Katatapos lang namin kumain ng hapunan at ngayon ay nanonood kami ng balita. Wala ni isa ang gustong umimik. Si inay at itay ay abala sa pakikinig ng balita samantalang si Jayson naman ay tahimik na nakayuko sa gilid. Takot nalang nito kay itay.
"Nakipag away ka raw sa school Jayson" pagbukas ni itay ng usapan. Mabait naman si itay, di lang halata dahil bihira lamang itong ngumiti. Isa sa kina aayawan nito ay ang hindi pagsunod sa kanyang mga bilin.
"Yung kaklase ko po kase tay, tinawanan kanina ang ulam ko dahil itlog na naman daw po" umiiyak na sagot nito. Naawa naman ako sa kapatid kong ito. Hindi ko alam na nararanasan pala nito ang mabully sa kanilang paaralan.
"Hindi ba ang sabi ko Jayson ay huwag nang patulan at isumbong nalang sa iyong guro?. Pati pasalamat nga tayo Jayson at may itlog pa tayong nakakain. Tingnan mo ang mga palaboy sa syudad, hirap na hirap sila sa paghahanap ng pagkain diba?" pangaral ni itay dito.
Patuloy pa ring umiiyak si Jayson kaya inalo ito ni inay.
"Jay, anak. Ginagawa ni inay at itay ang lahat para may makain kayong dalawa ni Irish sa school. Pag pasensyahan mo na muna kung itlog na ulit ang ulam mo kanina, ang mahalaga busog."
"Hayaan mo, bukas hotdog naman ang ulam mo. Basta lagi mong tandaan na kaya ka pumapasok sa paaralan ay para matuto hindi para magpasikat, naiintindihan mo ba anak?" tumigil na ito sa pag iyak at tumango tango.
Ito ang gusto ko kay inay at itay, may kanya kanya silang paraan upang disiplinahin at pangaralan kaming magkakapatid. Imbes na pagbuhatan kami ng kamay, ay idinadaan nila sa masinsinang usapan. Ilang beses palang kaming napalo pag talagang sumusobra na kami.
"Huy Mark, anak ng pating. Myrna yang panganay mo ay kausapin mo. Napapadalas ang pagiging lutang niyan"
"May problema ba em-em? Kanina kapa tinatawag ng itay mo, tulala kana naman daw."
"Wala po nay, may naalala po" pag tanggi ko. Hangga't maaari ay ayaw kong magsabi sa kanila dahil baka dumagdag lang ako sa kanilang isipin.
"Ay nga pala nak, hindi kaba pupunta kay Ka Martin para magbenta ng balot?"
"Hindi na po nay, diba nay nakasakit ako noong nakaraan? sa tingjn ko po nay ay dahil iyon sa pag uuli ko hating gabi" pagsisinungaling ko. Hindi ko kayang magkwento sa kanila.
"Ganoon ba, sya una na kami em-em ng itay mo sa kwarto. Pagkatapos mong hugasan ang mga plato ay patayin mo na yang tv at matulog kana rin"
"Sige po nay"
***
Pagkahiga ko ay naalala ko na naman ang mga sinabi saakin kanina ni Nikko.
"Sana pala hindi nalang ako nagtanong" pagkausap ko sa aking sarili.
Naramdaman kong basa ang aking mukha dahil sa butil ng luha. Alam ko sa sarili kong hindi ko ginusto ang nangyari kaya hindi ko maintindihan kung bakit nya ako nasabihan nang masasakit na salita.
Napahawak ako sa aking leeg dahil sariwa pa rin saakin ang pagsakal na ginawa nya. Hindi ganun ang Nikko na kababata ko, sobrang layo sa Nikko na kasabay kong lumaki.
Dati rati, kami ang laging magkasangga. Tuwing may umaaway sa kanya ako ang laging nagtatanggol sa kanya. Tapos ngayon imbes na paniwalaan at ipagtanggol ako sa mga nanamantala sakin, ako pa yung lumalabas na masama.
Pinili kong magsabi sa kanya kasi akala ko maniniwala siya saakin. Simula bata pa lamang kami alam nyang hindi ako nagsisinungaling. Yung Nikko na nananakit saakin kanina, kasalungat sa Nikkong nakilala ko.
Napahagulgol nalang ako sa sobrang pagkabigo at pagkadismaya. Hindi ko na alam kung saan at kanino pa ako lalapit ngayon. Yung pinanghahawakan kong "Kaya ko ito" ay unti unti nang nagiging "Hindi ko na kaya".
Pagod na ako
Pinunasan ko na ang aking luha at umayos na ng higa. Maraming naganap ngayong araw kaya mabilis na akong nakatulog.
***
Alas singko palang ay nagising na ako dahil tutulungan ko si inay para maghanda ng kakainin. Sabi ni inay ay kanina pa daw naka alis si itay. Kasama ulit ng aking tiyuhin.
"Em-em baka gising na sila Aling Susan, kuhanin mo yung ipinahabilin kong hotdog sa ref nila. Kung sakaling sarado pa sila, ito ang pera at bumili ka nalang sa tindahan"
"Ilang piraso ba nay yung pinahabilin mo?" hangga't maaari ay ayaw ko munang magpakita kay Nikko. Hanggang ngayon ay takot pa rin ako sa kanya.
"Isang balot yon, punta kana at gigisingin ko na ang mga kapatid mo" wala na akong nagawa kung hindi ang sumunod.
Wala ng mga magulang si Nikko, parehas nasawi sa aksidente noong bata pa lamang sya. Isa ito sa tinitingnan kong rason kung bakit ganito ang ugali nya ngayon. Ang lolo naman nya ay namaalam na noong grade 7 kami. Sa madaling salita, ang lolo at lola nya ang kinalakiha nya.
Kita sa labas na bukas na ang ilaw sa loob ng bahay.
"Aling Susan?!! tao po" pagtawag ko.
Bumukas ang pinto pero si Nikko ang iniluwa nito. Napayuko na lang ako dahil natatakot akong tingnan siya.
"Ano?" tanong nya
"Yung hotdog daw na ipinahabilin ni inay" sabi ko dito. Narinig ko ang mahina nitong pag tawa.
"Pasok ka, kunin mo sa ref"
Pumasok ako sa loob. habang naglalakad ako paloob ay ramdam kong nakatitig ito sa akin
"Ito na siguro yon" bulong ko sa sarili ko. Ito lang naman ang nag iisang balot ng hotdog dito.
Pagharap ko sa kanya ay nakatitig nga ito, kaso may kakaiba. Hindi ko mawari kung ano ito pero may mali.
Yumuko nalang ako at pumunta na sa pinto para umuwi. Ayokong magtagal dito.
"S-salamat. Pasabi k-kay aling susan, salamat d-din"
Hindi ko na hinintay ang pagsagot nito bagkus ay umalis na ako.
***
"Jayson, Irish ang mga bilin namin ng itay niyo ha?? Jayson ayoko nang mauulit yon"
"Opo nay" sabay nilang sabi
"Nak, Mark. Hatid ko muna itong dalawa. Ikaw na muna bahala dyan, mag walis ka at kung aalis ka naman ay isara mo ang pinto"
"Opo nay, ingat po kayo" kumaway pa sakin si Irish habang papalayo. Napaka kulit na bata.

BINABASA MO ANG
Untold (BL) (OnHold)
Aktuelle LiteraturPaano kung kailan tanggap at handa kanang magsabi ng iyong nararamdaman ay tsaka magbabago ang lahat? Yung taong akala mong iingatan at mamahalin ka ay ang magiging sanhi ng pagdudusa at paghihirap mo. Samahan natin ang bidang si Mark na harapin an...