Chapter 16

73 7 0
                                        

"Boss malayo paba tayo?" kanina pa kami lakad nang lakad, sumasakit na rin ang paa ko.

"Malapit lapit na siguro, hanap muna tayo makakainan"

Di kalayuan ay may nakita kaming karinderya. Amoy palang alam mong masarap ang mga tinitinda.

"Ano iyo sunog?"

"Dalawang kanin tapos kahit anong ulam na"

"Daming kumain di naman tumataba"

"Baka gusto mong iheadlock kita sa muscles ko" sabay flex

"Maghanap kana nga lang doon nang mauupuan"

Sa awa ng diyos ay nakaupo rin. Halos kalahating oras na kaming naglalakad kanina tapos itong kasama ko akala mo robot, di ata nangangalay.

Pinagmasdan ko ang paligid, lakas maka probinsya. Sarap siguro dito manirahan, daming puno, katamtaman ang init, mukang mababait naman ang mga tao.

"Ayan kana naman sa pagiging tulala mo sunog tapos mamaya iiyak kana naman"

"Pero crush mo nga boss si Janna??, yieeeeee sabihin ko kay Aling Susan na gusto mo yon"

"Iiwanan talaga kita dito pag hindi mo ako tinantanan"

Bagay na bagay sila, wala na talaga siguro akong pag asa kay Janna. Buhay nga naman.

***

"Gara din naman pala bahay nila" nasa tapat kami ngayon ng pinto ng bahay ng kapatid ni Aling Susan. Bwakanangshit na Nikko to, sabi malapit na raw eh halos isang oras kaming naglakad.

"Tao po! Aling Cecil!!"

"Sino yan?" boses ng isang lalaki. Gulat nalang ako ng bumungad samin ang pamilyar na mukha nito.

"Boss diba yan yung kanina" bulong ko.

"Wag ka ngang maingay, nandiyan ba si Aling Cecil?" tanong nito sa lalaki

"Sinusundan niyo ba ako?"

"Tol pakinig mo naman kung sino hinahanap namin diba?" singit ko. Yabang din neto kala mo papalag na sa suntukan.

"Nubayan sunog, di away pinunta natin dito. Ah Nikko nga pala pre, apo ng kapatid ni Aling Cecil"
inabot ni Nikko kamay niya kaso di naman sya pinansin nung ulupong.

"Ah kayo pala, sige pasok. Tulog ang lola pero maya maya ay gigising na yon"

Nakaupo kaming tatlo ngayon at ni isa walang nagsasalita. Para kaming timang na nagtitinginang tatlo.

"Pre kanina pa kitang pansin, tingin ka nang tingin dito sa body guard ko. Trip mo ba?"

"Pake mo ba?"

"Kung ako sayo boss, susuntukin ko yan"

"Kumain naba kayo?" alok samin.

"Kumain na kami kanina, bakit pala ang bili mo nakauwi?" tanong ko. Kasabay namin sa jeep eh di naman namin nakasabay nung naglakad.

"APOOOO!!!ADRIAAAN!" sigaw ng matanda.Si Aling Cecil na siguro.

"POOO!!!" sabay punta sa kwarto

Maghahapon na rin. Dito na nga kami siguro tutulog. Wala naman kaming ilog na nadaanan, daming dami ko pang dinala.

"Magandang hapon po. Ako nga po pala si Nikko, apo ni Susan. Sya nga po pala Si Mark po, kaibigan ko po" Nagmano kaming dalawa sa matanda.

"Mabuti hindi kayo naligaw mga iho. Dito na kayo maghapunan at matulog, maghahapon naman. Apo ko nga pala, Adrian pumunta ka nga ditong bata ka!"

Mukhang wala ring balak abutin ni Nikko ang kamay kaya ako nalang nakipag kamay. Baka sabihan pa kaming bastos ng matanda.

"Apo bili ka nga malulutong ulam doon, pasama ka sa mga bata"

"Ako nalang po sasama, sunog maiwan ka muna dito"

"Sige boss, ingat kayo"

"Kamusta po kayo Aling Cecil" tanong ko. Malakas pa naman ang matanda, siguro nasa 50 palang ito.

"Ayos naman ako utoy sakit lang sa ulo ko minsan yang apo kong yan, si Susan ba, kamusta doon?"

"Nako pareho po pala kayo ni Aling Susan, mga sakit sa ulo ang apo. Ayos naman po ang Aling Susan, malakas pa din po."

"Matagal ko na ring gusto makita ang kapatid kong iyon. Sayang nawalan kami na contact sa isa't isa" medyo naluluhang sabi ni Aling Cecil.

Grabe din sigurong paghihirap ang sinapit ng matanda. Ang hirap kayang hindi makausap o makita ang mahal mo sa buhay kahit isang araw lang, eh sa case nila halos decada o taon.

"Nasaan na po pala ang magulang ni Adrian?"

"Nasa ibang bansa pareho ang magulang ng batang yan. Mabuti nga at naiintindihan niyan na kailangang magtrabaho parehas para sa kanya. Kaya lumaki yan nang ako lang ang nagbabantay pero wala naman tampo yan sa mga magulang niya"

Mabait din naman pala ang kulukoy. Mabuti malawak ang pangunawa niya at naiintindihan niya ang sitwasyon. Di ko rin naman masisi ang iba na medyo nagrerebelde pero sana unawain din natin kahit kaunti ang mga taong pilit na nagpapakahirap at nagtatrabaho sa ibang bansa para lang buhayin tayo. For sure napkahirap para sa kanila na hindi masubaybayan ang paglaki ng kanilang mga anak. Isang saludo sa mga OFW.

"Pero mabait naman yang batang yan. Ikaw ba utoy, kamusta ka? napasok kapa ba?"

"Tumigil po ako ng isang taon pero papasok po ako sa darating na pasukan. Medyo mahirap po ang buhay eh." napakamot nalang ako ng ulo

"Ahh ganon ba. Ay yang apo ni Susan, napasok ba? Nako sigurado akong hindi din yan"

"Ganoon na nga po hehe. Sabay po kaming mag eenroll nyan sa pasukan. Aling Cecil labas po muna ako, mukang masarap mag uli uli dito."

"Sige utoy ingat ka, wag ka masyadong lalayo at hapon na"

Alam niyo yung pakiramdam na parang bumabalik kayo sa pagkabata? ganon na ganon ang nararamdaman ko ngayon. Ang daming batang naglalaro, may mga kumukuha ng mga sinampay, may mga nagwawalis ng bakuran. Gantong ganto kami noong kabataan namin.

Kaya pagnagka anak kami ni Janna, erase erase, basta pag nagka anak ako, hahayaan kong maglaro para maging memorable ang childhood nila.

"Ilan kaya magiging anak namin ni Janna" kinakausap ko na naman sarili ko. Minsan naiisip ko paano kung sila ni Nikko ang magkatuluyan o kahit sa ibang lalaki, paano kaya ako.

"Selfish mo naman em-em" pero kung sa iba sya sasaya bakit ko naman hahadlangan. Grabe naman ang pagka martyr HAHAHAHAH.

Mag gagabi na, nakalimutan ko ang daan pabalik. Sana kasi tumigil nalang ako sa bahay, medyo napalayo pa naman ata ako.

"Bobo mo talaga Mark" nahihiya naman aki magtanong tanong. Lalakarin ko nalang bahala na kung saan dalhin ng paa.

"Bitawan mo nga ako, sino kaba?" bigla nalang may humawak sa braso ko. Lungga ata ng aswa tong napuntahan namin HAHAHAHA.

"Layas ka nang layas" Si Adrian pala.

Untold (BL) (OnHold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon