhhhh ok, ako nalang magsasabi kay tita :)" isa pa tong siraulo.
"Ge nang mabalian kita ng buto, asan naba kase ang batang yon" kanina pang labasan, tapos na naman siguro sila sa practice nila. Ang usapan namin pupunta sya sa aming room dahil mas malayo sa gate ang room nila kesa sa room namin.
"Ang puso, kalmahe. Ayun oh, mukang may importatneng pinag uusapan." turo dun sa kumpulan ng estudyante.
Tungkol siguro ito sa program na magaganap. Kumaway ako para makuha ko ang atensyon n Jayson at nang makita ako ay sumenyas ito nang mamaya.
Ilang minuto ang nakalipas ay natapos din sila sa kanilang pulong. Isa isa na ring nagsitayuan ang mga kasama ng aking kapatid para umuwi.
"Aba aba, ikaw Jayson ha. Hindi mo sinabing maalam ka pala magsayaw. Boss pwede pahiram camera mo? videohan ko lang to sa isang araw"
"Tanga ka rin sunog eh, kita mong may klase tayo non" oo nga pala, nakalimutan ko agad
"Kuya naman eh, pati pano mo pala nalaman?"
"Nakita kita kanina sa covered court, galing naman kumembot yieeeeee"
"Pano mo ako nakita? diba may klase? nag cutting ka siguro nohhh?? sumbong kita kuya sa inay" paktay!
"Ano ka ngayon sunog HAHAHAHAHAHH"
Nahuli ako dun ahhh HAHAHAHHAHAHHAH
![](https://img.wattpad.com/cover/340613670-288-k369081.jpg)
BINABASA MO ANG
Untold (BL) (OnHold)
Ficción GeneralPaano kung kailan tanggap at handa kanang magsabi ng iyong nararamdaman ay tsaka magbabago ang lahat? Yung taong akala mong iingatan at mamahalin ka ay ang magiging sanhi ng pagdudusa at paghihirap mo. Samahan natin ang bidang si Mark na harapin an...