Chapter 21

71 5 0
                                        

"La, bale doon po kita idadaan sa likod namin para hindi tayo makita ni lola" pagpapaliwanan ni Nikko. "Nandoon na din po ang cake, ikaw po ang magpapablow sa kanya" dagdag pa niya.

Ngayon na nga pala ang kaarawan ng matanda. Lahat kami ay excited sa mangyayari, ang lola ni Adrian ay kanina pang hindi mapakali dahil gustong gusto na nito makita ang kanyang kapatid.

Naiwan doon sila itay para magbantay ng mga pagkain, si inay naman ang nakatoka sa pag aayos kay aling Susan, kami namang tatlo nila Nikko ang naghahanda sa gagawin mamaya ng lola ni Adrian.

Nagsimula na kaming magsikilos dahil ayos na daw ang lahat doon sabi ni Jayson na kakadating lamang, sa kanya ko na pinadala ang regalo na ibibigay namin mamaya.

"Tita Myrna, nakapiring na po ba ang lola?"

"Oo utoy, pwede mo na papuntahin si aling Cecil"

Si Adrian na ang umalalay sa kanyang lola bitbit ang cake papalapit sa kanyang kapatid. Si Nikko naman ay hinanda ang camcorder para kunan ang ganap. Ako naman, wala kasama sa mga kakanta hehe.

"HAPPY BIRTHDAY TO YOU! HAPPY BIRTHDAY TO YOU! HAPPY BIRTHDAY, HAPPY BIRTHDAY, HAPPY BIRTHDAY TO YOU"

"Pwede niyo na pong hipan ang kandila" si Janna na pala ang naghost. "Pwede po bang mag count tayong lahat, pakitanggal po ng piring pagkabilang namin ng 100, biro lang po, pagkabilang po namin ng 3" natawa naman ang lahat, mukang maalam maghost si Janna ahhh..

"1"
"2"
"3"

Ang kanina pang maluha luhang lola ni Adrian ay tuluyan nang umiyak nang masilayan ang muka ng kapatid niyang matagal na hindi nakita.

"O diyos ko, ang kapatid kooo! Ceciliaa?" napahagulgol nalang si Aling Susan sa kanyang nakita. Ang ilan sa mga bisita ay umiiyak na rin, miski ang inay ay sumisinghot na.

"Maligayang kaarawan, Susana." bati ni Aling Cecil. Muntik pang mabitawan nito ang cake dahil niyakap sya ni Aling Susan. Nagpaikot ikot ang dalawa habang magkayap na parang mga bata na nanalo sa laro.

Nang medyo humupa ang emosyon ng dalawa ay naupo na ang mga ito. Sinabihan kami ni Janna na magbigay raw kami ng mensahe para sa may kaarawan.

"Magandang hapon po sa ating lahat" paninimula ni Nikko. "Una sa lahat, gusto kong batiin ng happy birthday ang maganda kong lola. Nagpapasalamat po ako sa mga dumalo sa kaarawan ng aking lola, nagpapasalamat din po ako sa inyo lola Cecil at Adrian sa pagpunta, at lalong lalo na kila Mark at sa pamilya nya sa pagtulong. Gusto ko lang po sabihin na mahal na mahal kita lola at walang sino man ang makakatumbas non, salamat po dahil pinalaki niyo ang nang maayos kahit minsan ay sakit ako sa inyong ulo"

"Anong minsan, lagi kaya" natawa naman kami sa hirit ng lola nya.

"Sana po ay bigyan kayo ng malakas na pangangatawan at wag dapuan ng sakit. Yun lang po, happy birthday po ulit la." niyakap nito ang kanyang lola sabay hinalikan sa ulo.

"Happy birthday po lola Susan" si Adrian naman ang bumati. "Ako nga po pala ang gwapong apo ni lola Cecil" napakunot ang noo ng matanda, siguro dahil akala niya tropa lang namin si Adrian HAHAHHAHA.

"Ako po yung pinipitik pitik niyo ang pututoy nung bata papo ako, sana po wag niyo na po akong pitikin ngayon hehe, gusto ko lamang pong sabihin na sana po ay, anong sabi ni nikko? maging malakas? ang sakin naman ay sana mas maging malakas pa kayo dahil bibigyan ko pa po kayo ng apo HAHHAH" pati mga bisita natatawa sa kalokohan nitong usbaw na to. Inabot nito ang regalo kay Aling Susan at ako naman ang susunod nag magsasalita.

"Happy birthday po Aling Susan, maraming salamat po dahil napakabuti po ninyo sa aming pamilya, maraming salamat po dahil tuwing may kailangan po kami ay madali po namin kayong nalalapitan. Sana po ay bigyan po kayo ng pinaka malakas na katawan at kotongan niyo po yang magpinsan dahil parehas po silang luko" pagka abot ko ng regalo ay nag aagawan pa yung tatlong kaibigan ni Nikko sa microphone, magtotropa nga sila.

"Happy birthday po Lola, shot po tayo" alok ni Carl.   Kinuha ni Aling Susan ang mic at mahinang ipunukpok sa ulo ni Carl. Puro kase kalokohan

"Maraming salamat sa inyong lahat, sa mga pumunta, tumulong, maraming salamat ulit. Nawa ay mabusog kayong lahat sa munti naming handa" nagpalakpakan ang lahat matapos magsalita si Aling Susan. Naging abala na ang mga tao sa pagkuha ng kani kanilang pagkain.

"Sunog, inom tayo mamaya. Ano G? bawak tumanggi magagalit si lola"

"Sino ba mga kasama?"  inang to, nag tanong pa eh bawal pala humindi.

"Tayo lang nila Carl, pakilala din kita dun sa dalawa kong tropa. Kasama din sila Janna at Adrian" natahimik ako, tanggap ko na naman pero ang hirap pa rin sakin dahil ang tagal kong gusto yung tao tapos isang araw ganto na pala.

"O alam ko yang iniisip mo, hayaan mo na yon andine naman ako"

"Taena ka umayos ka mamaya ha"

Ngiting loko na naman ampota

***

"TAGAY PAAA!!" di ko alam bat ako sumama. Ang gagaslaw lalo si Carl, ang hilig humawak at mang yapos. Nakilala ko na rin sila John at Ryan. Si John may pagkatahimik, kabaligtaran naman ni Ryan na sobra ding daldal tulad ni Carl.

Samantalang sila Adrian at Janna, parang mga lovebirds, kulang nalang guyamin ang dalawa sa kasweetan. Iniiwas ko nalang ang tingin ko sa dalawa para hindi ako maapektuhan. Itong si Nikko naman kanina pang akbay nang akbay, akala niya ata magaan sya.

Nakailang bote na rin kami at tumatama na sa akin ang alak, hindi pa naman ako sanay uminom.

"Iihi lang ako mga tol" nagpaalam na ako at baka dito pa ako sumuka. Hilong hilo na rin ako, hindi na talaga ako iinom.

Rinig na rinig ko ang ingay nila, samantalang ako umiikot na ang paningin at mukang dito na ako makakatulog sa cr. Hindi ko na kayang pigilan pa ako pinaghalong hilo at antok kaya naman unti unting nilamon na ako ng kadiliman.

Untold (BL) (OnHold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon