Epilogue

571 25 5
                                        

Epilogue:

 

Janella's POV:

 

"Congratulations!" bati sakin ni Andrea. Niyakap niya pa ko ng mahigpit.

"Ma-mimiss ka namin.." dugtong naman ni Brenda na nakiyakap na rin.

"Ayyyyy! Makikiyakap at makikidrama na nga rin ako sa inyo mga beksss!" nakiyakap na rin si Taray.

Apat na taon na ang nakalipas simula nang mag-umpisa ako sa pepsquad. Sila na rin ang naging pamilya ko sa loob ng mahabang taon. Dito ko nahasa ang kasanayan ko bilang isang cheerleader. Hindi man academic ang field ko ngayon, pero swerte ko parin kasi may kakayahan pala ako sa isports. Thankful din ako kasi kundi dahil ditto, wala akong scholarship. At kung wala akong scholarship, malamang, hindi rin ako ga-graduate ngayon.

"Parang dati lang.." sumingit si Dom habang nag-uusap kaming tatlong magkakaibigan. "Dati—takot na takot kang i-toss kahit cradle lang, ngayon nakakapag x-out double full ka pa!"

"Oo nga! Tapos kapag partner stunts, lagi ka pang nagwa-wabble. Laging nanginginig ehh. Kala mo nangingisay! HAHAHA" tawanan naman ang lahat.

"Ang yabang mo Jugz! Ikaw nga ehh. Hanggang ngayon hindi mo padin kayang mag-round off back hand back tuck! Ang tagal mo na dito sa pep diba? Ga-graduate ka pa ba?" bira ko naman sa kanya.

"HAHAHAHA! WALA KA PALA JUGZ EHH!" kantyaw nang lahat sa kanya.

"Uyyy! Mahal ko ang pep, kaya di muna ako gagraduate. Tsaka walang personalan Jaja."

"Ang sabihin mo. Lagi kang binabagsak ng mga prof mo kasi di ka nag-aaral. HAHAHA." Muli na namang nagtawanan ang lahat sa sinabi ni Dom.

"Ohh tama na 'yannn! Congrats anak!" lumapit sakin si coach at yumakap sakin ng mahigpit.

"Thank you Coach. Utang ko sayo ang lahat ng 'to. Salamat din Guys!" Halos maluha-luha na ko ng sinasabi ko 'yun sa kanila. Saktong dating naman ni Ralph.

"Rap Rap! My loves!" lumapit ako kay Ralph at yumakap.

"Wag naman Rap Rap, my loves. Di nga nila alam 'yun ehh." Sumimangot siya sakin pero ngumiti ulit.

"Yieeeeeeeee!" kantyawan na naman ang buong grupo. Ang sweet kasi namin ni Ralph kung titignan. Parehas kaming magkayakap na parang ayaw humiwalay sa isa't-isa.

"Sinong nagpapa-iyak sa my loves ko kanian HA?!" tanong ni Ralph sa grupo.

"SI JUGZ! SI JUGZ TALAGAAA!!!" sabay-sabay silang tumuro kay Jugz.

"Okay ha!? Baka ako ang inaway.." depensa naman ni Jugz. Lahat naman ay nagtatawanan sa kanya at sumisenyas ng "Lagot ka!"

Lumapit naman si Ralph kay Jugz ngunit mabilis nang tumakbo ito sa court. Nagpaikot-ikot lang sila hanggang sa mapagod na rin si Jugz. Ayun! Binugbog ni Ralph ng wala sa oras si Jugz. HAHAHA. Panay salag lang ni Jugz. Sa laki ba naman ni Ralph ehh. Ilang saglit pa'y bumalik na si Ralph sa pwesto namin.

"Okay guys, lets congratulate Jaja and Ralph. Alumni na sila ngayon." Palakpakan naman ang mga grupo.

"Thanks Coach! Thanks talaga sa inyo! Utang na loob namin ito sa squad."

"Basta support ha!?" sabi ni Coach sakin. "Oo nga!" gatong naman nila.

"Yes. We promise." Sabi naman ni Ralph.

Oo kasabay ko rin ngayong taon ga-graduate si Ralph. 'Yung mga iba sa grupo dapat graduate na rin. Mas mauuna pa nga sila sana kaso napapabayaan nila ang pag-aaral nila kaya nagre-repeat sila. Mas gusto daw nila 'yun kasi ayaw nila iwan ang squad. Hindi naman pwede palagi akong nasa squad. Malilintikan ako kay Mama. Hehe. Susuportahan parin namin ang laban ng squad. Pinangako namin kay Coach 'yun.

Sa apat na taon, naging tahimik naman ang pagmamahalan namin ni Ralph. Minsan nagkakatampuhan pero hindi naman siguro maiiwasan ang ganun sa isang relasyon. Kilala na siya ni Mama at ni Bunso.Nakilala na rin ako ng Mama at Papa ni Ralph. Hindi ko masabi kung okay ako sa kanila, pero I try to work it out para na rink ay Ralph. Basta alam kong nandiyan si Ralph sakin at sinusuportahan ako, panatag ako. Right now, we're looking forward sa career namin para sa future. Naniniwala kasi kaming MAY FOREVER. <3

Love Is In The AirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon