"Ginabi na kayo apo" Tiningnan kami nito nang may pag aalala sa mukha. Nandito pala sila inay at itay para tulungan ang lola ni Nikko sa paghahanda para bukas. Si inay ay tumutulong sa paggawa ng mga matamis na pagkain, si itay naman ay nagkakabit ng trapal sa bakuran. Ang dalawa ko namang kapatid ay abalang abala sa paglantak ng pagkain. Kasisiba.
"La, mahabang kwento po. Nabili na namin lahat ng kailangan. Pasok ko nalang po sa loob"
"Sige apo, pero ang mga gatas ay ibigay mo kay Myrna. Iho kayo ba ay kumain na? pasok ka muna, dito kana maghapunan."
"Nako hindi na po, uuwi po muna ako sa bahay para maligo. Pasabi nalang po kay boss Nikko na nasa bahay ako" ang totoo nyan ay gusto kong matulog. Hindi ko alam kung bakit pagod na pagod ang katawan ko.
"Basta balik ka utoy mamaya, magdala kana kaya ng pagkain?" hays, napaka swerte talaga ni Nikko sa kanyang lola.
"Salamat nalang po pero wag na ho, uwi po muna ako. Paulit nalang ho kay Nikko"
Pag uwi ko ay dumeretso na agad ako sa kwarto para matulog.
***
Naalimpungatan ako sa hanging dumadampi sa aking mukha. Pagmulat ko ay sobrang lapit ng mukha ni Nikko. Dali daling lumayo ito mula sa akin.
"Ano bang trip yan boss Nikko. Alam ko namang gwapo ako, magsabi kalang saakin kung gusto mo ng kiss"
"Lamig dito ahhh, biglang lumakas ang hangin. Chineck ko lang kung huminginga kapa sunog, ikaw ba namang magkaroon ng kasamang gwapo maghapon, ewan ko nalang kung di mo makalimutang huminga" sabay taas baba ng kanyang kilay.
Ahhh, magaslaw kang kupal ka, *tsup* tunog nang bigla ko itong hinalikan.
"PWEEEEEEEEHHHHHHH, KADIRI AMPUTA!!! PWEH PWEEEEHHH"
"HAAAHHHAHHAHAHHAA, Gaslaw mo kasi boss, napapala mo. HHAHAHAHAHAA" Busangot ang itsura nito habang pinupunasan ang kanyang labi. Kaya mas lalo akong natawa.
Tumayo ako para maghilamos ng mukha, paglabas ko ay nakita kong may pagkain sa lamesa. Dala sigurl ni kupal.
"May pagkain dyan sa lamesa, para sayo yan" Tiningnan ko ito, natatawa pa rin talaga ako itsura nito.
"Salamat boss, lapit ka nga saakin. Dali na kiss kita" unti unti ko itong nilapitan. "Layuan mo nga ako sunog, baka masuntok na kita" sabay pakita ng kamao. Tinawanan ko nalang ito.
Habang kumakain ako ay pinagmasdan ko si Nikko, nakapagtataka lang na sa gwapo nito ay hanggang ngayon wala pa din itong nagiging girlfriend.
"Anong tingin yan sunog, nananahimik na ako eh"
"Wala kabang nililigawan boss Nikko?" tanong ko.
"Bakit? aagawin mo no??"
"Parang tanga naman tong kausap eh, nagtatanong nang ayos yung tao"
"Wala, bakit kasi tanong ka nang tanong" iritable nitong aagot
"Bakit wala"
"Inangyan tanong na naman, bahala ka nga dyan. Di nalang baga kumain"
Tumayo ito at kinuha ang photo album namin. Nakakaramdam akong pagtatawanan na naman ako nito.
"BWAHAHAHHAHAHHAHAH" sabi na nga ba, ang hayop picture ko siguro ang nakita.
"Tanginang HHAHHAAHAHAH, mabuti sunog nakikita kapa ng magulang mo noong bata ka. AHHAAHAHAHAHAH" lakas tama neto. Kanina galit tas ngayon tawang tawa. Lumapit ito saakin dala ang photo album.
"Sunog tingnan mo itsura mo HAAHHAHAHAAHA, balat paba yan? HAHAHAHAHHAA libag na may konting balat amputa HAHAHAHAHAA.."
Nasamid ako sa mga pinagsasabi nito. "Tub-tubig boss" kumuha ito ng tubig at inabot saakin.
"Dahan dahan lang kase, akala mo naman aagawan" at talagang sinisi pa ako. "Ako pa talaga sinisi mo, ibalik mo nga yang album doon. Nasasamid ako sa mga pinagsasasabi mo" singhal ko dito. Ibinalik naman nito ulit sa kanyang pinagkunan.
***
Hinuhugasan ko ngayon ang pinagkainan ko. Ano kayang oras uuwi sila inay. May trabaho pa bukas sila ni itay tapos ang mga kapatid ko naman ay may pasok pa.
"ARAAAYY!!! BWISIT KA NAMAN NIKKO" tangina, tadyakan ba naman ako. "Ang tupperware na dala mo noong nakaraan, di mo pa sinasauli. Ayun oh" sabay nguso sa lalagyan ng plato. Nakalimutan kong ibalik. "Ay bakit kailangang may tadyak, pag ako talaga natapos dito, ano suntukan?" hamon ko sa kanya.
"Palaki ka muna sunog, pati ang sabi ko pag hindi mo binalik ay tatadyakan kita" hanep nayan, seryoso pala ang hayop sa banta nya. Akala ko biro lang.
"Anong oras daw uuwi sila inay boss Nikko?"
"Doon na daw muna sila tutulog, tutulungan daw nila si lola. Maluwag naman doon bakanteng kwarto. Tapos sabi nga pala ni Tita Myrna ay pinayagan daw sya ng kanyang amo na lumiban, pero ang Tito daw ay uuwi mamaya dahil di daw pedeng lumiban yon"
"Ay ang dalawa kong kapatid?"
"Nako, knocked out. Tulog parehas nang umalis ako. Napagod ata kakakain HAHAHHAHAAH. Di rin daw papasok ang kapatid mo at minsan lang naman daw umabsent."
Hay nako si inay, pati naman mga kapatid ko ay idinamay pa.
***
Katatapos ko lang maghugas at nandito kami ngayon sa tapat ng aming bahay nakatambay. Ngayon ko nalang ulit naranasang magkaroon ng kaibigang makakasama. Karamihan kase sa kapitbahay naming kaedaran ko ay hindi ako pinapansin dahil hindi daw ako makasabay sa kanila, mapa materyal na bagay man o hindi. Mabuti nalang namumukod tangi si Nikko sa lahat. Tanggap nya pa rin ako kahit na matagal kaming hindi nag-usap.
"Happy birthday in advance nga pala boss Nikko"
"Maraming salamat sunog"
"Pasensya kana ahhh, wala akong regalo sayo"
"Parang ewan to, yung tulungan niyo kami ni lola sa paghahanda, malaking regalo na yon"
Hindi ako nagkamali na bigyan si Nikko ng pangalawang pagkakataon. Manang mana sya sa kanyang lola ng kabaitan.
"Sweet naman, kiss nalang kita"
"Kiss mo mukha mo"
"Yieeeeee. Gusto rin naman"
"Pakyu"
HAHAHAHAHAHAHAHAHA

BINABASA MO ANG
Untold (BL) (OnHold)
Aktuelle LiteraturPaano kung kailan tanggap at handa kanang magsabi ng iyong nararamdaman ay tsaka magbabago ang lahat? Yung taong akala mong iingatan at mamahalin ka ay ang magiging sanhi ng pagdudusa at paghihirap mo. Samahan natin ang bidang si Mark na harapin an...