Chapter 3 - Break Up!

679 44 8
                                    

Chapter 3

Break Up!

Syke's POV

Hindi ko alam kung dapat akong maguilty sa mga nangyayari. Kung tutuusin ako naman talaga 'yung may kasalanan kay Jaja. Ako yung may mas maling nagawa sa kanya. Hayss.. Ano ba naman yan! Nakokonsensya na naman ako. Nasa labas lang ako ng gate ng bahay ni Lucy. Papasok na ba ko?

"Uyyy Bakit nandyan ka sa labas?" bumungad sa harap ko si Lucy nang hindi ko namalayan agad.

"Ahhh.. Ehhh.. A-ano.." hindi tuloy ako agad nakapagsalita.

"Nandoon na si Jaja sa loob ahh!?" Hindi ko pinansin yung sinabi niya.. Matapos niyang sabihin iyon ay muli siyang naglakad.

"Saan ka pupunta Lucy?" tanong ko sa kanya.

"Ahh.. bibili lang ng chaser, wala na kasi ehh..."

"Ganun ba? Gusto mo ako na lang bumili?" pagpe-presinta ko. Wala pa kasi talaga akong balak pumasok sa loob.

"H-ha? Wag naaa!" pagtutol niya sakin.

Kahit na tumutol siya ay nagpumilit pa rin ako. "Sige na... okay lang.. Malapet lang naman ehh.."

"Nakakahiya! Bisita kita! Pumasok ka na kaya?!"

"Hindi okay nga lang." nakangiting saad ko sa kanya. Para hindi na siya pumalag, kinuha ko na yung pera. "Ako na."

Wala naman siyang nagawa. "Okay. Iced Tea Flavor lang ha? Bilisan mo Syke!"

Tumakbo na ko ng mabilis papuntang tindahan. Ayoko pa kasi talaga pumasok. Halos kalahating minuto na din akong nasa labas. Walang ginagawa. Kanina gusto kong uminom, pero nawala na ko sa mood. Batiin ko na kaya siya? Tama kaya? 'Yun na lang siguro ang mas makabubuting gawin ko para sa kanya.

"Ayy engot! Ginagawa mo nga 'to para madali nang bumitaw sa kanya di ba?" pagtutol ng isip ko. Wew! Ano ba talaga!? Naknang tokwa naman ohh! Ang gulo!

Pagkabili ko, nagmadali na din akong pumasok sa loob ng bahay. Saktong pagpasok ko, nakita ko si Jaja may hawak na baso. Hala? Bakit siya iinom? Hindi naman nainom 'yun alam ko ehh! Dahil ba sakin? Pipigilan ko na sana siya kaso--

"Tara shottttttt!" buong lakas niya pa iyon sinigaw. Wala na kong nagawa. Biglang nilagok ni Jaja yung laman ng isang basong hawak niya.

"Ohhh ayan na pala si Syke ehh."

Nakita kong tumingin din siya sakin. Nagkakatitigan kami. Pero ako na ang unang umiwas ng tingin at natungo na lang ako sa aking mga kaklaseng lalaki.

Mas lalo tuloy akong nakonsensya. Nagagawa nya na tuloy uminom dahil sakin. Pero naiinis ako. Naiinis ako hindi sakanya kundi sa sarili ko. Hindi ko na siya napigilan sa pag-inom niya. Nangyari na ehh.. Dumiretso na lang ako sa kinauupuan ng mga kaklase nameng lalake.

"Ohh Pare! Ba't ang tagal mo? Kanina pa kami naghihintay sayo!"

"Oo nga.. kanina pa si Jaja dito pero ikaw wala pa. Sa'n ka ba nagpupunta?"

"Nang-chiccs ka na naman... Sabagay pwede na! Tapos na misyon mo!"

"Haha. Oo nga pareee! Cheers!"

'Yan ang bungad nila nung lumapit ako sa kanila. Hindi ko na nga lang pinansin. Kinuha ko agad yung isang baso at saka nagsimulang tumagay. Misyon? Tapos na misyon ko kay Jaja? Oo nga pala, tapos na ang pustahan. Napakinabangan na nila si Jaja. Graduation na e. Napakinabangan ko din pala ng malaki. Kasama pala ako. Sama ko 'di ba? Kaya nga nakokonsensya ako.

Love Is In The AirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon