Isang linggo na ang nakalipas mula 'nung graduation. Masyadong mabilis ang pangyayari. Sa loob ng isang araw ang daming naganap. Hindi ko alam kung nanaginip lang ako. Pero hindi.. Totoo lahat ng 'to.. Totoo ang mga nangyayari..
Meron ba kayong time machine?
Pwede bang ibalik nyo ko sa panahong masaya kaming dalawa? Pwede bang dun na lang ako tumira? Pwede bang kami na lang ulit?
"Ateeeeeeee!" Bigla akong napabalikwas sa kama. "Ate gising naaaaa!" Hindi ako sumagot. Minabuti kong umupo muna sandali sa kama.
"Ate gising ka na baaaaa? Andito na mga kaibigan mo!?"
"Gising naaaaa! Kanina paaaaaa! Sabihin mo waittttttt!"
Naku! Late na ko. Aalis nga pala kami. Clearance nga pala ngayon. Kailangan maaga kami para maabutan namin mga teachers namin.
Pumunta ako sa banyo. Naghilamos. Hindi na ko naligo. Hindi naman ako mabaho kasi di naman ako palalabas ng bahay. Isa pa, wala namang aamoy sakin dun. Pagkatapos nagsipilyo na din ako. Paglabas ko ng banyo, kumuha agad ako ng damit sa drawer. Plain na polo shirt lang yung sinuot ko para simple. Tapos itinerno ko sa maong na pantalon. Kinuha ko na din yung rubber shoes ko. Wala naman akong ibang sapatos na pagpipilian. Hindi pa naman yun sira kaya pwede pang pagtyagaan.
"Ateeeeeeeeee!" sigaw muli ni bunso.
"Heto naaaa pababa naaaaaa...!!!" Pagbaba ko nakita ko agad sina Sandy at Cassey.
Umiling-iling si bunso nang makita ko siya. Tsk tsk! Ang tagal mo ate. Kanina pa sila."
"Hayaan mo silang maghintay sakin.." sarkastiko kong sabi.
Narinig naman iyon ng dalawa. "Wow ha? Nakakahiya naman samin di ba Cass?!"
"Oo nga.. tara alis na tayo dito." Biglang pagyaya ni Cassey.
Tumaas naman ang kilay ko sa kanya. "Matapos mong kumaen ng pandesal aalis ka na? Ano 'yan? Bastusan?" pangongonsensiya k okay Cassey.
"Haha. Joke lang Jaja. Sabe ko ngaaa! Tara hintayin natin siya Sandy.." natawa naman ako nang hampasin niya pa sa braso si Sandy. Inihanda ko na rin ang gamit na dadalhin ko.
"Tara na ngaaa!" ako na mismo ang nagyaya nang makapag-ayos na ko.
"Ate hindi ka ba kakaen muna?" paalala ni bunso. Ang sweet naman talaga. Kahit kelan nga naman ang bait-bait. Mana sa ate. Hehe.
Umiling-iling ako kay bunso. "Hindi na muna bunso. Uuwi din naman ako kagad."
"Sige ate. Ingat!"
"Bye!" sabay hinalikan ko siya ng maraming beses. Nakakagigil 'tong kapatid ko.
"Ahhh—Tama na ate.. Bye ate!" nag-wave na sa akin si bunso nang tantanan ko na siya.
Umalis na kami ng bahay. Maliit lang ang dinala kong bag. Sakto na dun yung isang notebook, isang ballpen at iba pang kailangang ipasang requirements sa ibang mga teachers. Isang sakay lang naman ng jeep papunta samin kaya malapit lang.
"Ang tagal mo-- Baka late na tayo." Saad ni Cassey
"Di pa 'yan.. Tiwala lang.."
"Ba't ba ang tagal mo?" muli niyang tanong. Grabe! Sobrang late ko na ba talaga?
"Haha. Kakagising ko lang kasi 'nun!" kakamot-kamot kong sabi.
Marahang dinuro ni Cassey ang noo ko sabay hampas sa akin ng malakas. "Ayan tayo ehhh.. Bago bago din 'di ba Sandy?"
BINABASA MO ANG
Love Is In The Air
Teen FictionSi Janella Jade Jorigue ay isang Salutatorian graduate sa isang public High School. Sinong mag-aakalang sa sobrang talino niya ay bobo pala siya sa pag-ibig? Nagawa siyang paikutin at bilugin ng pinakamamahal niyang si Syke. Ang kanyang first boyfri...