Chapter 19

65 5 1
                                        

*BANG!*

Nagulantang ako sa isang putok ng baril. Nagkakagulo ngayon sa labas dahil sa nangyari. Hindi ko alam kung ano ang gagawin dahil mag isa lang ako kaya mas minabuti kong magtago nalang muna.

Nang humupa ang kumusyon ay sumilip ako, ang daming dugo sa kalsada, may mga tao din sa loob ng bahay nila Janna.

"Ano pong nangyari?" tanong ko sa isang nakikichismis. Ang dami ngayong tao sa harapan namin.

"Nabaril daw yang si Edgar" shit si Janna.

"Padaan nga po, JANNAAA!!!! JANNAAA!!!" sigaw ko. Pumasok na ako ng bahay dahil wala pa naman ang mga pulis. Dinala na rin ang ama ni Janna sa hospital kasama ang kanyang ina na nagbabaka sakaling magagamot pa ito.

"Mark" nakakapang lumo ang ayos ngayon ni Janna. Puno ng dugo ang kamay at damit nito. Pugto na rin ang mata kakaiyak.

Nilapitan ko ito at niyakap. Hindi ko na rin mapigilang maiyak sa kanyang kalagayan. Kahit anong sama ng magulang ni Janna samin ay hindi pa rin nila deserve ang ganito.

"May masakit ba sayo? may sugat kaba??"

"Si papa" umiiyak na sabi nito.

"Shhhhhh, tahan na. Magiging ok din ang lahat" hinimas himas ko ang likod nito para gumaan ang pakiramdam. Mahigit limang minuto na rin akong nakayakap sa kanya at tumigil na sya kakaiyak. Nakatulog na pala.

Dinala ko sya sa kanilang kwarto at inalalayang humiga. May mga dugo na rin ang damit ko. Hinintay ko muna ang mga pulis bago ko iwan si Janna.

"Lintek kang bata ka, saan kaba nagsususuot" umuwi pala ang itay. Nabalitaan na siguro.

"San kaba galing? bat puro dugo ka? ayos kalang ba?" sunod sunod pa nitong tanong.

"Ayos lang ako tay, inalalayan ko lang si Janna. Nakakaawa nga po yon itay"

"Wag ka munang lumabas baka mapano kapang bata ka. Hayaan mong mga pulis ang umasikaso doon"

"Opo tay, magpapalit lang po ako"

Naghanap muna ako nang masusuot. Naalala ko na naman si Janna, pupuntahab ko nalang siguro ulit mamaya.

"Tito, si Mark?" boses palang kilala ko na

"Nasa kwarto niya"

Niyakap ako nito nang mahigpit. Tiningnan ko ito, maluha luha ang mata.

"Aray ko naman Nikko, bitaw nga at di ako makahinga" lumayo ito at tinanong ako.

"Ayos ka lang ba? hindi ko alam ang gagawin ko kung may nangyari sayong masama" niyakap ulit ako nito pero iba ngayon, may pag iingat na.

"Ayos lang ako, kumalma ka nga boss"

"Paanong kakalma, may barilang naganap tapos sasabihin mong kumalma"

"Luh bat galit ka"

"Hindi ako galit, nag aalala lang"

"Nag aalala ka dahil??"

"Ano bang tanong yan, syempre dahil gusto kita!"

"Gusto mo ako?"

"Gusto kitang ligtas, oo tama, gusto kitang laging ligtas hehe"

"Ewan ko sayo, alis nga dyan boss at liligo ako. Nandiyan ka na pala nay, nasan sila Jayson at Irish?"

"Nasa school pa, nadamay kaba? ayos kalang ba nak?" kinapkap pa ni inay mga braso ko kung may sugat ba o wala.

"Ayos lang po ako nay, liligo lang po ako"

"Sige nak, chineck lang kita. Manuel balik muna ako sa tindahan. Nikko, alis na ako utoy. Kayo na muna bahala dyan."

"Sige po tita, ingat po"

***

Pagkaligo ay bumalik ako sa bahay nila Janna. Si Nikko ay umuwi muna dahil tatawagan ulit sila Aling Cecil para sabihing susunduin nalang sila isang araw bago ang birthday ng kanyang lola. Ang itay naman ay tumutulong sa pagkabit ng tolda sa tapat namin.

Abala ngayon si Janna sa pagtulong sa kanyang mama sa pag aayos ng pagbuburulan ng kanyang ama. Sa kasawiang palad ay hindi na nakaabot si Ka Edgar sa hospital dahil sa maraming dugo na ang nawala dito. Bali balitang binaril ito dahil sa ipinagbabawal na gamot, nagbebenta ata. Sabi din ni itay ay ginagawang pangkabuhayan nga daw ito ng ama ni Janna kaya hindi na ako nagtataka kung bakit angat sila sa buhay.

"Tulungan na kita Janna, nakikiramay pala ako sa pagkawala ng papa mo." nginitian lang ako nito at inabot sakin ang tali na gagamitin sa labas.

Nakasalubong ko ang mama ni Janna, paga na rin ang ibaba ng mata nito. Bakas din ang sobrang kalungkutan sa pagkawala ng asawa nito.

Dumating na ang labi ni Ka Edgar at nangibabaw na naman ang iyakan sa loob ng bahay nila. Pagtingin ko kay Janna ay umiiyak na naman ito. Lumabas na ako ng bahay, sumisikip na rin dahil nandito na ang ilang kamag anak nila na nakikidalamhati.

"Tay, kausapin ko mamaya si Nikko kung pwede doon muna ulit tayo makitulog. Baka mapuyat ang mga bata sa ingay ng mga magsusugal" inabot ko dito ang taling ibinigay ni Janna.

"Sige nak, nakakahiya man sa kanila"

Umupo muna ako sa labas, kanina pa akong pauli uli sa loob. Nakakahiyang humalo sa mga kamag anak nila Ka Edgar, mukang mayayaman. Mas maigi nang umiwas, baka nay kahihiyan pang mangyari sa akin sa akin.

"Biscuit Mark?" si Janna pala.

"Salamat nalang, busog pa ako."

Nagkaroon ng katahimikan sa pagitan namin. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya. Hindi ko rin alam kung ano ang pwede naming pag usapan lalo at may pinagdadaanan sya ngayon.

"Kamusta ka? anong plano mo ngayon" pakiramdam ko ang sagwa ng tinanong ko sa kanya.

"Medyo ayos na, oo masakit pero kailangan magpaka tatag para kay mama. Tuloy pa rin ang planong mag aral sa dadating na pasukan, stable naman trabaho ni mama kaya sa tingin ko ay makakapag tapos pa ako"

"Mabuti kung ganon, pasensya na ahh wala talaga akong masabi o makwento"

"Ano kaba, ayos lang. Basta nadyan ka sa tabi ko, ayos na ako don"

Shet, wrong timing ang kilig. Lalo akong humahanga sa kanya dahil sa pinapakita niya sakin. Hindi siya nag iinarte o nagpapakita ng kaartehan towards me. Kaya kung nasaan ka man ngayon Ka Edgar, dyan ka nalang. Ako na po bahala sa anak niyo.

"Maiwan muna kita Mark, tulungan ko lang si mama. Sabihan mo nalang ako kung kailan ka bibili ng school supplies, para makasabay ako sa iyo"

"Sige sige, pakatatag ka. Andito lang ako pag need mo kausap" kung ito na mapapangasawa ko ay sino ba naman ako para magreklamo.

Umalis na rin muna ako para pumunta kila Nikko.

Untold (BL) (OnHold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon