Chapter 15 - Good News Times 2!

433 23 1
                                    

Chapter 15

Double Good News?

Bumili na ko ng mga kakailanganin namin sa bahay. Masaya ako ngayong araw na 'to. Nakakagoodvibes! Yes! Finally makakapag-aral na ko. Finally makakapag college na ko at matutupad ko na dn amg mga gusto ko. Dun pa sa kilalang eskwelahan ako mag-aaral. Wow lang! Wala akong masabe. Basta ang alam ko. Masaya ako ngayon.

Pag-uwi ko sa bahay, binalita ko sa bahay ang magandang nangyari sakin. Wala si bunso dahil pumasok kaya si Mama lang ang naabutan ko pag-uwi ko. Medyo nalungkot ako dahil masama padin ang pakiramdam niya. Sana gumaling na siya. Pero ibabalita ko padin yung nangyari kanina. Baka sakaling gumanda ang pakiramdam nya sa ikkwento ko. Sa tingin ko naman magugustuhan niya yun. Alam kong gusto nya din na makapag-aral ako sa kolehiyo. Isa pa, para samin din naman 'to. Nangako ako sa kanyang bibigyan ko sila ng magandang buhay. Pag-aaralin ko pa si bunso. Nangako kami sa isa't isa na magtutulungan kaming pamilya.

"Mama!"

Walang sumagot. Pumasok ako ng kwarto baka natutulog lang. Pagpasok ko wala siya dun. Teka? Nasan kaya yun! Diba masama pakiramdam nya? Kanina lang iniwan ko pa siya sa sofa na nagpapahinga.

"Mama..!? MAMA.."

Pumunta ako sa kusina pero wala din siya dun. Pumunta na din akong banyo pero wala din siya. Nasan kaya siya? Bigla naman akong kinabahan. Napaltan ng kung anoman yung saya ko kanina. Nagsimula nang umandar ang pag-iisip ko ng kung ano-ano. Baka napano na si Mama. Baka may kumuha sa kanya. Pero sino naman? Baka mamaya pinasok yung bahay. Haysss.. Mama, nasan ka na ba kasi?

Lalabas na sana ako para magtanong-tanong ng biglang nakita ko si Mama papasok ng bahay.

"Ma! Anong nangyari!? San ka galing? Di ba masakit ulo mo?"

"Okay lang ako.. Halika Nak, may babalita ako sayo."

"Ano yun!? Maganda ba yan?"

"Dun tayo sa loob.."

Pumasok na kami ng bahay. Ano kayang ibabalita ni Mama? Baka naman nanalo siya sa lotto? Hehe. Kung ano man yun, sana maganda.

"Ma, san kaba kasi nanggaling?"

Tanong ko sa kanya habang ipinagttimpla siya ng mainit na gatas. Makakabuti kasi yung gatas na yun para sa kanya. May gamot kasing nakahalo dun na bilin sa kanya ng doktor nung minsan kaming nagpacheck-up sa ospital para sa ubo niya.

"Nakausap ko si Aling Belen.."

"Ohh tapos?"

"Pumayag na siya.."

"Pumayag na ano!?"

"Patapusin mo muna kasi ako.. Tanong ka agad ng tanong!"

Love Is In The AirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon