Chapter 12

119 8 0
                                        

NIKKO

"La, ano pala plano natin sa birthday mo?"

"Magluluto lang ako nang maunti, sabihan mo nalang sila Myrna na pumunta"

Sabi ko kay lola mag outing nalang kami sa birthday nya, kaso ang matanda ayaw naman, dagdag gastos lang daw.

Sa buong buhay kong nakasama yang si lola laging handa lang nang kaunti ang ginagawa, ewan ko ba at ayaw nyang subukang lumabas manlang. Kahit sabihin kong ako na ang sasagot ng gastusin ay ayaw pa rin. Sasabihin lang sakin nyan "Aba, nagtatae ka yata ng pera kung makasagot ng gastusin" o kaya ay ang kinaiinisan kong "Itabi mo nalang yan at di na rin ako magtatagal".

Pero tuwing iniisip ko ang sinasabi nyang yon ay hindi ko maiwasang malungkot. May edad na rin kase si lola, gusto ko namang gawin lahat para mapasaya o makabawi manlang. Kaya sana ay sumaya sya sa pagbalik ko sa pag aaral.

Alam kong sakit ako ng ulo minsan kay lola, kaya araw araw ay sinusubukan kong maging mas mabuting apo sa kanya dahil sya nalang ang meron ako, ayaw kong ako ang maging dahilan ng kanyang pagka wala, hindi ko kakayanin. Kung pwede nga lang ibigay kay lola ang kalahati ng buhay ko ay gagawin ko, mas tumagal lang sya dito sa mundo. Ganon ko kamahal ang lola ko.

Kaya kung buhay pa mga magulang o lolo at lola niyo, do you best para mapasaya sila, dahil hindi natin hawak ang oras, wag naman sana pero baka bukas o sa makalawa ay wala na sila.

"Nga pala apo, ikaw ga ay papasok ngayong taon?"

Kung minamalas nga naman.

"Ah eh, hehe" ano ba naman yan, epic failed ang regalo ko.

"Diba papasok si Mark ngayon pasukan, sabay kana kaya apo?"

"La, sa birthday mo ko pa sana sasabihin eh, regalo ba, oo la papasok ako"

Nakita ko namang lumapad ang ngiti nito at niyakap ako. Lumuha pa talaga ang matanda eh, ganon ba talaga sya kasaya, siguro ay masaya lang talaga ang lola.

"Aling Susaaan!?" boses to ni tita Myrna ah, lumabas ako at pinuntahan ko ito.

"Pasok po kayo, la, tawag kayo ni tita Myrna, asan po pala si Mark?"

"Nako utoy may pinuntahan eh kasama si Jayson, dun kila Michael. Aling Susan, makikihabilin po sana ulit ako sa ref, sa isang araw ko na po ulit kukunin"

"Sige, pasok mo nalang dyan, punta pala kayo sa katapusan, kaarawan ko, ay may kaunting handa, sama mo ulit sila Manuel at mga bata"

"Ay sige po, makakaasa po kayo. Uuna na po ako aling Susan, maraming salamat po. Utoy punta ka nalang sa bahay pag naisipan mo"

"Sige po tita, ingat po sa daan"

***

"La, bili lang ako, saglit lang. Pramis"

"Isara mo ang gate pagka uwi mo, tutulog na ako. Ikaw na bahala dyan"

Kung doon kaya ako makitulog kila Mark, kaso gabi na baka sarado na mga yon. Bukas nalang siguro, pati wala palang kasama si lola. Si Mark nalang pala ang patulugin ko sa amin.

Potang sunog na yon grabe rin pala makaharok ang kumag, dinaig pa mga horror movies sa sound effects ng bibig nya. Kung hindi pa sipain hindi pa titigil sa pagharok.

"Pabileeee!" hanep na tindahan to, mauuna pa yata akong mayamot kesa pagbilhan.

"Pabileeeeeeeee!!"

"Ano?" tanong ng tindera, dahil matagal ka, ito bagay sayo.

"Secret" sabay alis sa tindahan. Ayan ang napapala, kainis kase, alam naman niyang may nabili at imbes na pagbilhan agad ako ay tiningnan lang ako sabay nood ulit sa tv.

Nawala tuloy pagke-crave ko sa softdrinks. Naka raming beses na non gawin sakin yon, wala namang ginagawa eh, tagal na tagal magtinda. Sana di nalang sila nagbukas.

Hindi lang yon, mahal din mga paninda sa tindahan na iyon. Biruin mo ang sardinas ay umaabot nang trenta sa kanila, ano ba laman non gintong isda at ganon sila makapresyo. Kaya sabi ni lola ay wag daw ako don bibili at grabe, lalagnatin ako sa presyo.

Konting konti nalang isusuplong ko na ang tindahan nayan sa baranggay. Bukod sa mahal na nga ang mga paninda, eh katagal bago puntahan ang bumibili. Kala mo naman kaganda ng babaeng yon, sungit na sungit mukha namang singit.

"Ay bad, bad yan Nikko" pagsuway ko sa sarili ko. Lagi kase akong sinasabihan ni lola na huwag daw akong magsasalita nang di maganda sa kapwa. Tinatanong ko kay lola kung may exception, sabi niya wala, kailangan ko raw magpakumbaba. Tapos tinanong ko paano kung mahaba ang baba, aba ang matanda, sinapok lang ako.

"Sorry la, kung lumabag ako" bulong ko sa sarili ko. Minsan lang naman lola hehe, hingi nalang din ako ng sorry kay Jesus. Namumuro na sakin ang tindera na yon eh.

Maaga pa naman, makatambay nalang siguro kila sunog at baka nakauwi na ang animal na yon. Hindi manlang ako sinabihan na may pupuntahan ampota.

Natawa nalang ako sa sarili kong pinag iiisip. Bakit nga naman nya kailangan magpaalam saakin, kasintahan ba ako?. Haysss bahala sya, may araw ka rin saking sunog ka.

Untold (BL) (OnHold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon