Naabutan naming nagtatawanan sila inay at aling Susan habang nanonood ng Tv. Ang dalawa ko namang kapatid ay may kanila ring mundo. Medyo ginabi na nga kami ng uwi dahil sa traffic pero mabuti nalang hindi kami nahirapan sa pag sakay.
"La, kumain na po ba kayo? kakagutom sa byahe. Sunog dito kana kumain" mabuti nalang nagka ayos kami kanina sa bus, walang gawa sakin yan eh.
"Inay, kumain naba kayo? Aling susan kain na po tayo"
"Kain na kayo dyan, si Myrna nagluto niyan." kaya pala pamilyar ang lasa. Kahit saang sulok ng aking dila, kilala ko na ang lasa ng luto ng inay at itay ko.
"Kamusta apo ang lakad, baka mamaya nagpasaway ka nang nagpasaway ha!" natawa naman ang inay sa sinabi ng matanda.
"La naman, sa bait kong ito. Sya nga po pala may pasalubong po dyan, tita kuha po kayo, meron po dyan para sa mga bata" ang dami talaga ng pinadala ng lola ni Adrian, para na kaming nag grocery.
"Nay, ang itay pala??" nag aalala na rin ako sa itay ko. Hindi na ata nakakapagpahinga kakatrabaho. Hindi naman sa nagrereklamo, laking pasalamat ko at nakakaraos na kami pero sana naman ay wag niyang kalimutan ang sarili niya.
"Mamayang alas diyes pa ang uwi non, kasama ulit ng tito mo"
"Kukuha lang ako ng ilan dito Myrna tapos iuwi mo na sa inyo"
"Ang dami pa po nito, nakakahiya naman po"
"Hindi na kayo iba sa amin, walang wala yan sa pagtulong niyo"
"Maraming salamat po, maraming salamat utoy. Binigay na ng lola mo ang tira"
"Walang anuman po tita"Nakakataba ng puso ang marinig ang gantong usapan. Hindi ko aakalain na magkakasundo ang pamilya namin nila Nikko. Sana lahat ng tao sa paligid natin ganito.
***
"Nay, successful ang plano. Babalik kami sa isang araw para sunduin sila" alam na nga pala ni inay ang plano.
"Tiyak matutuwa nito si Aling Susan"
"Anong plano po nay?" singit naman ni Irish
"Magtigil ka ngang bata ka, nakikisali kana naman. Maglinis na kayo ng katawan at matulog na kayo. May pasok pa kayo bukas dalawa."
"Nay grade 4 nayan, ayos naba yan bumasa? hindi po pwede nay mag gegrade 5 yan nang hindi tuwid magbasa"
"Ikaw nga ang magturo dyan sa kapatid mo. Kanina tinuturuan ko yan, uminit laang ang bait ko. Maalam naman yang batang yan, nabababad lang masyado sa paglalaro"
"Bukas pag uwi niyan nay, ako bahala dyan. Si Jayson nay kamusta? inaaway pa ba sa school?"
"Hindi na naman pero pansin ko ang pagka sobrang close niya doon sa anak nung mayaman. Wala naman kaso sakin ang ganon dahil mabait naman ang batang yon."
"Wag kang mag alala nay, may tiwala ako dyan kay Jayson. Hayaan nalang po muna natin nay maenjoy ng mga kapatid ko ang buhay, basta hindi nila pababayaan ang pag aaral"
"Ay malilintikan ang mga yan pag nagbulakbol. Ikaw ba Em-em, kamusta ka?" ang sweet talaga ng mga magulang namin, lalo na itong si inay.
"Ito po, excited na sa pasukan"
"Pagbubutihin mo anak ha, para din sa iyo yan. Nandito lang kami ng itay mo, nakasuporta sayo"

BINABASA MO ANG
Untold (BL) (OnHold)
Narrativa generalePaano kung kailan tanggap at handa kanang magsabi ng iyong nararamdaman ay tsaka magbabago ang lahat? Yung taong akala mong iingatan at mamahalin ka ay ang magiging sanhi ng pagdudusa at paghihirap mo. Samahan natin ang bidang si Mark na harapin an...