"Kain pa kayo mga utoy" kasalukuyan kami ngayon at nakwento na ni Nikko ang lahat ng plano para sa darating na birthday ni Aling Susan.
"Bale boss paano pala yon, isasama na ba natin sila bukas o susunduin nalang sa isang araw?" tanong ko.
"Siguro sunduin niyo nalang kami sa isang araw para makapag handa kami ng regalo para kay Susan." mungkahi ng matanda
Tumango tango naman si Nikko bilang pagsang ayon. Pag tingin ko naman kay Adrian ay nahuli ko itong titig na titig na naman sa akin. Bwisit na ito kanina pa itong umaga.
"Aling Cecil ang apo niyo po kanina pa ako pinagtitripan" napalingon naman si Nikko at ang matanda sa kanyang apo.
"Oo nga po pala, nakasabay po namin kanina yan sa jeep. Kanina pa po niyan tinititigan itong kasama ko"
"Baka naman tipo mo itong si Mark apo ha"
"Lola nakain naman eh" mukang asar na ata si Adrian.
"Straight po ako, di po kami talo niyan HAHAHHAHAH" ano kayang trip netong taong to.
Hangga't kaya ko, ayaw ko sanang isipin o magkaroon ng kasintahan lalo sa kalagayan kong walang pera. Aminin naman natin na hindi lang tungkol sa pag ibig ang pagkakaroon ng kapareha, syempre kailangan mo rin ng pera pang date at pangbili nang kung ano ano. Sarili ko nga hindi ko mabilhan ng mga bagay na gusto ko eh.
"Tapos kana ba sunog? lutang kana naman. Ako na po maghuhugas"
Tinulungan ko munang magpunas si Nikko ng lamesa. Pakitang tao amp HAHAHHAHA di naman naghuhugas sa kanila.
"May gagawin kaba?"
"Basta kana lang din nasulpot" siguro kong araw araw kong kasama tong si Adrian, mamamatay ako sa gulat. "Wala naman tol, bakit ba?"
"Gusto mo bang maglakad lakad sa labas?, ililibot kita dito sa barangay namin"
"Sige ba, paalam lang ako kay boss Nikko" abala pa rin ang hudas maghugas ng plato.
"Boss, labas muna kami saglit"
"Kita mong gabi na, baka mapano kapa"
"Kasama ko naman si Adrian, uuwi din kami agad" Lumingon to sakin at tinitigan ako.
"Ano?" para akong papatayin eh.
"Wala, ikaw ang bahala" pinagpatuloy na ulit nito ang paghuhugas. Nag hihintay na pala sa labas ang kasama ko.
"Ano pre, tara na"
"Sige"
"Bakit ba ngayon kalang nag aya, daming oras kanina eh. Hindi pa natin sinama si Nikko" Imbes na sagutin ako, tiningnan lang ako ng kumag na to. Parehas silang siraulo ni Nikko.
Nakabibinging katahimikan ang namag itan saming dalawa. Mag aayang maglakad lakad tapos di naman iimik, maigi pang nandito si Nikko eh, kahit papaano madaldal ang kupal na yon.
"Naniniwala kaba sa love at first sight?"
"BWAHAHAHAHHAHHAH taena pre ang random mo HAHAHHAHHA"
"Gusto kita"
Nabingi ako sa sinabi ni Adrian, galing din neto mang asar eh.
"Ano na naman bang biro yan ha, namumuro kanang unggoy ka sakin"
"Hindi ako nagbibiro" seryoso nitong sabi.
"Straight ako, okay? pasensya na talaga pre"
![](https://img.wattpad.com/cover/340613670-288-k369081.jpg)
BINABASA MO ANG
Untold (BL) (OnHold)
Ficción GeneralPaano kung kailan tanggap at handa kanang magsabi ng iyong nararamdaman ay tsaka magbabago ang lahat? Yung taong akala mong iingatan at mamahalin ka ay ang magiging sanhi ng pagdudusa at paghihirap mo. Samahan natin ang bidang si Mark na harapin an...