Chapter 21:
Catch and Fall
"Pre sige na.."
Nagtaka naman ako kasi biglang umalis si Dom sa likuran ko. Hindi ko pa makita si Dom pati yung lalaking nagsalita kasi naka-focuse ako sa ginagawa ko. Nakayuko ako at pilit kong inoinda yung sakit ng paa ko. Para kasing binabatak hanggang sa singit. Nung medyo nagong okay na ko, tinignan ko yung lalaking nagsalita kanina. Si Ralph. Nandyan na siya kasama si Brenda.
"Sandali.. Bitawan mo ko!"
"Ako ang magtuturo sayo.. Ako lang.. Diba hindi pa nga tayo tapos sa deal naten diba?"
"Anong deal? Tapos na! Alam ko na lahat!"
"Sigurado ka?"
Hinatak niya ko papunta sa likuran. Halos masubsob naman ako sa ginawa niyang paghatak sakin. Naiwan naman si Brenda kasama ng ibang kagrupo namin. Hindi pa man kami nakakalayo, narinig ko yung pag-uusap nila Coach Scott.
"Hoy! Ano pang hinhintay mo Brenda? Magbihis ka na! Humabol ka sa warm up bilisan mo!"
"Ah.. Ehh.. S-sabay na lang po kami ni Ralph?"
"Hindi na! Hayaan mo silang dalawa ni Jaja dun.."
Pati ba naman si Coach? Hayss.. Okay na nga ako kanina eh. Kahit papano nagkaron ako ng peace of mind nung wala si Ralph. Pag kasama ko kasi siya, parang ang bilis bilis ko mabuwisit. Parang badtrip ako palagi! Nakaka-stress.
Pero sa totoo lang?
Sa kabila ng mga yun, namimiss ko siya..
At namimiss ko din yung sinabi niya..
*flashback*
"Arayyyy! Masakit!"
"Wala pa nga ehh.."
"Anong wala!? Hello! Nasasaktan na kaya ako.. Pwede bang dahan dahan.. Ka---"
"Pag di ka tumigil hahalikan kita."
Tinulak ko siya pagkarinig ko nung sinabi niya. Nakaupo ako nun tapos para akong naka-indian sit. Ang kaibahan lang, magkadikit yung kanan at kaliwa kong paa. Siya naman binabatak niya paibaba yung mga hita ko. Nasa likuran ko siya at magkadikit yung katawan namin. Kung titignan mo sa malayuan, para kaming couples.
"Manyak ka talaga!"
"Ang daldal mo kasi! Tska hindi nga ako manyak!"
BINABASA MO ANG
Love Is In The Air
Novela JuvenilSi Janella Jade Jorigue ay isang Salutatorian graduate sa isang public High School. Sinong mag-aakalang sa sobrang talino niya ay bobo pala siya sa pag-ibig? Nagawa siyang paikutin at bilugin ng pinakamamahal niyang si Syke. Ang kanyang first boyfri...