"Magpaliwanag nga kayong dalawa" nakakatakot ngayon ang mga titig ni Nikko. Ang pula din ng mukha nito tandang may tama sya ng alak. Nawala ang kalasingan ko sa kahayupan ni Adrian. Ang bobo naman kase, kalalaking tao napaka tanga.
Si Adrian pala ang nagbuhat sakin papunta doon sa extrang kwarto nila Nikko, tapos naramdaman kong may humahalik sakin, pagkamulat ko nakita ko itong kumag na ito. Ang malala nahuli kami ni Nikko kaya heto, galit na galit.
"Ano? hindi ba kayo iimik?! Putangina Adrian, may Janna kana, pati ba naman itong si Mark papatusin mo? Putangina mo pre, doon tayo nga sa labas at ikaw Mark, pumasok ka sa kwarto ko, mag-uusap tayo mamaya" nauna nang lumabas si Nikko, kasunod nito ang pangiti ngiting si Adrian na parang nang aasar pa, tangina nakakapang gigil.
Hindi ako mapakali ngayon kase kanina pang may kumakalmpag sa labas. Wala namang umawat dahil tulog na sila Aling Susan at Cecil, ang nga tropa naman ni Nikko ay bagsak narin.
"Tangina mo talaga Adrian, bwisit bwisit" bulong ko. Hindi ba sya nandidiri sa pinag gagagawa niya.
Kakasabi ko laang sa kanya na wag syang gagawa nang ikakasakit ni Janna, bwisit na lalaking yan.Narinig ko ang yabag paakyat at mukang si Nikko na ito. Pagpasok nito ay may mga sugat ang kanyang mukha, tama nga ako, nakipagsuntukan ang ulaga.
"Putangina Mark, bakla kaba?" biglang nagflash sa akin ang araw na pinagsamantalahan ako. Hindi ko naman ginusto ang lahat, walang sino mang tao ang gugustuhin ang ganon. Bakit tuwing may nangyayari saaking hindi maganda ay ako ang sinisisi.
"Mark, ano? magsalita ka naman!" tiningnan ko lang ito. Ni isang salita ay walang lumabas sa aking bibig. Hinayaan ko nalang na umimik sya nang umimik. Wala na rin namang saysay kung magsasalita pa ako kaya mas mabuting hayaan ko nalang sya.
"Umuwi kana" tumayo ako at nilampasan na ito. Pinairal na naman niya ang kanyang pagka makitid. Naabutan ko pang papasok ang sugatang si Adrian, sinamaan ko lang ito ng tingin.
Kung tutuusin kaya ko naman lumaban, kaya kong balian ng buto si Adrian. Kaso tuwing naiisip kong gaganti ako ay biglang lumilitaw sa utak ko ang mga magulang ko. Mahirap lang kami, paano kung masaktan o mas malala ay mapatay ko iyon, ang laking eskandalo non at wala kaming laban dahil wala naman kaming pera.
Kaya tinatanggap ko nalang lahat dahil ayaw kong bigyan ng isipin ang mga magulang ko. Hanggang kaya kong magtiis, ay mag tiis ako.
Hindi pa ako nakakalayo ay nakaramdam ako ng mabigat na braso sa aking leeg.
"Pasensya kana Mark. Bukas kana umuwi, baka kung mapaano kapa dyan" napatango nalang ako. Hating gabi na, baka kung ano na naman mangyarin sa akin.
***
Kinabukasan ay inimis na namin ang mga kalat dahil nakakahiya naman sa may bahay. Nakauwi na rin ang mga kaibigan ni Nikko at nagtataka nga ang mga yon sa mga sugat nung dalawa. Pati sila Aling Susan at Cecil ay napatanong din sa kung ano ang nangyari pero ang sabi lang ng dalawa ay nagtumba sila.
Naulit ni Aling Cecil na baka bukas ay nakauwi na sila at sa wakas ay mababawasan na ng tanga sa buhay ko. Hindi ko pa rin pinapansin ang apo nito at wala na akong balak pa.
Si Nikko, todo bawi ang kupal. Nakonsensya ata sa pinagsasasabi niya kagabi. Kinakalimutan ko na nga pero ang kumag sorry nang sorry kaya laging bumabalik sa isip ko.
"Sunog sorry na ha" ayan na naman sya.
"Oo na nga, kulit mo naman boss" uulit na naman yan maya maya.
"Apo, tulungan mo nga akong buhatin to" tawag ng kanyang lola
"Dyan ka muna sunog, sorry ulit ha" anak ng tokwa talaga.
Tumambay nalang muna ako sa harapan ng bahay nila Nikko at saktong pasok naman ng gate ng apo ni Aling Cecil, titingin tingin pa akala nya cool sya. Tsk.
"Wag kang dumikit pre, baka masuntok na kita"
"Masarap ba?" tanong nito.
"Ha??"
"Wag kanang magkunwari pa Mark, pustahan may nangyayari sa inyo nyang si Nikko?. Ano malaki ba? wag kang mag alala malaki rin ang sak-"
Hindi ko na napigilan at nabigwasan ko na ang pagmumukha ng hayop na ito. Hindi pa nga gumagaling ang bangas niya sa mukha, nadagdagan na naman.
"Tangina mo, hindi ako bakla." susuntukin ko pa sana ulit ito nang inawat na kami ni Nikko. Mahigpit nitong hinawakan ang kamay ko at hinila palayo.
"Ano ba talaga ang problema mo pre, baka gusto mong isumbong na kita sa lola mo."
"Hayaan mo na boss Nikko, nakasuntok na naman ako hehe"
Sabi ni Aling Cecil mabait daw tong apo niya, bakit parang hindi naman. Ano kaya ang nakita ni Janna sa lalaking to at pinatulan pa. Nilampasan lang kami ni Adrian sapo sapo ang kanyang pisngi.
"Ayos kalang ba sunog? iwasan mo na nga yang lalaki yan" parang hindi ko sinusubukan. Lalapit lapit sya para mang asar eh.
"Hindi naman siguro magsusumbong yan boss kay aling Cecil no? wala pa naman ako pampagamot"
"Hindi yan, ako bahala sayo" napanatag naman ako. Paano pa kaya pag naisipang lumipat nila dito, edi katapusan ko na. Hayssss.
Nagpaalam nalang muna ako kila aling Susan na uuwi para makapagpahinga. Baka kung ano pang mangyari pag nakasalubong ko na naman si Adrian, mahirap na.
![](https://img.wattpad.com/cover/340613670-288-k369081.jpg)
BINABASA MO ANG
Untold (BL) (OnHold)
Fiction généralePaano kung kailan tanggap at handa kanang magsabi ng iyong nararamdaman ay tsaka magbabago ang lahat? Yung taong akala mong iingatan at mamahalin ka ay ang magiging sanhi ng pagdudusa at paghihirap mo. Samahan natin ang bidang si Mark na harapin an...