Chapter 19 - Live Love Cheer

402 29 3
                                    

Chapter 19

Live Love Cheer

 

Janella's POV:

 

"Kung kailangan mo ng kausap, nandito lang ako."

Inabot nya yung panyong hawak niya. Bakit? Nakita ba niyang umiiyak ako?

"Kita mo na ngang di ako Okay diba? Pinagalitan ako ni Coach tapos ikaw hindi? Unfair! Umalis ka na! Hindi ko kailangan ng tulong mo, Manyak!"

Nakakainis! Bakit kasi ako lang yung pinagalitan ni Coach. Napaka-unfair talaga! Dahil ba sikat siya? Dahil ba sila may-ari ng skul na 'to? Hindi ko man alam yung dahilan pero bakit siya pinaboran? Gwapo nga, ang manyak naman! Hindi ko kailangan ng tulong niya. At lalong hindi ko kailangan ng kausap ngayon.

"Aba! Ang kapal din ng mukha mong sabihan ako ng ganyan ha? Hindi kita binobisohan, at hindi kita pagiinteresan. Wala ka pa nga sa mga naging ex ko ehh. Wag ka ngang assuming! Ikaw na nga itong tinutulungan, ikaw pang galit! At pwede ba, wag kang magalit sakin kung di ako pinagalitan ni Coach, bakit? May sinabe ka na ba sa school na 'to? Wala diba? Wala pa.."

"Ehhh--"

Sasagot pa sana ako kaso bigla na lang siyang nag-walkout.

"Hoyyyy! Bumalik ka ditoooo! Manyakkkkk!"

Yung pagkalungkot ko kanina, napaltan ng inis at galit. Kung kanina nagmumukmok lang ako dahil sa binitawang salita sakin ni Coach nung pinagalitan niya ko, ngayon, naiinis ako sa lalaking nakausap ko. Sino ba naman daw ako? At wala daw ako sa mga naging ex niya? So what? Palibhasa, ang panget kasi ng mga ex niya!

Bumalik na ko sa training. Nagsstart na sila kanina pa. Si Coach parang badvibes padin.

"Jaja! Hindi pa ba kayo magsasabay ni Ralph? Stretching na!"

"Opo Coach! Nandyan na!"

Pag minamalas ka nga naman ohh.. Hindi ko pa naman alam kung ano yung mga stretching na ginawa nila. Malas lang, kailangan ko talaga magtanong.

"Hoy Manyakkk!"

Hindi niya ko pinapansin. Binuhat niya yung bag niya at nilagay sa isang tabi tapos nauna nang tumakbo.

"Sandaliiiiii! Hindi ko alam kung ano yung mga ginagawa nila!"

"Wala din akong alam."

"Mas nauna ka sakin ng ilang araw kaya may idea ka na."

Dedma. Panay na ang kakasalita at kasisigaw ko pero wala padin.

"P-Pleaseeeee?"

Ang ingay ko na. Buti na lang wala si Coach. Nakakahiya. Yung ibang mga tao pinagtitinginan na ko. Nag-CR yata. Hindi naman ako makapagtanong sa mga kasamahan namin kasi sa iba sila nakapwesto. Dahil nga late kami, sa kabilang dulo kami ng gym ngstretching.

Love Is In The AirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon