"Wala ka bang balak mag aral boss?" tanong ko sa kasama ko habang naglalakad. Nakatingin lang ito nang deretso sa aming nilalakaran.
"Di ko pa alam, sakit lang sa ulo yang pagpasok nayan" humarap ako dito. "Anong sakit sa ulo ka dyan boss, sabihin mo tinatamad ka lang. Biruin mo inaaksaya mo yung pagkakataong makapasok, samantalang ang daming naghahangad sa posisyon mong yan. May pera naman kayo, pati ang sarap sa pakiramdam nang may diploma boss. Ika nga ng iba, Ito yung yaman na hindi mananakaw sa atin. Ang makapag tapos ng pag aaral" mahabang lintanya ko.
Tama naman diba, ang dami kayang taong hindi nakapag tapos dahil sa kawalan ng pera. Ang daming naghahangad na sana sila yung nasa lugar ni Nikko at isa na ako don.
Pero baka naman may rason sya o kaya naman may nangyari sa kanya kaya tinatamad?, hindi ko alam. Bahala nga siya sa buhay niya.
"Drama mo sunog, di ko maiipangako pero susubukan ko. Basta sabay tayong mag eenroll kung sakali ahh??" nagliwanag ang mukha ko sa isinagot niya.
"Sige ba"
Mamimili kami ngayon ng mga nakalimutan nilang bilhing rekado noong nakaraan. Ako na ang sumama kay Nikko dahil abala na si aling susan sa pag aayos sa kanilang bahay para sa kaarawan ng kanyang apo bukas. Nakasakay kami ngayon sa tricycle at tinatahak ang papuntang palengke.
***
"Pogi anong hanap niyo?" bungad samin ng tindera pagkapasok sa palengke.
"Sabi ko sayo boss, pogi ako" bulong ko sa matabi ko. "Ulol saka kalang naman nagiging pogi pag nasa palengke ka" siniko ko ito pero ako ay tinawanan lang.
Nilampasan namin si ate at hinanap kung saan makakabili ng condesadang gatas.
"Ayun oh, tara" turo at yakag ko dito. "Ano ang inyo boys?" pinagmasdan ko ang nagsalita. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko. Masyadong makapal ang kanyang make up. Kinagat ko nalang ang labi ko para hindi matawa pero lintek na Nikko ito at ipinahamak pa ako.
"Magkano ang condense?? Ay ate ohhh pinagtatawanan ka ng kasama ko"
"Ala ate hindi, parang ewan to" pag depensa ko.
Lumabas saglit ang tindera para kumuha ng stocks ng gatas.
"Buti pa yung gatas maputi"
"Nagpaparinig kaba boss?"
"Hindi ahh,,, natamaan ka?"
"Aba at pasmado ang bibig nito. Eh suntukin ko kaya ulit yan?"
"Tapang mo naman, tingin nga ng titi kung tuli na"
"60 isa" sabi ni ateng tendera. Nakabalik na pala ito. sinasadya niya pala kapalan ang make-up para daw makaakit ng mamimili.
"Tatlong condense nga po. Sunog pumunta kana kaya sa bilihan ng karne para makauwi na agad tayo?. Ito ang pera" suhestyon nito. Magandang ideya nga para mapabilis ang pamimili.
Siksikan ang mga tao sa bilihan ng karne. Sobrang ingay at nagkakayapakan ng paa. Hawak hawak ko ang pera na ibinigay saakin ni Nikko, kakainis walang bulsa ang salwal ko.
"Araaay!, ayaw kasing magdahan dahan" reklamo ng babae.
"Pasensya po, nadulas lang po" aksidente akong nadulas kaya nabangga ko ito. Nadako ang paningin nito sa aking kamay na may hawak na pera.
"Ano yang hawak mo?, sabi na nga ba, akin na yang pera, tulong may magnanakaw" sigaw nito. Pinag kumpulan na kami ng tao at nahihiya na ako sa nangyayari.
"Hindi po, pera ko po ito. Hindi po ako magnanakaw" nasaan naba si Nikko. Tiningnan ko ang paligid ko at
lahat sila ay masama ang tingin sa akin
"Mangangatwiran kapang bata ka, hawakan niyo yan" sabat ng isang lalaki
"Tumawag kayo ng pulis at ipakulong yan"
Pinagpapawisan na ako at hanggang ngayon ay di ko pa rin makita si Nikko. Hanggang sa dumating na ang mga pulis
"Anong kaguluhan ito?"
"Nako sir, ang batang iyan ay magnanakaw. Kunwaring nadulas pero kinuhanan ako ng pera, Icheck mo sir ang kamay nyan."
"Sir hindi po ako magnanakaw, ang perang ito ay pambili ng karne para sa kaarawan ng aking kaibigan"
Namumuo na ang luha sa aking mga mata. Tinitigan ako sa mata ng mga pilis, kinakalkula kung nagsasabi ba ako nang totoo o nagsisinungaling.
"Sunog asan ka?" nakita ko si Nikko na tumatalon talon. Nakisiksik ito mula sa tao kumpol ng tungo sa akin.
"Anong nangyayari dito Mark? at tsaka bakit may mga pulis?"
"Pinagbibintangan akong magnanakaw nitong babae, sa kanya raw itong limang daang binigay mo saakin."
"Sus sus sus, tatanggi kapa. Sir magkasabwat yang dalawa. Nagkakampihan pa kayo" pagsingit ng babae.
"Mawalang galang na Manang at Mamang pulis, una sa lahat hindi magnanakaw ang aking kaibigan, pangalawa, ang perang hawak ng kaibigan ko ay pambili ng handa ko para bukas, ito pa ang iba oh" pinakita niya ang mga pinamili nya. "Pangatlo, mga sir baka may cctv dito, bakit hindi natin panoorin para malaman kung may ninakaw nga o wala?" napaisip ang mga pulis sa sinabi ni Nikko
Sa sobrang kaba ko kanina ay hindi ko na napansin kung may cctv ba dito o wala, pasalamat ako kay Nikko nang banggitin niya iyon.
"Sumama kayo sa amin" agad na nagsialisan ang mga taong nakikichismis.
***
"Diba sir sabi ko sa inyo eh, di magnanakaw ang kaibigan ko"
Napanood na namin ang clip at kitang kita doon na aksidente akong nadulas. Walang nakitang may kinuha ako na pera sa bag ng babae. Sa isang anggulo ay pinakita naman ang pagbigay saakin ni Nikko ng limang daan.
"Miss, walang pagnanakaw ang nakunan sa cctv. Pati hindi naman bukas ang bag mo noong sinabi mong magnanakaw ang mga batang ito" sabi ng pulis. Hindi makaimik ang babae sa sobrang pagkapahiya.
"Ale, sa susunod wag kayo agad mambintang dahil nakakapurwisyo ka ng tao. Mga sir, pwede naba kaming umuwi?"
"Sige mga utoy, Pasensya sa abala at maligayang kaarawan bukas" tumango nal lamang si Nikko at hinigit na ako palabas.
"Salamat boss Nikko ahh, hindi ko alam kung anong mangyayari saakin kung hindi ka dumating. Akala ko nga umuwi kana eh"
"Ulol edi namura ako ni Tita Myrna kung iniwan kita dito. Mabuti nalang at narinig kong nachichismisang ang dalawang babae habang nabili ako. Tinanong ko kung anong nangyari sabi nila may lalaki daw magnanakaw sa karnehan kaya napapunta ako" minsan pala may naiidulot ding mabuti ang mga chismosa.
Sumakay na kami ng tricycle para umuwi.
BINABASA MO ANG
Untold (BL) (OnHold)
General FictionPaano kung kailan tanggap at handa kanang magsabi ng iyong nararamdaman ay tsaka magbabago ang lahat? Yung taong akala mong iingatan at mamahalin ka ay ang magiging sanhi ng pagdudusa at paghihirap mo. Samahan natin ang bidang si Mark na harapin an...
